Wednesday, November 24, 2010

Solusyon sa Dandruff o Balakubak


Dandruff o Balakubak


Microscopic na larawan ng dandruff

Dandruff o balakubak.. Madalas natin marinig ang reklamong "Grabe naman itong dandruff ko, paano ko kaya ito matatanggal?." Eto ay problema ng marami sa ating mga kababayan at hindi lang ng mga Pinoy kundi pati na ibang lahi.. lalaki man o babae.. Walang pinipili ang dandruff o walang exempted.. kasama na ako dun.

Ang dandruff o balakubak ay tinatawag na Pityriasis simplex capillitii.. ito ay ang pagbabawas ng mga patay na balat o dead skin cells sa anit ng isang tao. Parang libag ito sa anit ng ating ulo. Ito ay normal na proseso.. kaya lang kapag masyadong mabilis ang prosesong ito nagiging pansinin ang mga flakes ng balakubak. Siyempre ayaw natin na magkaroon nito at tayo ay sumusubok ng iba't ibang solusyon para mabawasan o tuluyang maaalis ang dandruff o balakubak.

May iba't ibang dahilan bakit lalong nagiging malala ang balakubak.. ang oily skin o sebacious secretions (masebo ang ulo).. o kaya naman dahil sa skin micro-organisms.. o kaya sa paligid (usok, alikabok, malamig..) Dapat ay obserbahan mo ang iyong sarili at paligid kung ano ang maaring dahilan ng balakubak mo.

Nag-isip ako ng posibleng mga solusyon... may balakubak din kaya ang kalbo? Kahit magpakalbo ka pa ay magkakaroon ka pa rin ng balakubak.. kaya hindi ito ang solusyon. Araw araw naman ako naliligo... bakit meron pa rin?

Ang una kong ginawa ay sinubukan kong gumamit ng mild shampoo.. siyempre baby shampoo ang ginamit ko. Nandoon pa rin yung balakubak pero hindi na kumakati ang anit ko. Napansin ko rin na kapag sinabon mo ang ulo mo ng Safeguard o kahit anong sabong pampaligo ay lalong lalala ang balakubak mo at kumakati pa ang anit mo. May mga chemicals kasi ang sabon na hindi talaga bagay sa anit ng tao at para lang ito sa katawan o sa mukha.

Sinubukan ko rin ang iba't klaseng anti-dandruff shampoo na malimit ipalabas sa TV.. Head and Shoulder, Clear, Gard pero hindi umubra sa akin. Mabango sila at masarap sa anit kasi presko pero hindi sila ganun kaepektib sa akin. Ang mga ordinaryong shampoo naman ay parang anlakas ng kanilang pabango kaya hindi ito nakakatulong para mabawasan ang balakubak.

Bumili ako ng niyog at pinakayod ko... Pambihira! ang mahal na pala ng isang maliit na niyog.. P20 ang isa. Piniga ko ito at ang katas ay inilagay ko sa aking ulo sa loob ng 10 minuto. Tapos konting masahe sa ulo at naligo pagkatapos. Pagkalipas ng 2 araw... maganda ang epekto nya sa buhok kasi nagiging malambot at makintab pero nandoon pa rin ang balakubak.

Sinubukan ko rin ang kalamansi.. 2 kalamansi sa isang maliit na basong tubig. Ilagay sa ulo at anit... konting masahe.. Ang resulta ganun pa rin.. di nabawasan ang balakubak.

Nagbasa ako ng forums sa Internet tungkol dito.. at ito ang aking nadiskubre.. may 2 shampoo na nirerekomenda ng mga doktor.. ito ang Nizoral at Selsun Blue. Sila ay gamot sa sanhi ng balakubak. Medyo may kamahalan pero sa tingin ko ito ay sulit naman kung epektibo. Ang Nizoral ay madali mong mabibili sa mga drugstore dito sa Pilipinas. An Selsun Blue naman ay available siya dito sa Pinas noong 80s at 90s.. pero ngayon wala na sa mga drugstores.

Ang Selsun Blue ay gawa pa sa US at PX yun pagdating sa atin. Salamat sa forums at nalaman ko na mayroong nagtitinda sa Cash & Carry sa Filmore Street malapit sa Buendia. Susubukan kong puntahan ito at makabili ng Selsun Blue... masubukan nga kung ito ay epektib..

Pero depende sa bawat tao ang solusyon sa dandruff niya... subukan mo kung ano ang mas nababagay at epektib sa iyo. ☺►




susunod.... Saan makakabili ng Selsun Blue, resulta ng paggamit nito atbp..



----------
http://en.wikipedia.org/wiki/Pityriasis_simplex_capillitii

3 comments:

  1. effective din ba ang vinegar?..

    ReplyDelete
  2. Di ko pa nasubukan kaya di ko alam kung effective siya o hindi. Ingat lang kung ittry mo kasi acidic ang vinegar pwedeng magkaroon ng irritation sa scalp kung hindi ito healthy..

    ReplyDelete
  3. ako rin may ganyan karamdaman, d ko makuha kuha na epektibo na shampo o gamot, pls share nalang po kung ano pinaka epektibo na gamot or shampo

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...