Friday, February 4, 2011

General Limot

Habang pinakikinggan ko ang mga balita tungkol sa pandinig ng kurapsiyon sa AFP, eto ang aking mga napansin:

1. Lahat ng inaakusahan ng katiwalian ay nagsasabing.. "Wala akong maalalang ganyang pangyayari."

Gawa tayo ng isang simpleng halimbawa.. Ako ay kumain ng banana cue kaninang umaga para sa aking meryenda. Kung may magtatanong sa akin ng ganito: "Kumain ka ba ng banana cue bilang meryenda mo kaninang umaga?" Ang mga pwede kong isagot ay una: "Oo" - nagsasabi ako ng totoo, pangalawa: "Hindi" - nagsisinungaling ako, pangatlo: "Hindi ko maalala" - nuetral ang sagot na ito, pwede na di ka nga kumain kanina ng banana cue o kumain ka kanina ng banana cue.

Ikaw ay kalahating sinungaling at kalahating totoo.

Kung hindi maalala ng mga akusado ang pangyayari.. maaaring meron sila ng short term memory loss gawa ng katandaan. Pero kung may ginawa silang kasalanan ay hindi sapat na dahilan na di mo maalala ang isang bagay para alisin ang parusa ng ginawa mo.

2. Salita laban sa salita.
Hindi ako abugado pero ang ang pagkaka alam ko mas pinaniniwalaan ng korte ay ang taong mas may credebilidad. Mahihirapang maghanap ng ebidensiya na actual na nakikita o magpapatunay ng may sala, kaya ang laban ay salita sa salita.

Ang kasalanan ay laging may parusa.
Maaaring dito sa lupa ay makakatakas ka,
Pero sa harap ng Lumikha sa iyo ay wala kang kawala,
Doon mo matatagpuan ang tunay na hustisya.




http://www.gmanews.tv

No comments:

Post a Comment