Thursday, December 30, 2010
Jose Rizal... ang idol ko!
Marami ng idol o huwaran ang mga kabataan ngayon.. Gusto nilang maging kagaya ni Kobe Bryant na maging sikat sa basketball at yumaman ng napakayaman.. O kaya naman kagaya ni Justin Bieber na tinitilian ng maraming kabataan.. O kaya naman maging artista o maging bida sa pelikulang Harry Potter.. O kaya naman maging miyembro ng isang sikat na rock band kagaya ng Metallica..
Maraming gustong gayahin... maraming gustong marating.. at karamhihan ang iniisip ay dumami ang pera at maging sikat... I want to be a billionaire so freakin bad.. Gusto kong maging rich and famous para magawa at mabili ko ang lahat ng gusto ko..
Yan din ang dahilan bakit karamihan mula sa opisina ng SK chairman hanggang sa Malacanang ay talamak ang tagaan ng pera na hindi naman para sa kanila.. siyempre.. They want to be a billionaire so freakin bad... Ang mga SK chairman at SK kagawad habang bata ay hinahasa paano gumawa ng project na sila ay kikita... paano naman yung ating kababayan na dapat maserbisyuhan?? Barangay kagawad na may Nissan Patrol eh magkano lang naman ang sweldo ng barangay kagawad??
Power and the money, money and the power.. Minute after minute, hour after hour.. yan ang kanilang motto sa buhay..
Pero kakaiba ang idol ko... si Jose na simple at makabayan.. patriotic.. at hindi idiotic kagaya ng ibang mga pulitiko at lider ng mga ahensya ng gobyerno.
“I have always loved my poor country and I am sure that I shall love her until my last moment, should men prove unjust to me. I shall die happy, satisfied with the thought that all I have suffered, my past, my present, and my future, my life, my loves, my joys, everything, I have sacrificed for love of her. Whatever my fate may be, I shall die blessing her and wishing her the dawn of her redemption.” -- Jose Rizal
Ang pagmamahal ko ay tapat sa aking bansang naghihirap,
At patuloy ko siyang mamahalin hanggang sa huling kurap,
Sa kabila ng ang ibang tao'y malupit sa akin,
Mamamatay akong maligaya at walang aalalahanin.
Na ang lahat ng pagpapakasakit, nakaraan, kasalukuyan, hinaharap, buhay,
kaligayahan, at lahat lahat, ay sakripisyo para sa pag-ibig na tunay,
Anu man ang mangyari sa akin.. mamamatay akong siya'y pagpapalain,
Hanggang kalayaan at kaligtasan nya'y tunay na maangkin. ☺►
Labels:
Bayani
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment