Tuesday, November 30, 2010

Taga Olongapo ang nanalo ng 741 million Grand Lotto

Congratulations sa nanalo!
Heto yung detalye ng balita...





Share your blessings para lalo pang pagpalain.. ☺►

Basic Safety Training - Course Outline



Ngayong nakapag enroll ka na para sa Basic Safety Training, anu-ano ba ang pwede mong matutunan sa training na ito?

May dalawang bahagi ang training..
Theoretical - ang mga terminologies, mga definitions sa Basic Safety, at ang mga nakasulat sa libro. Ito ay tatakbo ng 6 na araw.

Meron ding Practical - ito naman ay ang paggawa na ng mga natutunan mo sa loob ng silid aralan. Yung sa totoong buhay ba.. kung paano ang tamang reaksyon sa mga emergency. Ito naman ay gagawin ng 1 araw.

Ang basehan ng training na ito ay ang STCW Code of 1995. Ito ay batas na pinagkasunduan sa industriya ng maritime. Naglalayon itong magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang sinumang magkakaroon ng trabaho sa barko.. kabilang dito ang mga marino, waiter, cook, singer, musikero, janitor, atbp na nagttrabaho sa barko. Ang kaalaman at kasanayang nito ay mahalaga para mailigtas ang buhay ng tao sa pagdating ng sakuna o emergency.

Fire Prevention and Fire Fighting (part 1)
-Tuturuan kayo dito paano maiwasan ang sunog bago pa ito magsimula at paano naman ito papatayin kung ito ay nagsimula na. Magsisimula sa principles of fire... iba't ibang klaseng apoy at pamatay apoy.. Ang pinakamahalagang natutunan ko dito ay.. ang pagkakaroon ng maaayos at malinis na kapaligiran ay ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang sunog.
Ito marahil ang dahilan bakit mas malimit magkaroon ng sunog sa squatters area kumpara sa mga subdivision. Mas makalat at magulo sa isang squatters area kaysa sa subdivision.

Fire Prevention and Fire Fighting (part 2)
-Malalaman mo dito ang iyong responsibilidad bilang kasama sa crew ng isang barko.
Ang iba't ibang klase ng fire extinguisher ayon sa tangke at ayon sa laman o content nito. Makakahawak ka na dito ng firehose na may nozzle at maisusuot mo na ang breathing apparatus.

Personal Survival Technique
-Paano ka mabubuhay sa gitna ng dagat pagkatapos lumubog ang sinsakyan mong barko. Kung ikukumpara mo ang lawak ng dagat sa laki mo.... kagaya ka lang ng isang butil ng bigas sa gitna ng isang soccer field. Matututunan mo dito paano magsuot ng lifejacket.. ng immersion suit.. at ng thermal na kumot. Ano ang magiging pagkain mo sa gitna ng dagat.. paano mangisda ng walang tansi at bingwit. Galing di ba!

First Aid (part 1)
-Unang panlunas... maling translation... Pangunahing lunas dapat... pangunahing lunas sa mga pagkakapaso... sa mga bali sanhi ng aksidente.. sa shock.. sa sugat.. sa pagkawala ng paghinga at pagtibok ng puso.




First Aid (part 2)
-Dito mo matutunan ang practical na pagbibigay ng pangunahing lunas sa nawalan ng paghinga at pagtibok ng puso... o mas kilala sa tawag na Rescue Breathing at CPR.



1. The scene is safe.
2. Hey mam/sir are you OK? 2x
3. Help help help!
4. The mouth is clear.
5. LLF (Look Listen Feel) 1001, 1002, 1003, 1004, 1005
6. 2 ventilations
7. LLF (Look Listen Feel) 1001, 1002, 1003, 1004, 1005
8. Victim (-P) (-B), Call the bridge as I perform CPR
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n1 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n2 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n3 BB
1n2n3n4n5n6n7n8n9n10 11 12 13 14n4 BB
9. Recheck Pulse and Breathing
10. Victim (+P) (-B), Call the bridge as I perform Rescue Breathing
B 1, 1002, 1003, 1001 B
B 1, 1002, 1003, 1002 B...
... B 1, 1002, 1003, 1012 B
11. Recheck Pulse and Breathing
12. Victim (+P) (+B)
13. Recovery Position to avoid Aspiration.

