Tuesday, March 1, 2011

Paksiw na Bangus



Sinubukan kong magluto ng paksiw na bangus at ito ang aking version ng pagluluto.
Mga Sangkap:
1 kl Bangus (sariwa para masarap)
1/2 cup Suka
1 tsp Pamintang durog
1 tsp Asin
3 pcs Bawang (dinikdik)
2 pcs Siling haba
1 pcs Ampalayang maliit (para may gulay na kasama)
1 tsp Asukal (pambalanse ng lasa)
Luya (hinating pahaba, pampatanggal ng lansa)

Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay ang bangus sa kaserola.
2. Ibuhos ang suka, bawang, paminta, asin, sili, ampalaya, luya, at asukal.
3. Ilagay ang hiniwang ampalaya.
4. Pakuluan hanggang sa maluto ang isda.
5. Ilagay sa magandang lalagyan at ihain.

Tandaan:
1. Linisin ng maigi ang bangus lalo na ang laman loob nito. Maaaring ito ay pumait kapag di natanggal ang apdo o maging malansa pag di nalinis ng maayos.
2. May kanya kanyang proseso kung anong sangkap ang uunahing ilagay. Pwede itong maka apekto sa magiging lasa ng paksiw.
3. Palagiang hugasan ng tubig ang kutsarang panimpla para malaman mo ang tunay na lasa nito.
4. Ang magaling magluto ay di gumagamit ng pampalasa kagaya ng ajinomoto, magic sarap, knorr real sarap, atbp. Kaya nyang pasarapin ang lutuin sa natural na sangkap. ☺►

No comments:

Post a Comment