Friday, January 21, 2011
Pandesal
Noon ang P1 pandesal ay kasing haba ng ballpen na ito
Ngayon ang P2 pandesal ay kasinlaki ng nasa larawan
Ang pandesal bow.
Ang pandesal ay sikat sa meryenda lalo na sa agahan,
Lalo na kung mainit o bagong luto galing sa hurnuhan,
Masarap ito, malambot, malasa at malinamnam,
Na maraming Pinoy dito ay natatakam.
Paggising sa umaga ay diretso sa almusal,
Ang hananapin sa mesa ay ang pandesal,
Sabay timpla ng kape na may muskubadong asukal,
Haluin mo ng maigi para ang aroma sa hangin ay kumapal.
Sabay dampot sa pandesal na mainit,
Na nakalagay sa papel na lalagyang maliit,
Isang kagat muna at ito ay nguyain,
Sunod ay higop sa kapeng dila'y kayang pasuin.
Pero walang tatalo sa style ng Pinoy,
Sa pagkain ng pandesal,
Ito ay isinasawsaw sa kape o kaya pinalalangoy,
Pag malambot na ang dulo ng pandesal.. sa bibig ang tuloy.
Hindi na mawawala sa tradisyon at kultura ng Pinoy ang pandesal,
Dahil sa mga bata ito talaga ang sikat sa almusal,
Madali itong mabibili sa panaderya,
Kahit saang banda basta't nasa Pilipinas ka.
Yung ikinalulungkot ko lang ay isang bagay,
Laki ng pandesal ngayon ay nakakahimatay,
Pagbili ko kanina sa panaderya ni nanay,
Naku naman ang pisong pandesal kasinlaki na lang ng sho mai.
Samantalang ang pisong pandesal noon,
Ay halos isang dangkal ko ngayon,
Pero kahit ang nangyari ay ganun pa man,
Pagkahilig ng Pinoy sa pandesal ay di mapigilan. ☺►
No comments:
Post a Comment