Wednesday, December 15, 2010

Chicken Adobo

Namalengke ako noong Linggo... di pala namalengke kundi nag grocery kasi wala namang palengke dito Oslo. Naglakad lang ako mula sa apartment papuntang grocery... siguro mga 10 minutes din yun. Haaay salamat nakarating din ako.. sobrang lamig kasi sa labas...

Nagsimula na akong mag ikot sa grocery store.. Unang dinampot ang orange juice na 1.5 liters.. kailangan ko yun para sa vitamin C, wala pa naman akong baong vitamins. Pumunta sa meat section kung saan nakita ko yung chicken breast na 650 grams.. dinampot ko yun dahil gusto kong makatikim ng adobong manok... sawa na kasi ako delata.
Siyempre kailangan ko ng pansahog sa adobo.. naghanap ng suka.. paminta.. toyo.. at wag kakalimutan ang asin. Natagpuan ko yun sa spices section para sa mga taga India...
Ang suka nila ay parang tubig ang kulay pero napaka asim.. ang paminta ay pareho lang.. tapos ang toyo ay Kikoman soy sauce... ang asin ay rock salt na may grinder sa dulo.. Muntik ko ng makalimutan ang bawang.. salamat at meron din sila.

Ng magbabayad na ako ay eto na yung presyo ng bawat pinamili ko..

Orange Juice - 24 kr
Itlog - 23 kr
Chicken - 110 kr
Rock Salt - 23 kr
Kikoman Toyo - 30 kr
Suka - 14 kr
Bawang - 10 kr
Paminta - 5 kr

Total - 239 kroners


Maputla ang adobo kahit kalahating Kikoman toyo an inilagay ko... wala itong binatbat sa Silver Swan o kaya sa Datu Puti. Matamis pa ang lasa nya di nakakapag paalat ng adobo...

Yung para lang sa Adobong manok ay 215 kroners na kaagad... sa Pilipinas ay P1,602.39. Grabe sa mahal ang ulam ko kahapon at kaninang umaga...
☺►

No comments:

Post a Comment