Monday, February 21, 2011

Peppered Tenderloin Angus Beef Steak



Kapag ikaw ay naimbitahan,
Na kumain sa isang magarang restaurant,
Aba'y siyempre wag ka ng tumanggi,
Baka hindi na ito maulit muli.

Ang kagandahan kapag ika'y inimbitahan,
Hindi ka na mamromroblema sa malaking babayaran,
Ikaw ang imbitado at ikaw ang dadalo,
Sa magpapakain saiyo ito ay pribilehiyo.

Kami ay kumain sa Chef Jessie na restaurant,
Kapangalan pa ito ng aking tatay na nasa Bulan,
Ito ay sa Amorsolo sa malapit sa Rockwell matatagpuan,
Lugar ng mga prominente at taong mayayaman.

Sige na buksan ang menu ang order ay simulan,
Ay sa sobrang tindi at mahal ang soup ay 3 daan,
Dagdagan mo pa ng juice o panulak na dosientos otsienta,
Sigurado kung ikaw ang magbabayad ay butas ang iyong bulsa.

Dadako na tayo sa appetizer na inihanda,
Maliliit na tinapay na may keso at isda,
Sarisaring dahon ng gulay na iyong makikita,
Sa liit nito at sa mahal sa presyo, ito ay mahal nga.

Pumili ka na ng iyong main course na iyong kakainin,
Isda, manok, o bakang lutuin,
Mga putaheng sosyal na di mo natitikman,
Sa karinderya o kaya sa jolli jeep na nasa tabihan.

Appetizer (Tinapay na may sariwang salmon at cheese) = PHP 320
Soup (Creamy Ratatouille) = PHP 290
Drink (Green Mango shake) = PHP 280
Main Course (Angus Peppered Tendeloin Steak) = PHP 1,600

Total Damage = PHP 2,490.... Aaaaaw! ☺►



Chef Jessie = elegante


Monggo soup with moringa - sa Tagalog Monggo na may Malunggay.. iba talaga ang tawag pag sosyal


Green Mango shake - talaga namang maasim ito pero masarap!




Painting sa banyo ng lalaki..


Makalumang gripo ng lababo..


Appetizer na iba't ibang dahon.. at pipino..


Tenderloin steak, mashed potato, at fresh na gulay.. Hmmm sarap!

Sa uulitin... Burrrp!

Paano pumunta... sundan ang mapa..


View Chef Jessie in a larger map

No comments:

Post a Comment