Monday, July 11, 2011
Today is 7-Eleven
Ngayon ay 7-Eleven... o kaya July 7.
Ano kayang mangyayari sa araw na ito?... pero hindi naman ito special..
Kasi kaninang umaga ang almusal mo pa rin ay pandesal..
Paano nakakasiguro, malay mo mamaya ay manalo ka sa lotto..
Baka naman isipin mo na ito ay biro biro.. malay natin ito ay magkatotoo.
Ang numerong pito ay palagiang iniiwasan..
Lalo na sa eskwelahan.. bakit naman kasi ang tawag dito ay palakol..
Na kung yan ang grade mo sa elementary at high school.. ikaw ay bopol..
O kaya naman ikaw ay seksi.. pero pagdating sa klase lagi ka namang 70.
Ang numerong 11 ay nagpapakita ng matulis at nagpapakita ng kakulangan..
sa numero ng relo ito ay hanggang 12.. at onse kapag ito ay kulang..
Ng si hudas ay nadulas.. tatlong balbas ang nalagas.. at ang natira ay 11.
Kapag ikaw ay naloko... ang sinasabi ay "Naku yari ka na Onse ka"
Kasi nga ito ay simbulo ng karunungan kung titingnan mo bilang dalawang numero uno.
Double number one, double success, double outstanding..
Kaya ang lahat ay mananatiling numero.. kung wala kang gagawin,
Tatapusin, uubrahin hanggang ang pangarap mo ay maangkin.
Labels:
Tula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment