Friday, December 3, 2010
Paskong Pinoy
22 days na lang Pasko na!
Isang pinoy classic na awiting pamasko na naglalarawan ng pagiging maka Diyos ng mga Pilipino. Ang pagsisimba at pananalangin na dapat ay wag nating limutin.. para sa ating sarili.. para sa ating pamilya.. para sa ibang tao... at para sa ating bansa. Dahil kung sa Diyos mo babanggitin kahilingan mo at panalangin... sigurado ito ay Kanyang diringgin. ☺►
Ding dong ding dong ding(background)
Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Maggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan
Chorus
Ang kampana’y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa
Ding dong ding dong(background)
**
Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka’t tayo’y may tungkulin sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba
Repeat Chorus
Xylophone playing...
Repeat Chorus and **
Repeat Chorus
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa... fade
----------
http://www.wheninmanila.com
No comments:
Post a Comment