Wednesday, November 10, 2010

National Library

"Wala ng available na slot sa pang umaga, kaya sa hapon na lang pwedeng mag enroll" yan ang sinabi sa akin ng Registrar sa isang training center na malapit sa Kalaw Avenue. Tiningnan ko yung orasan.. "Aba.. halos alas 10 pa lang ng umaga.. eh yung pasok ko ay alas 2 pa ng hapon.." "Ah alam ko na.. tatambay na lang ako sa National Library.." At ganun nga ang nagyari.

Naglakad at tumawid sa busy na kalsada ng Kalaw.. Nasa tabi lang pala ng National Library ang National Historical Institute... sila ang laging laman ng balita pagkatapos ng laban ni Pacquiao.. he he he alam mo na.. sinasabi nila na mali ang pagkaka awit ng Lupang Hinirang.. pero wala namang napaparusahan o nagmumulta.

Pagpasok ko sa pinto ng library ay may mga sekyu na tumitingin ng gamit. At nagtanong siya.. "Researcher po?.." "Opo.. " sabay pasok agad sa loob.

Ganun pa rin ang ayos ng reference section.. may konti lang na nabago. Ang napansin ko ay may mga computer na ngayon na pwede kang maghanap ng libro gamit ang title card, author card, at paksa ng hinahanap mo.

Madami ngayon ang mga estudyante.. Lunes kasi at halos patapos na rin ang semester.. maraming projects na kailangang tapusin. Umupo na lang ako sa isang tabi kasi di ako pwede sa reference section dahil wala akong library card.

Kumuha ako ng larawan o picture ng National Library pero konti lang ang mga ito kasi ang alam ko ay bawal kumuha ng picture ng walang pahintulot..

Maraming alaala ang bumalik sa akin sa pagpasok kong muli sa National Library. Yun ay sa panahon na ako ay nasa kolehiyo pa na malapit sa Intramuros..

May mga pagbabago na ring nangyari simula nung huli kong punta dito... siguro halos 8 taon na yung nakalipas.. pero ito ay parang kahapon lang.

Sa canteen na rin ako kumain ng tanghalian pero bago ako kumain ay nag ikot ikot muna.. Ang National Library luma na pati ang mga gamit dito.. at ang nakakuha ng pansin sa akin ay ang 2 piano na pinaglumaan na ng panahon.. antique na ang mga ito. Di ko nga alam kung pwede pa itong tugtugin.. sa tingin ko di na siguro.

Ano sa tingin mo?


EDSA - Efifanio Delos Santos Auditorium



Lumang Piano No. 1 - Ilang taon na kaya ito dito?



Stair case na kakaiba kasi mataas ang 1st at 2nd floor.



Lumang Piano No. 2 - Bawal manigarilyo habang nagpipiano?
Malapit sa Exit na walang labasan..

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

No comments:

Post a Comment