Wednesday, August 3, 2011

Flooding in Metro Manila

Normal na dito sa Metro Manila ang pagbaha pagkatapos ng 1 o 2 oras na malakas na ulan. Tama at tumpak ang dahilan na nakita ng MMDA base sa kanilang pag-aaral sa sanhi ng pagbaha.

Ang problema ay kung ano ang gagawing aksiyon ng bawat Mayor?? Hmmmmm siyempre alam mo na ang sagot dyan! Tinatanong paba yan? Wala silang gagawin kasi halos 1 taon na lang mahigit at mag-eeleksyon na naman. Saan sila kukuha ng boto kung paaalisin nila ng mga squatters na naninirahan sa tabing ilog o creek. Anak ng tuyo naman tong mga Mayor natin o!

Dagdagan pa ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura... aaaaww yare tayo dyan! At ang realidad pa na overpopulated na talaga ang Metro Manila at walang kontrol ang gobyerno kung ilang libo ang pumapasok araw araw dito.. =(



http://www.gmanews.tv

No comments:

Post a Comment