Friday, July 15, 2011

Corruption in the Philippines

Habang nasa bus ako kanina ay napakinggan ko ang sinabi ni PNoy... "Habang walang nakukulong at napaparusahang magnanakaw sa kaban ng bayan, patuloy na gagawin ng mga ito ang pagnanakaw dahil di naman sila napaparusahan."

Tama lamang na may makulong at maparusahan sa salang pagnanakaw at paggamit ng salapi na di naman sa kanila kundi dapat gastusin para sa serbisyong kailangan ng mga Pilipino.

Wag nating hayaan o pabayaan ang ganitong gawain mula sa simple o maliliit ng bagay. Halimbawa... nag-apply ako ng Seaman's book sa Marina sa may Kalaw, maliban sa kanilang sinisingil na processing fee ng P800 - regular o P1,500 - expedite... sisingilin ka pa nila ng P9 para sa long folder (halos doble ang presyo) at P25 para sa uniform ng pictorial (wala namang resibo). Di ba dapat kasama na ito doon sa processing fee?? Anak naman ng galunggong o!

Tapos sasabihin nilang "voluntary naman kung gusto mong bumili ng folder eh.. o kaya yung uniform ganun din". Eh dapat isinama at libre na yun para sa mga applikante. Pinoy talaga oo.. minsan nasa dugo ng ng iba sa atin kung paano makapanlamang sa kapwa. Para sa akin parang indirect corruption na rin yun.

Pero tandaan natin na kahit anong ginawang mong panlalamang o pagkuha ng hindi sa iyo.. ang pagiging dishonest ay laging may balik sa iyo.. Maaaring hindi ngayon, pero sigurado darating yun!




www.gmanews.tv

No comments:

Post a Comment