Showing posts with label Awit. Show all posts
Showing posts with label Awit. Show all posts

Saturday, October 19, 2013

Gloc-9 feat. Rico Blanco "Magda" Song Preview

The first time I heard the song.. I'm definitely sure this will pickup the charts. Waiting eagerly to release their music video of the song.

Usually Sex Trade happens to any country.. but the most affected countries are the 3rd world countries. The standard of living the Philippines.. milllions of Filipinos are still under poverty.. they will do anything for a living just to survive.

Bottom line is that we have to strengthen our Godly family values.. from the parents down to their kids.

Be a help to someone today. Make it everyday. :)


Some statistics about the Sex Trade in the Philippines from Wikipedia.

A 1997 report put the number of child victims of prostitution at 75,000 in the Philippines.,[10] with other estimates saying as many as 100,000.[11]

According to the United Nations Children's Fund (Unicef)an estimated 60,000 to 100,000 children in the Philippines are involved in prostitution rings. According to the International Labour Organization (ILO) about 100,000 children are involved in prostitution.[12] is a high incidence of child prostitution in tourist areas. An undetermined number of children are forced into exploitative labor operations.[13]

The Philippines is the fourth country with the most number of prostituted children,[14] and authorities have identified an increase in child molesters travelling to the Philippines.[15]

There are estimated to be 375,000 women and girls in the sex trade in the Philippines, mostly between the ages of 15 and 20, though some are as young as 11.[16]

The International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies state that there are more than 1.5 million street children in the Philippines and many end up in prostitution and drug trafficking in places such as Manila and Angeles City.[17]

Government and NGO estimates on the number of women trafficked range from 300,000 to 400,000 and the number of children trafficked range from 60,000 to 100,000.[18] According to the US government reports, the number of child victims in the Philippines range from 20,000 to 100,000, with foreign tourists, particularly other Asians, as perpetrators.[18]

An estimated 60,000 to 100,000 children in the Philippines are involved in prostitution rings, according to Minette Rimando, a spokeswoman for the U.N.'S International Labour Organization's Manila office.[19] Based on the statistics provided by the Visayan Forum Foundation, most victims are between 12 to 22 years old.[20]

The Philippines is ranked under Tier 2 Watch List in the 2009 Trafficking in Persons Report of the United States (US) State Department due to the Philippine government’s alleged failure to show evidence of progress in convicting trafficking offenders, particularly those responsible for labor trafficking.[21]


Youtube video is owned by UniversalRecPH.

Wednesday, August 29, 2012

GLOC-9 feat. Ebe Dancel "Sirena" Music Video

Great arrangement, lyrics, and video concept.
Support Filipino music artist!

It supports and promotes homosexuality which the Catholic church will definitely disagree.

Love the person.. hate racism, immorality, and wrong. Uphold what is true and right.


Tuesday, March 22, 2011

Digmaan sa Libya


Kailanman walang nananalo sa isang digmaan,
Sa paghaba at pagtagal nito ay dapat iwasan,
Pagmamataas ng ilang lider ay iyon ang dahilan,
Alitan ng mga matatanda mga paslit ang naapektuhan.


Mapayapang Daigdig

Hindi mga baril at armas pandigma
Ang kailangan ng mundo, ayon sa mga bata
Ang aming hinihingi ay makakaing tinapay
Na maaaring hatiin nang pantay-pantay.
Maglaro ng bola, hindi bala,
Masaya ang mundo na walang gulo,
Kung sakaling may pagtatalo,
Huwag daanin sa init ng ulo,
Ugaling iyan ay asal-hayop
Iya’y di gawang makatao.
.
Dinggin ang panawagan ng mga musmos,
Ang tinig ng paslit ay tinig ng langit!
Ang awit nila’y kailan kaya maririnig?
Hatid nito ay balita ng mapayapang daigdig!
Maglaro ng bola, hindi bala,
Masaya ang mundo na walang gulo,
Kung sakaling may pagtatalo,
Huwag daanin sa init ng ulo,
Ugaling iyan ay asal-hayop
Iya’y di gawang makatao..
Dinggin ang panawagan ng mga musmos,
Ang tinig ng paslit ay tinig ng langit!
Ang awit nila’y kailan kaya maririnig?
Hatid nito ay balita ng mapayapang daigdig!
.
Hindi mga baril at armas pandigma
Ang kailangan ng mundo, ayon sa mga bata
Ang aming hinihingi ay makakaing tinapay
Na maaaring hatiin nang pantay-pantay.

