Thursday, July 7, 2011

Corruption in the Philippines

Matindi na talaga yung corruption dito sa Pilipinas.. nasa dugo na yata ng iba nating mga kababayan ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan. Ngayon naibunyag na naman ang corruption sa hanay ng mga pari. Di naman lahat ng paring Katoliko ay corrupt pero ang mga kagaya nitong pari na may kabulukan nakakapagpabaho sa imahe ng matitinong pari.

Iniisip ko tuloy ngayon na mahirap umunlad ang bansang Pilipinas kung ang kalakaran o ang iniisip ay pansariling interes lang at hindi ang kapakanan ng karamihan.

Sa mga ganid sa salapi at posisyon.. mahiya naman kayo sa mukha nyo! correction pala.. wala na nga pala itong mga hiya at makakapal ang mukha. Di na bale mamamatay din naman kayo, ewan ko lang kung makakatakas pa kayo sa parusa ng Diyos sa inyo.


www.gmanews.tv

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...