Wednesday, April 8, 2009

Panatang Makabayan


Ito yung lumang bersiyon ng Panatang Makabayan.... ito ang naabutan ko nung ako ay nag aaral pa sa elementarya sa aming probinsiya... at matagal ko na rin ito di nababasa o nabibigkas man lang...

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukopkop at tinutulungan upang
maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot
at buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Lumipas ang maraming taon... ako ay natapos na sa elementarya at sa high school... pero yun pa rin ang bersiyon ng Panatang Makabayan na naabutan ko. Hindi ko na alam kung anong taon o kung kailan pinalitan ito ng Kawanihan ng Edukasyon dito sa Pilipinas.
At heto ang bagong bersiyon:

Iniibig ko ng Pilipinas, aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukopkop ako tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo ng aking magulang
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.


-----
* bagong bersiyon hango sa:
tambayan.1.forumer.com
kibaka.org

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...