Personal Safety and Social Responsibility
-Pag-uusapan naman dito ang tungkol sa marine pollution... safety sa barko.. pakikipag communicate sa kapwa mo crew.. at human relation.. medyo boring yung topic pero dahil sa komedyante ang nagtuturo ay ayos na rin..

Matututo ka base mismo sa mga karanasan ng tagapagturo... Ayos! ☺►

Nanalo ako sa Lotto!



Yes! sakto ang numerong tinayaan ko..Sana ako yung taong sisigaw ng katagang yan... kasi ayon sa PCSO ay may 1 nanalo sa bola ng PCSO Grand Lotto kagabi. Pero ang nakakalungkot ay hindi ako yun...

Napaka swerteng nilalang ang tumama kagabi... talagang para sa iyo ang jackpot price na yan... Wow! 741 million!

Congratulations sa nanalo!
☺►

Monday, November 29, 2010

Pagtama sa PCSO Grand Lotto 6/55



Pag-aralan mong mabuti ang mga numerong tumama sa PCSO Grand Lotto 6/55 para lumaki ang tsansa mong manalo.


Nov 29,2010, Mon 11-16-42-47-31-37

Nov 26,2010, Sat, 22-55-51-14-54-45

Nov 24,2010, Wed, 04-41-40-55-42-45

Nov 22,2010, Mon, 22-25-17-50-19-37

Nov 20,2010, Sat, 18-17-36-04-40-13

Nov 17,2010, Wed, 53-09-45-24-50-29

Nov 15,2010, Mon, 43-13-29-44-04-20

Nov 13,2010, Sat, 03-31-34-13-48-11

Nov 10,2010, Wed, 04-34-29-35-30-10

Nov 08,2010, Mon, 43-12-14-30-51-46

Nov 06,2010, Sat, 15-38-17-39-11-03

Nov 03,2010, Wed, 43-20-05-37-13-06

Nov 01,2010, Mon, 08-49-29-35-28-45

Oct 30,2010, Sat, 54-02-34-31-42-08 ☺►

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Monday - November 29, 2010
Jackpot: 741,176,323.20
Winning numbers: 11-16-42-47-31-37
Winner(s): 1



Sa haba haba man daw ng prusisyon... sa tayaan pa rin ng lotto ang tuloy. Mas maigi ng makipila sa mahabang pila ng lotto, malay natin baka matupad ang jackpot na pangarap mo...

Ay grabe sobrang haba ng pila kanina sa nga tayaan ng lotto... talo pa yung Harry Potter and the Deathly Hallows eh... talagang box office ang PCSO Grand Lotto!
☺►

PCSO Grand Lotto 6/55 Scam



Aabot na sa halos 740 million na ang magiging jackpot sa PCSO Grand Lotto para sa bola mamaya. Sa sobrang dami ng tumaya at nangangarap na manalo ay sigurado... may mga maiitim ang budhi na may dugong demonyo ang gustong gamitin ang pagkakataon na ito para makapanloko at makapanlamang sa ating kapwa Pilipino.

Anu-ano nga ba ang maaaring gawing panloloko sa mga kababayan nating mananaya sa PCSO Grand Lotto?

1. Text scam...usong uso yan ngayon! sasabihin saiyo na sila ay empleyado ng PCSO at ikaw ang napiling nanalo para sa bola ng PCSO Grand Lotto. Ito ay matinding hokus pokus lamang kasi di mo naman inilalagay ang personal info mo kagaya ng pangalan o contact number sa pagtaya mo sa lotto.

2. Bebentahan ka nila ng ticket na tumama ng 2nd price o 3rd price sa halagang mababa pa sa actual na premyo. "May ticket akong nanalo ng 2nd price.. ibibigay ko lang saiyo ng P50,000.. tapos ikaw na lang ang magcclaim sa PCSO office... di ko kasi alam kung paano pumunta doon eh!"
Eh anak ka ng tatay mo! Sino bang tao ang may matinong isip na nanalo ka ng 2nd price na P150,000 tapos ibebenta mo ang ticket! Panloloko lang yan.

3. Tumaya lamang sa authorized lotto outlet.. wag kung saan saan lang at kung kanikanino lang. Mas OK na yung pumila ka ng matagal basta't alam mo namang sigurado.

Maging matalino... maging mapagbantay.. at higit sa lahat ay gamitin ang sintido kumon o common sense para hindi ka maloko sa buhay.. Wag maging luhaan at magsisi sa huli.
☺►

Paskong Pinoy

26 days na lang Pasko na!
Malamig na ang simoy ng hangin... at masarap ang may kayakap,
Pero malaki ang problema mo kung hindi mo ito mahagilap,
Magsenti ka na lang habang kumakanta,
At least kahit papaano ang buhay mo ay sasaya.



by Ariel Rivera

Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

REFRAIN:
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko

Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

REFRAIN:
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko, oh

(Repeat Refrain)

Sana ngayong Pasko...
☺►

Sunday, November 28, 2010

PCSO Grand Lotto 6/55 Results



Wala pa ring nanalo sa bola ng lotto kahapon... haaaay kailan kaya ito mapapanalunan? Aabot na ito ng 740 million sa Lunes... grabe na sa tindi ang premyo ah... ☺►

Saturday, November 27, 2010

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Saturday - November 27, 2010
Jackpot: 693,229,971.60
Winning numbers: 22-55-51-14-54-45
Winner(s):



Ambilis lang bolahin ang PCSO Grand Lotto 6/55... di ko alam kung may nanalo.. Malalaman natin bukas...

Lumabas ulit yung numerong 55 at 45.

Isang paalala mula sa PCSO ay ingatan ang ticket at claim stub. Kung sakaling may nanalo at hindi naipresenta ang ticket at claim stub ay mababalewala lamang ang panalo..

Grabe.. mas mataas pa ng 13 million ang jackpot sa estimated kong magiging jackpot ngayon... P693 million... Wooow!
☺►

Pagtama sa PCSO Grand Lotto 6/55



Ano nga ba ang possibilidad mo na manalo sa lotto?

Sagot: 1 sa 28,989,675


Mas malaki pa ang possibilidad na..

1. Masugatan ka ng paputok o libentador... 1 sa 19,556

2. Tamaan ka ng kidlat..... 1 sa 576,000

3. Na mamatay ka sa tama ng kidlat...... 1 sa 2,320,000

4. Makakita ng UFO (Unidentified Flying Object.. meaning Aliens..).... 1 sa 3,000,000

5. Maging Santo..... 1 sa 20,000,000

6. Na maging isa kang astronaut (pangarap ko ito noong bata).... 1 sa 13,200,000

7. Na maging presidente... 1 sa 10,000,000

8. Na mamatay sa mainit na tubig... 1 sa 5,005,564

9. Na malunod sa bath tub..... 1 sa 685,000

10. Na mamatay sa kagat ng aso.... 1 sa 700,000


Isipin mo yan!... pero kung nanalo ka ng PCSO Grand Lotto.. masasabi ko na ikaw ay isang napakasuwerteng nilalang sa balat ng lupa... Kakaiba ka sa lahat at ikaw ang pinagkatiwalaan na manalo ng ganung kalaking halaga.

Sabi nga ni Joe Taruc kanina... "Sa mananalo sa PCSO Grand Lotto.. yan ay God given talaga para sa iyo." ☺►

-----------
http://www.funny2.com/odds.htm

Pagtaya sa PCSO Grand Lotto 6/55




Ay talaga namang box office ang pilahan sa pagtaya sa lotto sa Festivall mall kanina eh.. Marami pa rin ang umaasa sa mga kababayan nating Pilipino na tumama sa jackpot price na halos 680 million.

Wala namang masama doon.. wag lang nating iasa lahat sa tsansa ang pag-angat ng ating buhay. May kasabihan nga...

"Mas masuwerte ang taong nagtratrabaho, nagsusumikap at nagtitiyaga... kaysa sa taong maghapon ay walang ginagawa."
☺►



Paskong Pinoy

28 days na lang ay Pasko na!



Medyo malamig na ang hangin.. at mas mahaba na ang gabi kaysa umaga ngayon..
Maulap na rin sa madaling araw.. masarap matulog pero kailangang bumangon..
Para mas marami kang magawa at matapos ngayon.
☺►

Pagtaya sa PCSO Grand Lotto..


Ang larawan na ito ay nagpapakita kung anu anong numero ang mas tinatayaan sa lotto sa America. Pwede mo ring gawin ito para sa mga tumamang numero.

