Wednesday, September 14, 2011
Diligence + Technology + Honesty = Progressive Philippines
Sabihin nating masisipag ang mga Pilipino... may sapat at mataas na teknolohiya.. at matapat sa kaniyang ginagawa sa araw araw... yan lang siguro ang nakikita kong 3 bagay na pwedeng magpaunlad sa Pilipinas.
Napakadaling sabihin pero.. sa totoo lang ay malabo pa sa dura ng pusit na papasa tayo sa 3 bagay na ito.
Ito ang markang ibibigay ko para sa 3 bagay na ito:
Diligence = 45%, mas madami pa kasing kalahi si Juan Tamad dito sa Pilipinas. Mga taong tamad na ayaw magtrabaho at walang ginagawang produktibong gawain sa loob ng maghapon. Nakatanga sa langit at naghihintay sa biyaya na mahulog.
Technology = 60%, kahit papaano kasi ang Pilipinas ay nakaka angat na rin sa iba. Kaya lang kulang pa, sana magkaroon tayo ng sarili nating mga technology companies na maaaring makipagtagisan sa ibang bansa. Yung tipong nag-eexport na tayo ng technology na galing sa Pilipinas.
Honesty = 65%, sa dami ng dishonest na mga nakaupo sa gobyerno o mga pulitiko.. lalo tuloy nahatak ang marka pababa sa 65%. Di man lang umabot sa pasang awa..
Wag nating payagan na maging ganito na lang ang Pilipinas...
Labels:
Kultura
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment