Wednesday, June 22, 2011

Heavy Traffic Jam last Tuesday


MRT Buedia Station.. simula Toll Gate pa yan ng Nichols.


Hanggang Megamall na ito.. =(

Kapag ikaw ay papasok sa opisina o sa trabaho, dapat ay mas maaga kang makakarating o kaya naman on time ka.... he he he siyempre.. papogi points din yun sa boss mo. Pero bakit naman sa dinami dami ng araw na magkakatraffic ay nagkakataon naman na kailangan mong maging maaga dahil may tatapusin kang reports na kailangan maisubmit sa umaga... o kaya naman may meeting kang nakaset... 8:00 ng umaga... Arrrgggh! Talaga naman o! Nangyayari talaga ang mga bagay na iyan.. di ko alam kung coincidence lang o related yun sa pag-iisip mo ng husto..

Kadalasan ay ganito ang nangyayari... Ang bus ng dapat mong sasakyan papuntang Pacita ay napakadalang o halos walang dumadaan.. at ang daming bus at nakapila pa sila... puro papuntang Alabang... ha ha ha. At kapag may pupuntahan ka naman sa Alabang na kailangan mong sumakay ng bus na may plakard na Alabang... andami namang nakapilang bus papuntang Pacita na hindi mo naman siya kailangan ngayon... =) Ganun talaga ang buhay.. minsan palabiro.. kailangan mo na lang sakyan para hindi kumunot ang ulo mo..

Grabe ang traffic nung Tuesday, June 21.. nasimula ito bago dumating ng toll gate sa Nichols.. papasok ng Magallanes.. hanggang Megamall na yun. Ang normal na biyahe ay nadadagdagan ng 30 - 45 minutes na nakatunganga ka sa bus.. pwede rin naman palang matulog.. zzzZZZzzZZ wag ka nga lang lalagpas sa babaan mo.. ☺►

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...