Tuesday, March 8, 2011

Kahit Maputi na ang Buhok Ko

Nakaka inlove ang awiting ito,
Sana sa akin mangyari ang ganito,
Na sa paglipas ng panahon ay mananatiling totoo,
Ang dalisay at wagas na pag-ibig ko saiyo.

Ang cute at sweet ng MTV ng awiting ito.. mas lalong nakaka inlove..☺►


Saturday, February 26, 2011

Walang Natira by Gloc 9

Sa wakas ay nakita ko rin ang Music Video nitong awitin na ito...
Ang galing ng konsepto ng director nito. Kudos sa iyo!
Sheng Belmonte - ganda ng timbre ng boses at bagay na bagay ang kaniyang character sa music video.
Gloc 9 for President!
Enjoy..
☺►

Wednesday, February 16, 2011

Walang Natira by Gloc 9

Pakinggan ng maigi at unawain ang kanta,
At mayroong katotohanan na makukuha.. ☺►




Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nars dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

lupa kong sinilangan ang pangalan ay Pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauungusan ang batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mabahiran ng chokolate ang matamis na ngiti
ng anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pag nayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugtumin, sasaktan, malalagay sa peligro
uwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ito sa kanila
lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo mututubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna to
basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira ahh

Thursday, February 10, 2011

Porque by Maldita

Unang narinig ko ang awiting ito sa bus habang papasok sa trabaho,
Sa sobrang aga kong pumasok ay kalimitan sa bus natutulog ako,
Pero habang tumatakbo ay bus at biglang tinugtog ang awiting ito,
Simula noon ay hinanap ko na kung sino ang artist nito.

Catchy at masaya ang kanilang musika,
Sa lamig ng kanilang boses ay maiinlove ka,
Lalo na sa harmony ng 2 tono at gitara,
Sigurado ito ay patok sa pandinig ng masa.

Para sa updates ng kanilang banda..
Maldita


Keep on making good music.. ☺►


Note: Ito ang original na Porque yung Tagalog version ay hindi pa available.

Porque
by Maldita

Solo solo na mi cuarto
Hinde ta pwede durmi
Vira vira na cabesa
El dolor yo ya cinti

Porque pa contigo yo ya kere?
Como bula lang tu ya perde

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo

Todo todo yo ya dale
Aura ta aripinti
Sobra sobra el duelencia
Tormento para vivi

Porque pa contigo yo ya kere?
Como bula lang tu ya perde

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo.

No tu ditorba y no atraka,
Kay baka palmadja I'o
Kuntigo, nunka asepta,
Itu ay vira, todolor
Ya sinti...

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo.

----
lyrics from lyricsmode.com

WHY?

All alone in my room,
I cannot sleep
The pain that I felt
Keeps coming back to my mind

Ref: Why is it you were the one I chose to love?
I lost you like a burst of a bubble.

Cho: Why is it that I chose you?
Now in my heart, I am suffering
I simply ask
You feel and experience what I felt
Asking for a miracle to bring back the past

And make all things right
In my prayers I ask
That I forget you.
I gave you everything

Now I regret it
The pain is so immense that
It is hard to live

(Repeat refrain and chorus)
Bridge:
Do not bother me

Not even to come near me
I might slap you
For the pain that I experienced,
If ever you wish to come back

I can never accept you
Why is it that I chose you?

Now, in my heart I am suffering
I simply ask
You feel and experience what I felt

(Repeat Chorus)
Ooohh..

Why is it that I chose you?
Now in my heart, I am suffering

Friday, December 17, 2010

Paskong Pinoy

8 days na lang Pasko na!

Ang unang Pasko ay nung ipinanganak si Kristo,
Siyempre ito yung kanyang birthday,
Kaya dapat nating salubungin ito..
Ng may pagmamahal at tunay na pakikipagkapwa tao.



