Showing posts with label Laro. Show all posts
Showing posts with label Laro. Show all posts

Monday, June 13, 2011

"We are the Champions" - Dallas Mavericks





Kitang kita sa stats at sa actual na laro kung ano ang advantage ng Dallas Mavericks laban sa Miami Heat para talunin nila ito sa Game 6 ng NBA Finals.

Ito rin ang koponan na nagpaluhod sa isa pang matindi at magaling na koponan ang LA Lakers sa score na 4-0. Kaya karapat dapat din silang manalo ng hinahangad na NBA Finals Champion ng 2011.

Sa mga fans ng Miami Heat.. ayoko kong sabihin na "Better luck next time.." kundi "better and more practice next time.." ☺►

Monday, May 9, 2011

Pacquiao Mosley Fight Pictures

Napatunayan na naman ng ating Pambansang Kamao, Manny "Pacman" Pacquiao ang husay at galing sa boxing.

Naramdaman ni Mosley ang lakas ng suntok ni Pacman sa 3rd round ng yanigin siya ng kanan at kaliwang suntok. Ang suntok na ito ang nagpabagsak kay Mosley pati na sa kanyang fighting spirit na makipagsabayan kay Manny.

Nag eekis ekis ang paa ni Mosley sa 3rd round na parang naka inom ng Ginebra at nalasing ng suntok ni Manny. O kaya naman naka inom ng isang dosenang San Miguel Beer.. susuray suray..

Simula ng 4th round ay naging runner o mananakbo na ito si Mosley sa loob ng ring at ayaw ng makipagsabayan sa suntukan. Pasalamat nga siya at nagkaroon ng cramps o paninigas ng muscle sa binti si Manny... kung hindi maaga siyang nakatulog sa 4th at 5th round.

Naging "Pusher" pa si Mosley sa Round 10. Ang boxing sa professional na laro ng suntukan at hindi tulakan. Siguro nakita niya ang kaliwang hook ni Manny kaya inunahan nyang itulak si Manny para di umabot ang suntok.

Takbo dito.. takbo doon.. matalinong boksingero nga si Mosley.. "Bakit ba ako makikipagsabayan kay Pacquiao kung mababasag lang ang mukha ko.." Takbo takbo na lang... may sigurado na akong $5 milliondxc eh..

Kaya naging boring na ang laban.. dahil imbes boxing ang laban... naging habulan.. ☺►




































Thursday, May 5, 2011

NBA Playoffs 2011

Hindi talaga ako mahilig sa basketball.. maliban na lang nung panahon ng Chicago Bulls na naggrandslam ng 2 beses sa pangunguna ni Michael Jordan.

Heto yung mga links sa Internet kung saan masusubaybayan mo ang paborito mong team.


http://www.nba.com

Kung livestream naman ang hanap na libre.. medyo di nga lang ganun kaganda yung quality pero pwede na rin..
http://nbaliveonline.com/streaming/


Medyo madami nga lang istorbong mga ads... Wag mong iclick yung Download o Play Now. Iclick mo yung A-1 o kaya A-2, A-3, etc.


Iclick mo yung itim na triangle na nasa gitna at wag yung Play Now o Play.


Tsaraaan... pwede ka ng manood ng NBA livestreaming for free.. ☺►

Tuesday, November 16, 2010

Nanalo ako sa Lotto!



"Panalo ako! Panalo ako!" yan ang sigaw ko sa loob loob ko pagkatapos hugutin at basahin ang huling number sa tambiyolo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan at kagalakan na parang naiiyak at tuwang tuwa sa napanalunan ko kahapon. Matagal na hindi ito napapanalunan at ito ay umabot na sa P456,404,688.00 simula pa noong May 15, 2010.

Inisip ko kaagad na "Andaming pera nun! Paano ko kaya gagastusin yun? Wala pa naman akong kasama sa bahay kaya bigla kinabahan kung may iba na makaka alam. Tapos biglang may narinig akong ingay sa labas ng aming gate.. parang ingay ng maraming tao.. kumakahol na yung aso namin..

"Aaaw aaaw awww" palakas ng palakas at kinakabahan na ako.. hanggang sa sobrang takot ko ay nagising ako sa ingay ng aso namin sa labas... "Pambihira!" ..sa sobrang kakaisip ko na manalo ako sa lotto ay parang totoo na ito sa panaginip ko.

Madali lang namang tumaya sa PCSO Grand Lotto. Nagkalat sa bawat kanto ang kanilang outlet.

Lotto outlet sa MRT station.

1. Kukuha ka ng form na tayaan nila.



2. Tapos guguhitan mo ng patayo ang anim na numerong pinili mo. Dahil ito ay Grand Lotto 6/55 pipili ka ng anim na numero simula 1 hanggang 55 pero di na pwedeng ulitin ang numero sa isang taya o set. Halimbawa... 3, 29, 35, 30, 34, 10. Hindi pwedeng may madoble na numero kagaya ng 3, 29, 24, 3, 1, 35 kasi mag eerror ang computer. Hindi ring pwedeng sumobra sa 6 na numero ang pipiliin mo. Pwede mo ring piliin yung LP(Lucky pick) na ang ibig sabihin ang computer na ang magbibigay ng numero para sa iyo. Pwede kang magkaroon ng 4 taya sa bawat ticket.




3. Ibigay ang form at ang bayad mo sa nagbabantay. Dahil ito ay Grand lotto P20 kada taya.

4. Magkakaroon ka ng lotto ticket at yung petsa ng bola nito.

5. Ito ay itago mo at huwag tupiin. Ito rin ang magsisilbing claim stub mo kung sakaling manalo ka.



Tapos ang gawin mo ay magdasal ng mataimtim ka sa Quiapo sa Biyernes.. dalhin mo ang ticket at patakan mo ito ng holy water baka sakaling madagdagan ang iyong suwerte. O kaya naman ipahid mo ang gilid nito sa bawat santo na nandoon.. para mas maraming suwerte ang makuha mo.

Pero sa totoong buhay... ano kaya ang tsansa kong manalo sa PCSO Grand Lotto kung ako ay may isang taya? itutuloy.... ☺ ►

Paano ako Mananalo sa Lotto?

Thursday, November 11, 2010

Paano manalo sa Grand Lotto?



Grand Lotto
04 - 34 - 29 - 35 - 30 - 10
PHP 383,405,234.40 (0 WINNER/S)
Draw Date: Wednesday, November 10, 2010


The Grand Lotto Draws can be seen every Monday, Wednesday and Saturday at 9:00 p.m. over NBN 4 together with your other favorite Lotto games.


Simple lang naman... kailangan ang 6 na numerong tinayaan mo ay kagaya ng numerong lumabas sa bola ng PCSO para sa Grand Lotto. Jackpot ka sa daang milyong premyo. Kapag limang numero ang tumama sa iyo.. P150,000, apat na numero P2,000, tatlong numero.. P150.

Ano ba ang tsansa mong manalo ng jackpot prize kung ikaw ay may isang taya?
Ilang kumbinasyon ba ang meron sa 6 na numerong pipiliin mo mula 1 - 55 sa kahit anong pagkakaayos?

Ang formula nito ay nakabase na Combination. n_C_k = n!/k!(n-k)! Ipapaliwanag ko ito:

Ang n ay kung ilang numero o bola... halimbawa ay 55.

Ang k naman ay bilang o dami kung ilang numero ang bubunutin... halimbawa ay 6.

Ang C naman ay nangangahulugan ng Combination o kumbinasyon.

Ang ! ay hindi ibig sabihin ay nagagalit o naiiinis.. sa mathematics ito ay tinatawag na factorial.. halimbawa 3! = 3x2x1 = 6

Kaya kung gagawin natin ang formula 55_C_6 = 55!/(6!)(55-6)! = Naku hindi yata kakasya kung isusulat ko lahat ng numero.

Padadaliin natin... 55_C_6 = 20,872,566,000/720

Ito ay may 28,989,675 o halos 29 milyong kumbinasyon.
At kung gusto mong magkaroon ng 50% na tsansang manalo ay babayaran mo ang 14.5 milyong ticket o magbabayad ka ng P290M.

At kung pagpapatong patungin ang bawat ticket ay magkakaroon ito ng taas na 29 na metro o kasing taas ng 10 palapag na building. O kaya naman kung ililinya mo ang bawat ticket (8cm ang haba) na magkakasunod ay aabot ito ng 1,160,000 meters o 1,160km.... ang layo nun!

Ano tataya ka pa ba sa Grand Lotto?

"Siyempre naman!.. sayang din yung P350 million malay mo baka makatsamba. Eh di instant na milyonaryo ka!" ☺■

Nanalo ako sa Lotto!

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho





-------
http://mathforum.org/dr.math/faq/faq.prob.world.html
http://www.philippinecountry.com/PCSO_lotto.html
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...