Wednesday, January 19, 2011

CAV - Certificate of Authentication and Verification



Sa wakas nakuha ko na rin yung CAV ko.. pagkalipas ng halos 1 buwan..
Ito ay isang requirement kung kukuha ka ng SRC o Seafarer's Registration Certificate.
Ang aking nagastos ay P200 sa eskwelahang aking pinagtapusan... akala ko OK na yun.. meron pa palang P100 para sa authentication sa DFA. Halos lahat na yata ng certificate ng gobyerno natin ay may bayad. Dapat libre na ito.. taxpayer naman ako! Andami talagang raket o pinagkakakitaan ang gobyerno natin dito sa Pilipinas.

NBI clearance may bayad.. Barangay clearance may bayad.. Police clearance may bayad.. cedula may bayad... Seaman's book may bayad.. Passport may bayad... Driver's license may bayad.. PRC license may bayad...

Ayos lang sa akin kahit magkano ang ibabayad ko basta't mabilis at maayos yung serbisyo. Hindi yung paghihintayin ka habang nagmamake up pa sa loob ang empleyado.. o kaya nakikipagtsismisan lang sa katabi nya..

Husayan sana ang serbisyo at unahin ang mga tao. ☺►
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...