Thursday, November 11, 2010
Paano manalo sa Grand Lotto?
Grand Lotto
04 - 34 - 29 - 35 - 30 - 10
PHP 383,405,234.40 (0 WINNER/S)
Draw Date: Wednesday, November 10, 2010
The Grand Lotto Draws can be seen every Monday, Wednesday and Saturday at 9:00 p.m. over NBN 4 together with your other favorite Lotto games.
Simple lang naman... kailangan ang 6 na numerong tinayaan mo ay kagaya ng numerong lumabas sa bola ng PCSO para sa Grand Lotto. Jackpot ka sa daang milyong premyo. Kapag limang numero ang tumama sa iyo.. P150,000, apat na numero P2,000, tatlong numero.. P150.
Ano ba ang tsansa mong manalo ng jackpot prize kung ikaw ay may isang taya?
Ilang kumbinasyon ba ang meron sa 6 na numerong pipiliin mo mula 1 - 55 sa kahit anong pagkakaayos?
Ang formula nito ay nakabase na Combination. n_C_k = n!/k!(n-k)! Ipapaliwanag ko ito:
Ang n ay kung ilang numero o bola... halimbawa ay 55.
Ang k naman ay bilang o dami kung ilang numero ang bubunutin... halimbawa ay 6.
Ang C naman ay nangangahulugan ng Combination o kumbinasyon.
Ang ! ay hindi ibig sabihin ay nagagalit o naiiinis.. sa mathematics ito ay tinatawag na factorial.. halimbawa 3! = 3x2x1 = 6
Kaya kung gagawin natin ang formula 55_C_6 = 55!/(6!)(55-6)! = Naku hindi yata kakasya kung isusulat ko lahat ng numero.
Padadaliin natin... 55_C_6 = 20,872,566,000/720
Ito ay may 28,989,675 o halos 29 milyong kumbinasyon.
At kung gusto mong magkaroon ng 50% na tsansang manalo ay babayaran mo ang 14.5 milyong ticket o magbabayad ka ng P290M.
At kung pagpapatong patungin ang bawat ticket ay magkakaroon ito ng taas na 29 na metro o kasing taas ng 10 palapag na building. O kaya naman kung ililinya mo ang bawat ticket (8cm ang haba) na magkakasunod ay aabot ito ng 1,160,000 meters o 1,160km.... ang layo nun!
Ano tataya ka pa ba sa Grand Lotto?
"Siyempre naman!.. sayang din yung P350 million malay mo baka makatsamba. Eh di instant na milyonaryo ka!" ☺■
Nanalo ako sa Lotto!
Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho
-------
http://mathforum.org/dr.math/faq/faq.prob.world.html
http://www.philippinecountry.com/PCSO_lotto.html
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment