Tuesday, February 1, 2011

Blind Rockstar


Madilim ang iyong paligid
Hatinggabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sayo'y
Pinagkaitan

Huwag mabahala kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kasalanan
--hango sa awit ni Freddie Aguilar, Bulag, Pipi, at Bingi


Maraming dumadaan pero ang naghuhulog ng barya ay iilan..

Dito sa Metro Manila ay maraming kagaya ni lolo,
Kumakanta gamit ang gitara na may speaker sa maraming tao,
Kalimitan sa gilid ng kalsada o kaya naman sa footbridge kagaya nito,
Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano siya naka akyat dito.

Todo ang banat at kanta ni lolong bulag,
Buti na lang at may railings para di siya malaglag,
Tipa tipa sa gitara habang kumakanta,
Usok ng sasakyan at init at di niya alintana.

Magkano kaya ang kinikita ng lolong ito,
Barya barya lang ang inihuhulog minsan ay bente singko,
Sa kanyang pag-awit na ay ayos din ang tono,
Daig pa ang kapitbahay naming kalbo. ☺►

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...