Thursday, December 8, 2011
Ensaymada sa Pilipinas
"Pabili nitong Ensaymada.." sabay turo kung saan ito nakalagay sa eskaparate.. Yan ang kalimitang ginagawa ko kapag bumibili ako ng ensaymada sa isang bakery na malapit sa amin.
Masarap ang ensaymada sa almusal at meryenda. Malambot kainin at malinamnam kasi may mantikilya at asukal sa ibabaw nito. Panalo ang kumbinasyon ng mantikilya at asukal, simple pero masarap. :)
At ito ay oras na para sa Food Review..
Pagkain - ★★★
Malambot naman ang tinapay niya pero di gaanong siksik at malambot kumpara sa ibang ensaymada. Naalala ko tuloy ang commercial ng Nido (si Kris at si baby James).. "What's siksik mama?"
Panalo ang keso nito dahil binabalanse ang tamis ng asukal na nakalagay sa kanya. Maalat kasi ng konti ang kesong inilagay dito.
Halaga - ★★
Medyo may kamahalan pero kaya naman ito ng mga middle class nating kababayan.
Presyo = P17
Others
Packaging ay malinis at pulido.
Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi
Labels:
Pagkain
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment