Showing posts with label Kalusugan. Show all posts
Showing posts with label Kalusugan. Show all posts

Thursday, August 11, 2011

Flu Months in the Philippines


Flu virus magnification: 10o,000x

Tinamaan ng trangkaso o flu ang aking kasama sa trabaho... tapos ang isang kaibigan ko sa Facebook (masakit din yung lalamunan niya, may lagnat at inuubo).. sunod yung isang kaibigan ko sa simbahan.. at dahil nasa dormitory siya nakatira, nahawaan nya na rin yung ibang nakatira doon. =(

Simula ng buwan ng June hanggang September ay ang tinatawag na flu months dito sa Pilipinas. Sa buwan na ito ay tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit. Ang mga dahilan nito ay ang pagdating ng tag-ulan, mga bagyo, at pabago bagong panahon na nagiging sanhi para humina ang resistensiya ng karamihan... kaya tuloy madaling dapuan ng sakit.

Ang nagiging cycle nito ay:
1. Sasakit ang lalamunan (mamumula at mahirap makalunok), yan ay sintomas na may virus o bacteria na nakapasok sa katawan mo.
2. Sisipunun.
3. Magkakaroon ng lagnat o pagtaas ng temperatura ng katawan.
4. Magkakaroon ng ubo.
5. Mabigat pakiramdam ng katawan at masakit mga kasukasuan.
6. Pagkalipas uminom ng gamot at pahinga ay unti unting magiging maayos ang pakiramdam.
7. Hanggang sa tuluyang gumaling at bumalik sa normal.

Hindi mo ito pwedeng madaliing gumaling.. kailangan talaga ng oras at pahinga. Paano ko nalaman? kasi katatapos lang mangyari sa akin..
☺►

Wednesday, June 8, 2011

Daytime Sleepiness



Minsan di ko maiwasan na antukin habang nagtratrabaho sa umaga.. lalo na pagkatapos ng tanghalian.

Anu ano ang maaaring mga dahilan bakit ito nangyayari sa akin?

1. Kulang sa tulog kagabi.

Nanood ka ng paborito mong palabas sa TV kagabi.. o kaya naman nakipagchat sa Facebook.. o kaya nag-update ng profile o pictures sa Facebook.. o kaya nanood ka ng bagong palabas sa sine na pirated pa... at inabot ka ng 12MN bago ka matulog. Eh kailangan mong gumising ng 5:30AM para di ka mattraffic. Halos 5.5 hrs lang ang tulog mo.. kaya malamya ka at aantok antok pagdating sa trabaho.

2. May sipon o sakit.

Mahirap matulog ng may nararamdaman kang di normal sa katawan mo. Hindi malalim ang tulog kahit 8 oras ang tulog mo. May mga pagkakataon na magigising ka at putol putol ang tulog mo.

3. Ikaw ay di gaanong gumagalaw.

May mga trabaho na halos nakaupo maghapon at di gaanong gumagalaw ang katawan. Gumagawa ng reports o taga sulat ng reports sa computer. Di man lang dumadaloy ang dugo sa katawan mo. Hindi kagaya ng construction worker na halos gamit lahat na parte ng katawan.

4. Busog pagkatapos ng tanghalian.

Pagkatapos mong kumain ng tanghalian ay siguradong aantukin ka. Ang dahilan nito ay tumataas ang sugar levels sa iyong dugo na nagiging dahilan para magkaroon ng iba't ibang reaksiyon sa katawan mo.... at isa dito ay aantukin ka.

5. Ayaw mo sa trabaho mo.

Kaya ka inaantok kasi ayaw mo sa trabahong ginagawa mo.. in short boring ito para sa iyo.

Gumawa ka ng paraan para di ka antukin sa iyong trabaho. Isipin mo na ang bawat sandali.. o bawat minuto.. o bawat oras ay mahalaga.. wag mo itong sayangin kasi di mo ito maibabalik pa.. ☺►

Sunday, December 12, 2010

Skin Allergies on Cold Weather

\

Malamig dito sa Oslo.. at noong unang dating ko ay halos -10 degrees Celcius.
Sa mga unang araw ay maninibago ang katawan mo.. kailangan mo lang ay thermal na medyas, thermal leggings, makapal na jacket... yung pang winter, scarf na panlamig para sa leeg, at bonnet para di malamigan ang ulo mo.

Nakakapag adjust naman sa paglipas ng mga araw.. pero ang isa sa mga napansin ko ay ang balat ko ay natutuyo at kumakati. Akala ko simple lang pero hindi pala. May baon naman akong lotion para sa panunuyo ng balat pero wala akong dalang anti-histamine tablet o itch cream na pwedeng makaalis ng pangangati. Noong pumunta rin kami dito last June ay nangati rin ang balat ko pagkalipas ng mga araw. Nagbasa basa ako tungkol dito at ito pala skin allergies dala ng lamig ng panahon... mas kilala sa tawag na cold hives o cold ulticaria. Para sa karagdagang pagbabasa..

Cold Urticaria






Dahil Linggo ngayon at walang clinic sa opisina.. bukas ko pa mahihingi ang anti-histamine tablet.
Kaya dapat laging maging handa sa pagbibiyahe sa malamig na lugar.. magdala ng anti-histamine tablet at itch cream... di mo masisigurado kasi kung kelan ka magkaka skin allergy.. ☺►

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...