Tuesday, November 22, 2011

Jollibee Chicken Barbecue



Masubukan ng matikman at malasahan ang Jollibee Chicken Barbecue..
Lagpas alas dose na kasi... kaya kailangan ko ng kumain ng tanghalian..
Para mapa iba naman ay Chicken Barbecue ang aking inorder ngayon..
Papasa kaya sa aking panlasa.. kunyari ako ang hinamon.

Sa unang tikim ay di ka masyadong mapapa hmmmm..
Di naman kasi ito bagong luto kagaya ng inihahain sa mga naglalaban laban na iba't ibang inasal.. Kaya tuloy masyadong lasang barbecueng niluto, inilagay sa freezer.. at tapos ininit sa microwave. Pero dahil kailangan kong kumain ng tanghalian.. panalo pa rin ito para sa akin.. may toyo mansi na pwedeng pwede sa barbecue. :)

Damage: P101 kasama na si pineapple juice (1 pc Value Meal = P89 plus pineapple juice = P12 additional)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...