Thursday, June 18, 2009

Katapatan vs Kurapsiyon

Matindi na talaga ang kurupsiyon na nangyayari sa bansang Pilipinas. At ang nakakalungkot mga kinatawan pa ng pamahalaan ang nasasangkot. Mga pinuno ng bayan na iniluklok bilang kinatawan ng mga mamamayan pero sila ang unang sumisira sa tiwala ng taong bayan.

Sa totoo lang... dapat hindi naghihirap ang ang bansang Pilipinas. Tayo naman ay sagana sa likas na yaman at pananalapi na galing sa buwis. Pero ilang porsiyento lang kaya sa kabuuan ang napupunta sa pagpapaunlad ng bayan at mga mamamayan? Ako hindi ko alam ang eksaktong sagot diyan.... pero makikita mo ang sagot sa realidad ng buhay na marami pa ring mga pulitiko ang mayayaman at sagana sa karangyaan.... at marami pa ring kababayan natin ang lugmok sa kahirapan.

Sa aking pananaw.... ang karamihan ng pulitikong corrupt ay dahil wala silang pagkatakot man lang sa Diyos. Puno ng kasakiman at kasalanan ang kanilang puso at isipan na walang ibang inisip kundi ang sarili nilang kapakanan... Kesehodang madami ang maghirap... o di makapasok sa paaralan... o mabigyan ng attensiyon medikal... o maging ligtas sa krimen ang ating kababayan ... atbp.. Ang mahalaga sa kanila ay mayroon silang salapi, karangyaan at kapangyarihan para magawa nila ang kahit anong bagay na kanilang nanaisin.

Pero sa ayaw at sa gusto natin.... lahat ng bagay ay may katapusan. Lahat ng bagay ay may hangganan.... Sinasabi ko nga palagi... " Mamamatay din ang mga iyan.... " Sigurado sisilaban sila sa kabilang buhay. Pero ang realidad pa rin ay mabubuhay sila ng ilang taon bilang perwesiyo sa lipunan.... at ipinapasa nila ang kanilang ugali at buhay sa kanikanilang anak.... na sa pagdating ng panahon ay papalit sa kanila.
Huwag naman sana tayong pumayag na magpatuloy ang lahi ng mga sakim at gahaman sa pera at kapangyarihan.

Natutuwa pa rin ako na may mga taong tapat at handang maglingkod para sa bayan at sa mamamayan.... Mabuhay ka kaibigan!

Kulturang Pinoy.... kulturang tapat at may pagkatakot sa Diyos!

Panlilio files plunder case vs Lapids, 3 others

Pampanga Governor Ed Panlilio on Monday filed plunder charges against two of his predecessors for allegedly pocketing millions of pesos in quarrying fees.

Panlilio's complaint included Sen. Manuel "Lito" Lapid, his son and current Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Mark Lapid, former provincial administrator Fidel Arcena, and former provincial treasurers Jovito Sabado and Vergel Yabut.

According to computations by Panlilio's office, P121 million worth of quarrying fees were collected in all from 2002 and 2007, but based on the collected environment ecological fees submitted for the municipalities of Floridablanca, Mabalacat and Porac the province should have collected P689 million.

This meant there was roughly P568 million in quarrying fees that is allegedly missing from the provincial coffers.

The elder Lapid was governor from 1995 to 2003, while the younger Lapid governed the province from 2003 to 2007.

Panlilio has been vocal about how his administration collected P397 million in quarrying fees in his term, more than double the total collected from his two predecessors.

Panlilio said there is no politics involved in his filing of the plunder case and that this case is not connected to his possible run for president in 2010.

However, Senator Lapid said Panlilio's moves is merely for politicking since he has already announced his plan to attempt to return to the Pampanga Capitol in 2010.

Lapid said his non-collection of quarrying fees during his term was a big help to many people in the province.

