Tuesday, November 30, 2010

Basic Safety Training - Course Outline



Ngayong nakapag enroll ka na para sa Basic Safety Training, anu-ano ba ang pwede mong matutunan sa training na ito?

May dalawang bahagi ang training..
Theoretical - ang mga terminologies, mga definitions sa Basic Safety, at ang mga nakasulat sa libro. Ito ay tatakbo ng 6 na araw.

Meron ding Practical - ito naman ay ang paggawa na ng mga natutunan mo sa loob ng silid aralan. Yung sa totoong buhay ba.. kung paano ang tamang reaksyon sa mga emergency. Ito naman ay gagawin ng 1 araw.

Ang basehan ng training na ito ay ang STCW Code of 1995. Ito ay batas na pinagkasunduan sa industriya ng maritime. Naglalayon itong magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang sinumang magkakaroon ng trabaho sa barko.. kabilang dito ang mga marino, waiter, cook, singer, musikero, janitor, atbp na nagttrabaho sa barko. Ang kaalaman at kasanayang nito ay mahalaga para mailigtas ang buhay ng tao sa pagdating ng sakuna o emergency.

Fire Prevention and Fire Fighting (part 1)
-Tuturuan kayo dito paano maiwasan ang sunog bago pa ito magsimula at paano naman ito papatayin kung ito ay nagsimula na. Magsisimula sa principles of fire... iba't ibang klaseng apoy at pamatay apoy.. Ang pinakamahalagang natutunan ko dito ay.. ang pagkakaroon ng maaayos at malinis na kapaligiran ay ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang sunog.
Ito marahil ang dahilan bakit mas malimit magkaroon ng sunog sa squatters area kumpara sa mga subdivision. Mas makalat at magulo sa isang squatters area kaysa sa subdivision.

Fire Prevention and Fire Fighting (part 2)
-Malalaman mo dito ang iyong responsibilidad bilang kasama sa crew ng isang barko.
Ang iba't ibang klase ng fire extinguisher ayon sa tangke at ayon sa laman o content nito. Makakahawak ka na dito ng firehose na may nozzle at maisusuot mo na ang breathing apparatus.

Personal Survival Technique
-Paano ka mabubuhay sa gitna ng dagat pagkatapos lumubog ang sinsakyan mong barko. Kung ikukumpara mo ang lawak ng dagat sa laki mo.... kagaya ka lang ng isang butil ng bigas sa gitna ng isang soccer field. Matututunan mo dito paano magsuot ng lifejacket.. ng immersion suit.. at ng thermal na kumot. Ano ang magiging pagkain mo sa gitna ng dagat.. paano mangisda ng walang tansi at bingwit. Galing di ba!

First Aid (part 1)
-Unang panlunas... maling translation... Pangunahing lunas dapat... pangunahing lunas sa mga pagkakapaso... sa mga bali sanhi ng aksidente.. sa shock.. sa sugat.. sa pagkawala ng paghinga at pagtibok ng puso.




First Aid (part 2)
-Dito mo matutunan ang practical na pagbibigay ng pangunahing lunas sa nawalan ng paghinga at pagtibok ng puso... o mas kilala sa tawag na Rescue Breathing at CPR.



1. The scene is safe.
2. Hey mam/sir are you OK? 2x
3. Help help help!
4. The mouth is clear.
5. LLF (Look Listen Feel) 1001, 1002, 1003, 1004, 1005
6. 2 ventilations
7. LLF (Look Listen Feel) 1001, 1002, 1003, 1004, 1005
8. Victim (-P) (-B), Call the bridge as I perform CPR
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n1 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n2 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n3 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n4 BB
9. Recheck Pulse and Breathing
10. Victim (+P) (-B), Call the bridge as I perform Rescue Breathing
B 1, 1002, 1003, 1001 B
B 1, 1002, 1003, 1002 B...
... B 1, 1002, 1003, 1012 B
11. Recheck Pulse and Breathing
12. Victim (+P) (+B)
13. Recovery Position to avoid Aspiration.

Personal Safety and Social Responsibility
-Pag-uusapan naman dito ang tungkol sa marine pollution... safety sa barko.. pakikipag communicate sa kapwa mo crew.. at human relation.. medyo boring yung topic pero dahil sa komedyante ang nagtuturo ay ayos na rin..

Matututo ka base mismo sa mga karanasan ng tagapagturo... Ayos! ☺►

No comments:

Post a Comment