700 million... eto ang jackpot para sa bola ng PCSO Grand Lotto 6/55 mamaya. Wow! anlaki na!

Marami na tuloy ang mga nagdadasal sa mga santo sa Quiapo at Baclaran.. o kaya naman ay naniniwala sa sa feng shui.. o kaya sa numerology para mas maging masuwerte at tanggalin ang malas.

Pero pwede ka namang tumaya ng mas matalino... gumamit ng statistical software kagaya ng minitab o kaya JMP para mai plot mo ang mga tumamang numero. Makikita mo dito ang mga numerong mas malaki ang tsansang tumama.

Taya na! habang maaga pa baka maabutan ka pa mamayang gabi ng cut off sa pagtataya.
Sayang din kung manalo ang numero mo pero hindi natayaan. ☺►

----------
http://online.wsj.com

Friday, November 26, 2010

Pagtaya sa PCSO Grand Lotto..



P11 - sa papremyo
P6 - sa charity
P3 - sa PCSO

Pagtaya mo sa PCSO Grand Lotto..
Saan nga ba napupunta ang pera mo?
Ito ba ay dumidiretso lahat sa papremyo?
O may kahati pa ang mga ito?

Sa halagang bente pesos
Mababago ang buhay mo ng lubos,
Pag tumama ng 700 million
Paano mo ba gagastusin yun.

Magandang balita para sa mga mananaya sa PCSO Grand lotto... dahil ayon sa batas na sumasaklaw nito ay walang limitasyon kung gaano kalaki ang magiging premyo nito. Hanggang walang tumatama sa jackpot price ay diretso pa rin ang pag-akyat ng papremyo.

Sa average na 120 milyong dagdag bawat linggo sa premyo.. pagdating ng Dec 18, 2010 ay lagpas na ng isang bilyon ang premyo... kung at kung hindi pa mapapanalunan ito.

Iyong tandaan na sa bawat pagtaya mo sa lotto..

Ang 55% ay napupunta sa premyo.. ito ang inaasahan ng milyong milyong Pilipino.. na mapanalunan at makuha ito..

Ang 30% ay napupunta naman sa Charity o kawanggawa.. kasama na dito ang mga libreng ambulansiya na may mukha ng mga pulitiko.. ang nakakainis doon di naman nila pera ang pinambili ng mga ito.. kundi pera ng mga Pilipino. O kaya naman nakakatulong sa pagpapagamot ng mga mahihirap nating kababayan.. na walang maipambayad ng gamot at pangangailangan.

Ang 15% naman ay napupunta sa PCSO.. yan ang pinapambayad sa mga empleyado... simula sa Presidente hanggang sa mga janitor nito.. pati sa pang gasolina at krudo.. ng kanilang mga sasakyan o auto..

Sino nga ba ang makakapagsabing naghihirap ang mga Pilipino.. salat sa pera at walang pampondo.. sa pagpapagawa ng silid aralan at hospital na pampubliko.. eh kaya ngang makapag-ipon ng pitong daang milyong piso.. sa loob lang ng 6 na buwan.. ay talaga namang nakakaloko.. ☺►


Paskong Pinoy

Kapag napapakinggan ko ang awiting ito... parang mapapasenti mode ako habang sinasabayan ko.. Emotional at may puso ang areglo at pagkaka-awit ni Gary V kaya nakaka touch...


Pasko na Sinta Ko
by Gary Valenciano

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo nilisan ako
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa'yo

-Instrumental
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa'yo
☺►

Paskong Pinoy

29 days na lang Pasko na... kaya kailangang magpractice ng mga kakantahin ko sa videoke. Para pagdating ng Pasko ay yakang yaka at kuhang kuha ko na ang tono nito...



All Star Cast - Sa Araw Ng Pasko lyrics

[Intro]
'di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito
Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko

[Refrain]
Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

[Chorus]
Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n'yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso

[repeat refrain]
[repeat chorus]

[Bridge]
Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree

[repeat chorus except last 4 words]
[repeat chorus]
☺►

Thursday, November 25, 2010

Selsun Blue


Selsun Blue 2-in-1


Product description

Ang Selsun blue ay brand name ng isang anti-dandruff shampoo na unang ginawa ng Abbott Laboratories... nabili ang brand ng Chattem Inc noong 2002 at ang kumpanya naman ay nabili ng Sanofi-Aventis ngayong 2010. Matindi pala ang pinagdaan ng produktong ito.. pinagpasapasahan. Siyempre ito ay gawa sa America.. ibig sabihin esteyts sayds. Ayon sa mga nabasa kong forums.. ito ay mabibili mo dati sa drugstores dito sa Pilipinas noon... pero hindi na ngayon.

Ang sangkap ng shampoo na ito na nakakaalis ng dandruff o balakubak ay ang selenium disulfide (1%). Ang sangkap na ito ay ginagamit din sa ibang gamot para sa sakit sa balat kagaya ng an-an, buni, at iba pang fungal infection. Tinitira nito ang fungus na maaaring sanhi o nagpapalala ng iyong dandruff.

Paraan ng paggamit ng Selsun blue na shampoo.

1. Shake well before using. Dahil gamot sya kailangan alugin mo muna para mahalo ng maayos.

2. Maglagay ng tamang dami para gagamitin bilang shampoo. Di kakatiting o kaya naman hindi isang sandok... yung tama lang.

3. Sabunin ang ulo gamit ito sa loob ng 2-3 minuto at konting masahe sa ulo bago mo ito banlawan. Banlawan ng maayos ang ulo ng tubig.

4. Iwasang mailagay ang shampoo sa mata... kasi mahapdi at maaring mairita ang mata.

5. Para sa mas epektibong resulta.. gamitin ito ng at least 2 sa isang linggo. Wag naman araw araw, baka kasi maubos naman ang buhok mo.

Sa personal kong karanasan... epektibo sa akin ang Selsun Blue. Sa unang gamit ko ay nabawasan agad yung dandruff ko. Kung dati ay nahuhulog sila na parang snow flakes mula sa ulo ko.. ngayon meron pa rin kaya lang napaka liit na at hindi mo na halos makita. Yan ay sa unang linggo pa lang ng paggamit at sa tingin ko ay mas gaganda ang resulta.


Saan ako makakabili ng Selsun Blue?
Sagot:
Sa Essences at Bescost.. sila ay mga tindahan ng PX o imported goods na nakapwesto sa Cash & Carry Buendia branch. Nasa 2nd floor sila.. pwede mo ring itanong sa guwardiya.


Essences


Bescost

Magkano naman ang Selsun Blue?
Sagot:
Kung bibili ka sa US ito ay $8 o kaya P348 ang 325ml pero sa mga tindahan sa Cash & Carry... P550 ang 325ml - hindi na masama di ba.

Paano pumunta sa Cash & Carry Buendia?
Sagot:
Kung galing ka ng South - sumakay ka ng LRT Buendia, bumaba ka sa kanto ng Filmore at Buendia.
Kung galing ka ng North - sumakay sa bus sa Edsa na papuntang Ayala LRT Leveriza, bumaba ka sa kanto ng Filmore at Buendia.

Tingnan ang mapa sa baba.


View Cash & Carry Mall in a larger map


PS... May 2 variants ang Selsun blue na ipinagbibili sa Cash & Carry. Yung 2 in 1 ang binili ko dahil sya ang may selenium disulfide (1%). ☺►

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Wednesday - November 24, 2010
Jackpot: 633,911,065.20
Winning numbers: 04-41-40-55-42-45
Winner(s): 0


Medyo matataas yung numerong lumabas kahapon.. tumama yung kasama ko sa trabaho.. 3 numero nga lang...

Aabot kaya ito ng 1 bilyon? Marami tuloy ngayon ang nagdadasal na manalo sila..
☺►

Wednesday, November 24, 2010

Paano Manalo sa Grand Lotto?



May iba't ibang paraan para mas lalong lumaki ang tsansa mo na manalo sa PCSO Grand Lotto. Siyempre bilang mananaya ay gusto mo na ikaw ang manalo ng jackpot o kung hindi man jackpot kahit na yung 2nd o 3rd price. Medyo malaki na ang jackpot price.. tumatagingting na P600M.. kaya maging smart na mananaya. Dapat may basehan ang numero na iyong tinatayaan.

Heto ang dapat mong gawin:

1. Maging masinop sa paglilista ng mga numerong malimit na lumabas sa bola ng PCSO
Grand Lotto 6/55. May mga numerong palagiang lumalabas o ang tinatawag na most frequently occuring numbers. Maglista ka ng sampu nito at gawin itong basehan sa tatayaan mo. Ang halimbawang numero nito ay 13.

2. Maging masinop naman sa paglilista ng mga numero na hindi halos lumalabas sa PCSO Grand Lotto 6/55. Ito naman ay tinatawag na least frequently occuring numbers. Maglista ka rin ng sampu nito at gawin itong basehan ng hindi mo tatayaan. Ang halimbawang numero nito ay 1.

3. Hatiin ang lahat ng numero sa anim na parte. Ang 55 kung hahatiin mo ito ng 6 ay magkakaroon halos ng 9 na numero bawat parte. Halimbawa.. ang unang parte ay 1-9.. pangalawang parte 10-18... pangatlong parte ay 19-27... at hanggang umabot sa pang anim na parte 45-55. Pag aralan mo ngayon ang mga numerong lumabas dati kung anong parte sila marami at doon ka pumili ng numerong tatayaan mo. Ang halimbawang numero kabilang sa pangalawang parte 10-18.

4. Huwag kang tumaya ng 6 na numerong sunod sunod kasi nagsasayang ka lang ng pera. Halimbawa ang tinayaan mo ay 1,2,3,4,5,6 at sigurado hindi ka mananalo. Ang lotto ay laro ng mga numero na random o wala sa ayos o pagkakasunod sunod. At mas malaki ang tsansa mong manalo kung hindi mo ito gagawin.

5. Kung may napili kang numero at sobra ito sa 6 o isang set..o may inaalagaan kang numero pero marami sila.. halimbawa 7.. o kaya 8 numero. Huwag manghinayang na tayaan ito lahat gamit ang System 7 o System 8 para makuha lahat ng kumbinasyon. Pero ang bayad nito ay mas mahal pero mas malaki ang tsansa mo na manalo ng Jackpot

System 7 - may 7 possibleng kumbinasyon - P140 ang bayad nito.
System 8 - may 28 possibleng kumbinasyon - P560 ang bayad nito.
System 9 - may 84 possibleng kumbinasyon - P1680 ang bayad nito.

6. Kung sobra naman sa 9 ang numero mong napili.. pwede kang tumaya ng System 10, 11, o kaya 12. Medyo may kamahalan na nga lang ang bayad nito pero pwede kang maghanap ng gustong sumama sa taya mo. Ang katrabaho mo, kaibigan mo, o kaya kamag-anak mo. Ang System 10 ay may 10 numero na may 210 na kumbinasyon at ang halaga nito ay P4,200. Pwede nyong hatiin sa apat P1,050 bawat isa. Ipahawak nyo ang ticket sa isang tao at kung sakaling manalo ng jackpot ay hati hati kayo. Sa sytem 10... kapag may 3 lumabas sa 10 numero nyo ay mananalo kayo ng 35 na balik taya times P150 each equals P5,250... di ba panalo pa rin!.

7. Tandaan mo!.. lahat ng tumataya ay may tsansang manalo ng Jackpot price sa PCSO Grand Lotto pero pwede mong palakihin ang tsansang ito para pumanig sa mga napili mong numero. Minsan ka lang manalo ng 600 million jackpot kaya galingan mo.

8. At laging totoo ang kasabihang.. "The more entries you send the more chances of winning."



PS.. Yung balato ko ha.. ☺►

Solusyon sa Dandruff o Balakubak


Dandruff o Balakubak


Microscopic na larawan ng dandruff

Dandruff o balakubak.. Madalas natin marinig ang reklamong "Grabe naman itong dandruff ko, paano ko kaya ito matatanggal?." Eto ay problema ng marami sa ating mga kababayan at hindi lang ng mga Pinoy kundi pati na ibang lahi.. lalaki man o babae.. Walang pinipili ang dandruff o walang exempted.. kasama na ako dun.

Ang dandruff o balakubak ay tinatawag na Pityriasis simplex capillitii.. ito ay ang pagbabawas ng mga patay na balat o dead skin cells sa anit ng isang tao. Parang libag ito sa anit ng ating ulo. Ito ay normal na proseso.. kaya lang kapag masyadong mabilis ang prosesong ito nagiging pansinin ang mga flakes ng balakubak. Siyempre ayaw natin na magkaroon nito at tayo ay sumusubok ng iba't ibang solusyon para mabawasan o tuluyang maaalis ang dandruff o balakubak.