He also compared himself to Sen. Manuel Villar, who is the focus of an ethics complaint in the Senate. He said that he and Villar are the focus of moves to derail their respective bids for the 2010 elections. With a report from Maricar Bautista, ABS-CBN News




Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

Tuesday, April 14, 2009

Panatang Makabayan ng mga Pulitiko




Iniibig ko ang Piso
Ito ang aking lupang tinutungtungan
Dito nabubuhay ang aking mga kalahi
Ako'y kanyang kinukopkop at tinutulungan
Upang maging makapangyarihan, maligaya, at
kapakipakinabang sa aking sarili

Bilang ganti ay diringgin ko lang ang aking sarili
Susundin ko ang mga tuntuning aking ginawa
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamayang
gahaman at walang paki alam sa batas
Paglilingkuran ko ang aking sarili ng walang hadlang
at buong katapatan

Sisikapin kong maging isang tunay na tapat sa Piso,
sa isip, sa salita, at sa gawa.

-----
*Ang larawan ay hango sa National Geographic

Wednesday, April 8, 2009

Panatang Makabayan


Ito yung lumang bersiyon ng Panatang Makabayan.... ito ang naabutan ko nung ako ay nag aaral pa sa elementarya sa aming probinsiya... at matagal ko na rin ito di nababasa o nabibigkas man lang...

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukopkop at tinutulungan upang
maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot
at buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Lumipas ang maraming taon... ako ay natapos na sa elementarya at sa high school... pero yun pa rin ang bersiyon ng Panatang Makabayan na naabutan ko. Hindi ko na alam kung anong taon o kung kailan pinalitan ito ng Kawanihan ng Edukasyon dito sa Pilipinas.
At heto ang bagong bersiyon:

Iniibig ko ng Pilipinas, aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukopkop ako tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo ng aking magulang
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.


-----
* bagong bersiyon hango sa:
tambayan.1.forumer.com
kibaka.org

Thursday, April 2, 2009

Lupang Hinirang - Pangalawang Bahagi


Ang una kong natutunan sa paaralan noong ako ay nasa kidergarten ay ang ating Pambansang Awit o ang Lupang Hinirang.

Ito ang inaawit ko pag uwi ko ng bahay... "baayang magiiliw... perlaas silanganan..." Kinakanta ko yun habang patago akong tinatawanan ng mga kasama ko sa bahay. Medyo nabubulol bulol pa kasi... siguro mga 5 taong gulang pa ako noon..

Pati na sa pagtulog ay kinakanta ko pa rin yun... para bukas ay kabisado ko na at maipagyayabang ko sa mga kaklase ko na alam ko na yun... "lupa na araw naluwal hati pagsinta.... buhay ay langit sa piling mo...."

Hindi ko pa alam yung ibig sabihin ng kinakanta ko... pero ipinagmamalaki ko at taas noo kong ginagawa na kumanta habang itinataas ang bandila ng Pilipinas....

Ang kamay ay nasa aking dibdib tanda ng pag-ibig ko sa aking bayan habang kinakanta ko yun.... at nakatindig ng tuwid at tingin sa bandila... "aang mamatay ng dahil saiiiyooo"... tapos na ang pag-awit.

Mayroon pang guro na kumukumpas sa harap para hindi mawala sa ritmo ang mga batang estudyante... ang naalala ko pa noon ay aming principal ang gumagawa ng pagkumpas.... siyempre bigay todo.... na parang pag tinmaan ka sa mukha ay.... papasa ang mukha mo....

Masayang kantahin ang Bayang Magiliw... sabi nga nila....

Pero sa paglaon ng panahon at sa pagdating ng mga bagong henerasyon ay parang wala ng bisa ang mensahe ng awiting ito.... siguro ang huling beses na kinanta ko ito ay sa noong Pasko para sa pagdiriwang ng aming kumpanya.... madalang pa sa pagputi ng uwak na kinakanta ko ito...

Kaya ganun na rin siguro sa ibang tao.... hindi na gaanong pinapahalagahan ang titik at mensahe nito.... masyado ng umikot ang mundo ng tao sa kanyang sarili at nakakalimutan niya na ang tungkulin niya sa kanyang Inang bayan...... ang pagsilbihan ito ng totoo at mahalin ng higit sa kanyang sarili....

Masyado ng abala kung paano mabuhay sa araw araw..... at di na iniisip kung paano makakatulong sa ating bayan.... ang bayan na ipinaglaban ng ating magiting na mga katipunero at bayani.....

Ang bayan ay hindi ang lupang pisikal tinatapakan mo.... kundi ang kapwa mo Pilipino.... na sa bawat araw ay nakakasalamuha mo.... mga kapwa mo Pilipino na nanganagilangan ng makaka usap.... kailangan ng kadamay...
mga batang walang magulang nangangailangan ng pagkalinga at haplos ng pagmamahal mo.... mga kabataan na naghahanap ng taong mag iimpluensiya sa kanila sa tamang pananaw at pamumuhay....

Nasaan na kaya ang diwa ng Lupang Hinirang..... siguro unti unti ng kumukupas sa paglipas ng panahon....

Sana huwag naman itong tuluyang maglaho......

.... kailangan mo itong buhayin muli.... tumulong ka sa bayan sa munti mong paraan....

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

_____
* Ang larawan ay hango sa metromanila.wordpress.com

"Hindi ko personal na kilala ang mga batang ito pero natutuwa ako na makita sila..."

Wednesday, April 1, 2009

Lupang Hinirang

ni Julian Felipe


Bayang magiliw



Perlas ng Silanganan







Alab ng puso,
Sa Dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,



Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.





Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw







May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal




Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,








Ang bituin at araw niya,
Kailang pa ma'y 'di magdidilim.






Lapa ng araw ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,



Aming ligaya ng pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa 'yo.



-----
*Ang mga larawan ay galing sa mga sumusunod:
history.army.mil
plfcf.org
farm2.static.flickr.com
lawrenceofcyberia.blogs.com
topnews.in
kevblog.co.uk
my_sarisari_store.typepad.com

"Salamat na marami"



Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

Monday, March 30, 2009

Kultura ng Pinoy


Kultura?.... ano nga ba ito? at ano ang nagagawa nito sa isang tao?....o kaya sa isang bansa?


May iba't ibang kultura sa bawat bansa.... sa bawat lahi... sa bawat in
dibidwal... Ito ay ang pagkakakilanlan ng isang tao o grupo ng mga tao... ika nga nila identity.... ito rin ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang isang bagay..... o paano mo ito ginagawa.....

Bilang Pinoy, ang kasaysayan natin ay kinulayan ng iba't ibang bansa na sumakop sa atin... iba't ibang lahi na nanirahan sa ating bansa sa magkakaibang panahon... nandyan ang mga
prayleng kastila na galing sa Europa... ng mga Amerikano na galing sa Hilagang Amerika... at sa Hapon na galing Japan... Pero bago pa man dumating itong mga banyaga... tayo ay may sarili ng pamumuhay at kultura... ang pagiging tunay na Pilipino ng ninuno nating mga Malays.... mga Aeta... mga Intsik... at mga Muslim... at ang iba't ibang tribu sa bawat. Bawat isa ay may sariling kulay... may sariling panlasa... kaya kapag pinaghalo halo mo ay makulay sa paningin... at masarap sa panlasa...


Ang blogsite na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa kultura ng Pinoy.... magtalakay ng napapanahong balita o mga pangyayari na nakakaapekto sa pamumuhay at kultura ng pinoy... magbahagi ng karanasan o kaalaman tungkol sa mga bagay bagay.... maghamon sa mga natutulog na kaisipan.... maglarawan ng kagandahan ng kultura ng Pinoy at bansang Pilipinas..... maglahad ng pangit na anyo o bahagi... at magpukaw sa mga isip at puso ng kapwa nating mambabasa para paunlarin ang sarili at ang kalagayan ng nakapaligid sa atin.

Samahan nyo ako! habang pinag-uusapan natin ang kutura ng Pinoy at ang inyong mga ideya tungkol dito.


Tara na! Simulan na natin.

Kultura
Awit
Kasabihan
Laro
Laruan
Lugar
Naruto Manga
Pagdiriwang
Pagkain
Prutas
Trabaho
PCSO Grand Lotto Results
Paano Manalo sa Grand Lotto

-----
*Ang dalawang larawan ay hango sa mga pinta ni Fernando Amorsolo