Nandito pa rin ako sa Oslo.. pero malapit na at back to home base na ako.. ☺►




Mary’s Boy Child
by Jose Mari Chan

Long time ago in Bethlehem so the Holy Bible said
Mary’s boy child Jesus Christ was born on Christmas Day.

Hark now hear the angels sing a new king born today
And man will live forevermore because of Christmas Day.
Trumpets sound and angels sing, listen to what they say
That man will live forevermore because of Christmas Day.

While shepherds watch their flocks by night,
They see a bright new shining star,
They hear a choir sing, the music seemed to come from afar.

Now Joseph and his wife, Mary, came to Bethlehem that night,
They found no place to bear her child, not a single room was in sight.

Hark, now hear the angels sing, a new king born today,
And man will live forevermore, because of Christmas Day.
Trumpets sound and angels sing, listen to what they say
That man will live forevermore because of Christmas Day.

By and by they find a little nook in a stable all forlorn,
And in a manger cold and dark, Mary’s little boy was born.

Long time ago in Bethlehem so the Holy Bible said
Mary’s boy child Jesus Christ was born on Christmas Day.

Hark, now hear the angels sing, a king was born today,
And man will live forevermore, because of Christmas Day.
Trumpets sound and angels sing, listen to what they say
That man will live forevermore because of Christmas Day.

Thursday, December 16, 2010

Paskong Pinoy

9 days na lang Pasko na!



Sa mga taong mahilig magsenti... eto ang awiting pwede mong kantahin palagi,
Sa mga taong nagmamahal ngayong Pasko.. pero di mo kapiling ang taong minamahal mo,
Maaaring kayo ay nagkalayo... sa dahilang di nyo naman ginusto,
Patuloy na magmahal.. hanggang dumating ang tao na tunay sa iyo'y magmamahal. ☺►




A Perfect Christmas
ni Jose Mari Chan

I
My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When they're shared with you

II
Looking through some old photographs
Faces of friends we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights, all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair

Chorus
I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend my whole life with you
repeat II
Chorus
My idea of a perfect Christmas is to spend it with you

Wednesday, December 15, 2010

Paskong Pinoy

10 days na lang Pasko na!



Sa musika siya'y isang henyo.. si Ginoong Ryan Cayabyab sa paglapat ng tono... awiting Pinoy tungkol sa mga regalong pamasko... ano kaya ang ireregalo at magiging regalo ko?

Padum padum pa pa pa pa .. boses bilang saliw na musika... galing!
☺►



ni Ryan Cayabyab
Intro..

Padum-padum…

Heto na naman 'yong masayang panahon
Ubas at mansanas na kahon-kahon
Said na ang bulsa pagod pa ang paa
Kahahanap ng regalong mura't maganda

Heto na naman 'yong ganitong panahon
Kundi kalendaryo ay maalat na hamon
Wala na bang iba, fruit cake na luma
Exchange gift na diary, chocolate at sabon

CHORUS:
Wala na ba kundi panandaliang saya
Wala na ba kundi ako, ikaw at siya
Nalilimutan natin kung bakit may Pasko
Isang nagmamahal na Diyos ang sinilang sa mundo

Heto na naman, mga awit ng panahon
Si Santa Claus at Rudolph, nagtipon-tipon
Wonderland ni Johnny, puting Pasko ni Crosby
Ano nga 'yung hit ni Michael Jackson (Why don't you…)

(Repeat 2nd stanza)
(Repeat Chorus 2x)

CODA:
Maligayang Pasko
Maligayang Pasko
Maligayang Pasko
Maligayang Pasko

Sa inyo, ding-dong

Tuesday, December 14, 2010

Paskong Pinoy



Ansaya ng pagkaka-awit ng The Company... na parang ngumingiti ka palagi... Wala talagang dadaig pa sa awiting Pinoy.. kasi ang kasiyahan nito ay tuloy tuloy...☺►



Kumukuti kutitap
ni Ryan Cayabyab

(Acapela)
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata

Iba't ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo

Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
'wag lang malundo sa sabitin
(pupulu-pulupot) paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin

*
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribbon eskoses at guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan

**
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan ng palarang bituin


(Ulitin *)
(Ulitin **)

Monday, December 13, 2010

Paskong Pinoy



12 days na lang Pasko na!

