Tinola sa palayokSahog ng Tinola15 days na lang Pasko na!
Namimiss ko tuloy ang tinola na luto sa probinsya yung native na manok... may papayang hilaw... dahon ng sili.. at may luya... lalo na kapag malamig ang panahon.. masarap humigop ng mainit na sabaw nito..
Masigla at masaya ang awiting ito na naglalarawan ng Noche Buena sa Pilipinas.. ☺►
Noche Buena
Musika: Felipe de Leon
Lyrics: Levi Celerio
Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
No comments:
Post a Comment