Thursday, April 2, 2009
Lupang Hinirang - Pangalawang Bahagi
Ang una kong natutunan sa paaralan noong ako ay nasa kidergarten ay ang ating Pambansang Awit o ang Lupang Hinirang.
Ito ang inaawit ko pag uwi ko ng bahay... "baayang magiiliw... perlaas silanganan..." Kinakanta ko yun habang patago akong tinatawanan ng mga kasama ko sa bahay. Medyo nabubulol bulol pa kasi... siguro mga 5 taong gulang pa ako noon..
Pati na sa pagtulog ay kinakanta ko pa rin yun... para bukas ay kabisado ko na at maipagyayabang ko sa mga kaklase ko na alam ko na yun... "lupa na araw naluwal hati pagsinta.... buhay ay langit sa piling mo...."
Hindi ko pa alam yung ibig sabihin ng kinakanta ko... pero ipinagmamalaki ko at taas noo kong ginagawa na kumanta habang itinataas ang bandila ng Pilipinas....
Ang kamay ay nasa aking dibdib tanda ng pag-ibig ko sa aking bayan habang kinakanta ko yun.... at nakatindig ng tuwid at tingin sa bandila... "aang mamatay ng dahil saiiiyooo"... tapos na ang pag-awit.
Mayroon pang guro na kumukumpas sa harap para hindi mawala sa ritmo ang mga batang estudyante... ang naalala ko pa noon ay aming principal ang gumagawa ng pagkumpas.... siyempre bigay todo.... na parang pag tinmaan ka sa mukha ay.... papasa ang mukha mo....
Masayang kantahin ang Bayang Magiliw... sabi nga nila....
Pero sa paglaon ng panahon at sa pagdating ng mga bagong henerasyon ay parang wala ng bisa ang mensahe ng awiting ito.... siguro ang huling beses na kinanta ko ito ay sa noong Pasko para sa pagdiriwang ng aming kumpanya.... madalang pa sa pagputi ng uwak na kinakanta ko ito...
Kaya ganun na rin siguro sa ibang tao.... hindi na gaanong pinapahalagahan ang titik at mensahe nito.... masyado ng umikot ang mundo ng tao sa kanyang sarili at nakakalimutan niya na ang tungkulin niya sa kanyang Inang bayan...... ang pagsilbihan ito ng totoo at mahalin ng higit sa kanyang sarili....
Masyado ng abala kung paano mabuhay sa araw araw..... at di na iniisip kung paano makakatulong sa ating bayan.... ang bayan na ipinaglaban ng ating magiting na mga katipunero at bayani.....
Ang bayan ay hindi ang lupang pisikal tinatapakan mo.... kundi ang kapwa mo Pilipino.... na sa bawat araw ay nakakasalamuha mo.... mga kapwa mo Pilipino na nanganagilangan ng makaka usap.... kailangan ng kadamay...
mga batang walang magulang nangangailangan ng pagkalinga at haplos ng pagmamahal mo.... mga kabataan na naghahanap ng taong mag iimpluensiya sa kanila sa tamang pananaw at pamumuhay....
Nasaan na kaya ang diwa ng Lupang Hinirang..... siguro unti unti ng kumukupas sa paglipas ng panahon....
Sana huwag naman itong tuluyang maglaho......
.... kailangan mo itong buhayin muli.... tumulong ka sa bayan sa munti mong paraan....
Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho
_____
* Ang larawan ay hango sa metromanila.wordpress.com
"Hindi ko personal na kilala ang mga batang ito pero natutuwa ako na makita sila..."
No comments:
Post a Comment