Nabigyan ako ng pagkakataon na makapunta sa isang Christmas party ng mga Pinoy dito sa Oslo. Wala pa ring tatalo sa samahan at kainan ng mga Pinoy. Panalo ang mga pagkaing Pinoy... at mga kakanin o panghimagas...



Malungkot ang awiting ito pero nakakahaplos sa pusong umaasa ng magkakabalikan pa. Ganun din kasi ang diwa ng Pasko.. puno ng pag-asa sa kabila ng di magandang nangyayari sa atin. ☺►



Pasko na Sinta Ko
Music: Francis Dandan
Lyrics: Aureo Estanislao

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit ka nagtampo
Iniwan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo

Refrain:

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paao ang Paskong
Alay ko sa iyo.

Sunday, December 12, 2010

Paskong Pinoy



13 days na lang Pasko na!

Isa sa mga pinakasikat na awiting pamasko.. ☺►



Christmas in Our Hearts
by Jose Mari Chan

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street
I remember the child in the manger as he sleeps
Wherever there are people
Giving gifts exchanging cards
I believe that Christmas is truly in our hearts
Let's light our Christmas trees for a bright tomorrow
Where nations are at peace,
And all are one in God

[Chorus:]
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts

In every prayer and every song
The community unite celebrating the birth of our savior Jesus Christ
Let love like that starlight on that first Christmas morn
Lead us back to the manger where Christ the child was born
So come let us rejoice
Come and sing the Christmas carol with one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord

[Chorus:]
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts

[Chorus:]
Let's sing Merry Christmas and a happy holiday
The season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts

Saturday, December 11, 2010

Paskong Pinoy


14 days na lang Pasko na!

Sa pagtagal ng aking training dito sa Oslo ay namimiss ko na rin kahit papaano ang aking pamilya sa Pilipinas... pamilya sa tahanan... pamilya sa simbahan... pamilya sa subdivision.. mga kaibigan sa trabaho.. Pero may mga kaibigan at pamilya rin naman ako dito.. mga pamilyang Pilipino na masayang ipinagdiriwang ang Pasko..

Ito ay sinasaliwan ng tamburine na pwedeng pwede sa pangangaroling..
☺►



Bati nami’y Merry Christmas
At bagong taong sagana
Pasko ay pandiwang
Pang-araw na dakila

Dapat tayong manatili
Sa buhay na mapayapa
Upang lumigayang tunay
Ang ating Inang Bansa.

Koro
Merry Christmas, Merry, Merry Christmas
Paskong anong saya
Happy New Year, Happy, Happy New Year,
Bagong taong sigla
At kung kayo’y lumigaya
Pagdating ng Christmas
Kayo’y makakaasang kami’y magagalak.

(Ulitin ang Koro)
Instrumental
(Ulitin ang huling 3 linya sa Koro)
(Ulitin lahat)
(Ulitin ang Koro)

Merry Christmas (3x)

Friday, December 10, 2010

Paskong Pinoy


Tinola sa palayok


Sahog ng Tinola

15 days na lang Pasko na!

Namimiss ko tuloy ang tinola na luto sa probinsya yung native na manok... may papayang hilaw... dahon ng sili.. at may luya... lalo na kapag malamig ang panahon.. masarap humigop ng mainit na sabaw nito..
Masigla at masaya ang awiting ito na naglalarawan ng Noche Buena sa Pilipinas..
☺►



Noche Buena
Musika: Felipe de Leon
Lyrics: Levi Celerio

Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

Thursday, December 9, 2010

Paskong Pinoy



16 days na lang Pasko na!

Napakalambing ng pagkaka-awit ng kantang ito... naalala ko pa tuloy yung mga manok na tumitilaok tuwing umaga sa probinsya.. yun ang natural na alarm clock sa probinsya.. Ipinapakita din dito sa awiting ito ang pagiging relihiyoso at pagiging maka Diyos ng mga Pilipino noon.

Ang Misa de Gallo ay ginaganap ng hatinggabi sa araw ng Pasko sa Pilinas. Nagsasama sama ang bawat miyembro ng pamilya.. o kaya naman mga kaibigan..
☺►


ni Levi Celerio

Misa De Gallo sa simbahan
At nagtilaok na ang tandang
Tanda ng pagdiriwang at pagmisa
Paskong dakilang araw

Ang awit na handog sa Mesiyas
Mayroon pang kastanyeta
At ang koro tuloy ang kanta
May saliw din ng kwanderata

Misa de Gallo sa tuwing Pasko
Nagdarasal ang bawa't tao
At nagpapasalamat sa pagsilang
Ng Diyos na Hari ng mundo

(Ulitin 2nd stanza)
(Ulitin 3rd stanza)
(Ulitin all)

Wednesday, December 8, 2010

Paskong Pinoy


17 days na lang Pasko na!
Malamig talaga ang simoy ng hangin sa Pilipinas.. lalo na dito sa Oslo kasi winter dito...

Pagmamahal ang tema ng awiting ito... ang pag-ibig na dapat maramdaman di lamang tuwing Pasko kundi sa bawat araw... sa sarili mo.. sa kaibigan mo.. sa katrabaho mo.. sa kapitbahay mo.. at lalo na sa pamilya mo.. ☺►


Malamig ang simoy ng hangin
kaysaya ng bawat damdamin
ang tibok ng puso sa dibdib
para bang hulog na nang langit

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan

Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin

[adlib]

[coda]
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit.

Tuesday, December 7, 2010

Paskong Pinoy

19 days na lang Pasko na!

Masaya at masiglang awitin tungkol kay Santa Claus... ngayon ko din lang nalaman na ito pala komposisyon ni Florante ng kumanta ng awiting Handog... Parang kailan lang.. ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin.. ☺►



ni Florante

Sino si Santa Claus ang tanong sa akin
Ng aking bunso na naglalambing
Bakit Pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin?

[Koro]
Pakinggan mo bunso nang malaman mo
Si Santa Claus ay laging naririto
Minamasdan lamang ang ugali niyo
Pagka't mahal niya kayo

Sa tuwing Pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya sa tuwina
Alam mo na bunso, alam lahat halos
Kung bakit may Santa Claus

(Ulitin ang Koro)

[Instrumental]

Sino si Santa Claus ang tanong sa akin
Ng aking bunso na naglalambing
Bakit Pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin?

(Ulitin ang Koro)

Sa tuwing Pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya sa tuwina
Alam mo na bunso, alam lahat halos
Kung bakit may Santa Claus
Bakit may Santa Claus

Monday, December 6, 2010

Paskong Pinoy


20 days na lang Pasko na!

Medyo malamig na sa Pilipinas ngayon.. pero nalaman ko na may mga lugar pala na halos sobrang lamig kapag parating na ang pasko... dito siguro nakatira si Santa Claus... -12 degrees celcius ang lamig dito..

Isa ito sa mga pinakasikat na awiting pamasko lalong lalo na sa mga nangangaroling...
☺►



Pasko Na Naman
O Kay tulin ng araw
Paskong nagdaan,
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko,
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan

Chorus
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Tanging araw na ating
pinakamimithi,
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-i--big
naghahari.

Friday, December 3, 2010

Paskong Pinoy



22 days na lang Pasko na!

Isang pinoy classic na awiting pamasko na naglalarawan ng pagiging maka Diyos ng mga Pilipino. Ang pagsisimba at pananalangin na dapat ay wag nating limutin.. para sa ating sarili.. para sa ating pamilya.. para sa ibang tao... at para sa ating bansa. Dahil kung sa Diyos mo babanggitin kahilingan mo at panalangin... sigurado ito ay Kanyang diringgin. ☺►



Ding dong ding dong ding(background)

Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Maggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Chorus
Ang kampana’y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Ding dong ding dong(background)

**
Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka’t tayo’y may tungkulin sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba

Repeat Chorus
Xylophone playing...

Repeat Chorus and **
Repeat Chorus

Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa... fade

----------
http://www.wheninmanila.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...