Thursday, January 12, 2012

New Year's Resolution



Natapos na ang 2011 at panibagong taon na ulit,
Sigurado sa trabaho ko ay marami namang mangungulit,
Kami kasi ang nagbibigay solusyon sa problema ng iba,
Lalo na kung kahit anong gawin nila,
Ay di pa rin masolusyonan o makaya.

Nag-aayos.. nagbibigay solusyon.. tumutulong..
Na minsan dugo na ang aking ilong,
At kadalasaan ang isipan ko ay parang gumugulong..
Ayos lang yun malaki naman ang sahod o bigay sa aming datung.

Nagsulat.. nagsusulat.. at magsusulat..
Yan ang dapat kong gawin sa mga oras na inaantok at mata'y di maidilat..
Minsan kasi wala masyadong ginagawa..
Na parang gusto mo na lang humiga at humilata.

Sulat.. sulat.. sulat.. sige sulat pa..
Mas maigi na yun kasi nahahasa ang iyong isip at diwa..
Di kagaya ng wala kang ginagawa..
Nasasayang ang oras mo.. kung maghapon kang nakatunganga.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...