May iba't ibang dahilan bakit lalong nagiging malala ang balakubak.. ang oily skin o sebacious secretions (masebo ang ulo).. o kaya naman dahil sa skin micro-organisms.. o kaya sa paligid (usok, alikabok, malamig..) Dapat ay obserbahan mo ang iyong sarili at paligid kung ano ang maaring dahilan ng balakubak mo.

Nag-isip ako ng posibleng mga solusyon... may balakubak din kaya ang kalbo? Kahit magpakalbo ka pa ay magkakaroon ka pa rin ng balakubak.. kaya hindi ito ang solusyon. Araw araw naman ako naliligo... bakit meron pa rin?

Ang una kong ginawa ay sinubukan kong gumamit ng mild shampoo.. siyempre baby shampoo ang ginamit ko. Nandoon pa rin yung balakubak pero hindi na kumakati ang anit ko. Napansin ko rin na kapag sinabon mo ang ulo mo ng Safeguard o kahit anong sabong pampaligo ay lalong lalala ang balakubak mo at kumakati pa ang anit mo. May mga chemicals kasi ang sabon na hindi talaga bagay sa anit ng tao at para lang ito sa katawan o sa mukha.

Sinubukan ko rin ang iba't klaseng anti-dandruff shampoo na malimit ipalabas sa TV.. Head and Shoulder, Clear, Gard pero hindi umubra sa akin. Mabango sila at masarap sa anit kasi presko pero hindi sila ganun kaepektib sa akin. Ang mga ordinaryong shampoo naman ay parang anlakas ng kanilang pabango kaya hindi ito nakakatulong para mabawasan ang balakubak.

Bumili ako ng niyog at pinakayod ko... Pambihira! ang mahal na pala ng isang maliit na niyog.. P20 ang isa. Piniga ko ito at ang katas ay inilagay ko sa aking ulo sa loob ng 10 minuto. Tapos konting masahe sa ulo at naligo pagkatapos. Pagkalipas ng 2 araw... maganda ang epekto nya sa buhok kasi nagiging malambot at makintab pero nandoon pa rin ang balakubak.

Sinubukan ko rin ang kalamansi.. 2 kalamansi sa isang maliit na basong tubig. Ilagay sa ulo at anit... konting masahe.. Ang resulta ganun pa rin.. di nabawasan ang balakubak.

Nagbasa ako ng forums sa Internet tungkol dito.. at ito ang aking nadiskubre.. may 2 shampoo na nirerekomenda ng mga doktor.. ito ang Nizoral at Selsun Blue. Sila ay gamot sa sanhi ng balakubak. Medyo may kamahalan pero sa tingin ko ito ay sulit naman kung epektibo. Ang Nizoral ay madali mong mabibili sa mga drugstore dito sa Pilipinas. An Selsun Blue naman ay available siya dito sa Pinas noong 80s at 90s.. pero ngayon wala na sa mga drugstores.

Ang Selsun Blue ay gawa pa sa US at PX yun pagdating sa atin. Salamat sa forums at nalaman ko na mayroong nagtitinda sa Cash & Carry sa Filmore Street malapit sa Buendia. Susubukan kong puntahan ito at makabili ng Selsun Blue... masubukan nga kung ito ay epektib..

Pero depende sa bawat tao ang solusyon sa dandruff niya... subukan mo kung ano ang mas nababagay at epektib sa iyo. ☺►




susunod.... Saan makakabili ng Selsun Blue, resulta ng paggamit nito atbp..



----------
http://en.wikipedia.org/wiki/Pityriasis_simplex_capillitii

Tuesday, November 23, 2010

Paskong Pinoy



Paskong Pinoy

"Parol na marikit,
kutitap ng ilaw na maliit,
koro ng mga batang paslit,
indayog sa himig na may pananabik.

Simoy ng hanging malamig,
handang masarap at mainit,
giliw sa damdamin,
sa pisngi'y namumutawi rin.

Pasko'y narito na!
Buong pamilya'y magsaya!
Halina't ipagdiwang inyong Noche Buena,
kasama ang Pan de Manila!"


Masaya talaga ang Pasko sa Pilipinas.. lalo na ang kainan na malimit maihanda tuwing pasko.. At eto ang aking listahan ng mga popular na inihahanda tuwing pasko.

