Thursday, August 11, 2011
Flu Months in the Philippines
Flu virus magnification: 10o,000x
Tinamaan ng trangkaso o flu ang aking kasama sa trabaho... tapos ang isang kaibigan ko sa Facebook (masakit din yung lalamunan niya, may lagnat at inuubo).. sunod yung isang kaibigan ko sa simbahan.. at dahil nasa dormitory siya nakatira, nahawaan nya na rin yung ibang nakatira doon. =(
Simula ng buwan ng June hanggang September ay ang tinatawag na flu months dito sa Pilipinas. Sa buwan na ito ay tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit. Ang mga dahilan nito ay ang pagdating ng tag-ulan, mga bagyo, at pabago bagong panahon na nagiging sanhi para humina ang resistensiya ng karamihan... kaya tuloy madaling dapuan ng sakit.
Ang nagiging cycle nito ay:
1. Sasakit ang lalamunan (mamumula at mahirap makalunok), yan ay sintomas na may virus o bacteria na nakapasok sa katawan mo.
2. Sisipunun.
3. Magkakaroon ng lagnat o pagtaas ng temperatura ng katawan.
4. Magkakaroon ng ubo.
5. Mabigat pakiramdam ng katawan at masakit mga kasukasuan.
6. Pagkalipas uminom ng gamot at pahinga ay unti unting magiging maayos ang pakiramdam.
7. Hanggang sa tuluyang gumaling at bumalik sa normal.
Hindi mo ito pwedeng madaliing gumaling.. kailangan talaga ng oras at pahinga. Paano ko nalaman? kasi katatapos lang mangyari sa akin.. ☺►
Labels:
Kalusugan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment