Wednesday, January 12, 2011

Kim Komenich returns to Philippines



Pagkalipas ng ilang dekada ay bumalik muli si Kim Komenich sa Pilipinas.

Ngayon ko lang nabasa ang kanyang profile bilang isang photo journalist. Hindi ko siya kilala noon pero nakikita ko na ang kanyang mga litrato o kuha ng kanyang lente na karamihan ay black & white pa... film pa ang gamit nya noon.. hindi kagaya ngayon na digital SLR na ang gamit. Siya ay isang batikang photo journalist na kumukuha ng larawan ng makulay na pulitika sa panahon na ang Pilipinas ay pinamumunuan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matapang.. walang takot.. at ipinapakita nya ang tunay na larawan ng kaganapan.

At pagkalipas ng 25 na taon ay bumalik sya sa Pilipinas para hanapin ang mga mukha na nasa kanyang larawan at magkaroon ng documentary kung ano na ang nangyari sa kanila pagkalipas ng 25 taon.

Matatagpuan ang larawan na kuha ng kanyang lente sa website na ito http://www.kimkom.com

At sa kanyang kahusayan ay ginawaran siya ng parangal ng Pulitzer Price ng taong 1987 para sa Spot News Photography.

Isang magandang inspirasyon para sa mga kabataan ngayon.. ☺►

No comments:

Post a Comment