Sunday, December 5, 2010

PLDT DSL Speed

Nagpakabit ako ng DSL sa bahay noong nakaraang 6 na buwan... at siyempre PLDT lang ang merong available na DSL line doon. Ayaw ko naman sa DSL wireless ng globe o kaya naman sa Smart Bro.. o kaya PLDT Weroam... pag wireless wala kang maasahang tibay doon.

Eto yung baseline testing ko para sa PLDT Plan 999 at yung resuta ay nasa baba.. 1MB ang download speed... ang upload speed ay kalahati lang..



Tandaan nyo.. hindi 999 pesos ang babayaran nyo.. ang totoo ay 1700 pesos. Nagulat nga ako sa unang billing kasi bakit ganun... Magugulang talaga yung marketing strategies nila.. di sinasabi yung whole picture... para sa akin yan ay pandaraya sa mga customers. Ang half truth ay hindi pa rin truth... eto pa rin ay hindi totoo. Yun pala may additional line charges pa sila kung wala kang telepono... yun ang 700 pesos... na hindi nila sinasabi sa mga nag iinquire o nag aapply sa kanila..kaya suma total P1000 + P700 = P1,700 ang babayaran mo.

Sa akin OK lang basta't maganda ang service... basta't pag may sira ay aayusin agad nila... o kaya naman ay mataas ang up time nila.

Ikukumpara ko lang ang speed ng Internet speed dito sa Oslo... wireless ang gamit ko pero grabe anlupit ng speed.. 5MB download at upload speed...wireless pa yan ha...

Naiisip ko tuloy ang tingnan mo lang yung kalagayan ng speed ng ISP malalaman mo na kung maunlad o mahirap ang isang bansa.
☺►



susunod... Manila Airport to Hongkong Airport

No comments:

Post a Comment