1. Spaghetti (eto ang pinakasikat)
2. Pansit (bihon, canton, malabon, lulog, atbp)
3. Macaroni Salad
4. Fried Chicken
5. Lechon (baboy o manok)
6. Barbecue (baboy o manok)
7. Kare kare
8. Caldereta
9. Hamon
10. Tinapay na may palamang keso (keso de bola pag nakakaluwag, o kaya peanut butter, o kaya margarine, o kaya dairy cream, o walang palaman - pantapat sa pansit).

Sa panghimagas
1. Buko salad
2. Fruit salad
3. Ice cream
4. Buko pandan
5. Cake
6. O kaya kakanin..


Sa imumin o panulak
1. Softdrinks
2. Iced Tea
3. Fruit Juice
4. Sago't gulaman
5. O kaya malamig na tubig sa mga nagtitipid.


---------
"Paskong Pinoy" - guhit ni Joel Chua
Tula mula sa Pan de Manila

Monday, November 22, 2010

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Saturday - November 22, 2010
Jackpot: 584,829,925.20
Winning numbers: 22-25-17-50-19-37
Winner(s): 0


"Kailan ko kaya ito mapapanalunanan?" ito ang pangarap ng bawat Pilipinong tumataya sa Grand Lotto.

Baka abutin na ito ng 1 bilyon bago mapanalunan... paano kung wala pa ring manalo? Ano kaya ang rules dito ng PCSO? ☺►

Bulusan Volcano Nag-aalburuto


Tahimik ang bulkan, ang nakikita nyo ay ulap lamang na dumadaan..


Pagbuga ng bulkan ng asupre na pinagmamasdan ng mga taga Irosin..

Tumawag ako kahapon sa amin sa Sorsogon para kumustahin ang aking mahal na magulang... at nabanggit nga nila na kahapon ay pumutok o nag-alburuto muli ang bulkang Bulusan. Nagsimula ito halos 2 linggo na ang nakalipas at mas malakas kaysa sa naunang pagputok nito. Mabuti na lang at medyo malayo sila sa mismong bulkan pero umabot ang ash fall sa kanila o ang asupre.

Ang isang delikado ng asupre ay sa kalusugan ng mga taong nakakalanghap nito. Kapag umulan naman at ito ay nabasa nakakasira sa mga pananim. Maraming naiulat ding naaksidenteng bus at sasakyan dahil napakadulas ng kalsada dahil sa nagiging putik ang ash fall kapag umuulan.

Sana ay tumigil na ang pag-alburuto ng bulkang Bulusan para makabalik na sa normal ang mga naninirahan sa paligid nito.


View Bulusan Volcano in a larger map
Ang Irosin at Bulusan ay mga bayan na pinakamalapit sa mismong bulkan.


Ash plume noong April 29, 2006. Ang direksyon ng ash plume o asupre ay depende sa hangin.


---------------
http://www.manilatimes.net
http://earthobservatory.nasa.gov/NaturalHazards

Sunday, November 21, 2010

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Saturday - November 20,2010
Jackpot: 543,663,673.20
Winning numbers: 18-17-36-04-40-13
Winner(s): 0


"Ano ba yan! di pa rin ako nanalo!"

Wala pa ring nananalo sa jackpot... ayos yan pwede pang tumaya at mapanalunan ito. Malay mo umabot pa ito ng 1 bilyon..

Sabi nga ng kanta..

Kapag nanalo ako sa lotto.. ano kayang bibilhin ko..
Baka ako maloko sa mga gagawin ko..
☺►

Saturday, November 20, 2010

Pera


Naghanap ako ng bag na may peso sign... mahirap palang hanapin..

"Ang perang madaling makuha ay madali ring mawawala."

Friday, November 19, 2010

Basic Safety Training - Enrollment


Your training edge for Global Competitiveness.

FEMFI in short para sa Far East Maritime Foundation, Inc. Isang training center para sa mga marino o sa mga gustong magtrabaho sa barko (housekeeping, waiter, musikero, cook, atbp). Dito ako kumuha ng BST o Basic Safety Training Course. Paano nga ba makapag enroll?

1. Punta ka sa 9th floor ng Victoria Building along UN Avenue.

2. Tapos sa lobby ng FEMFI ay kumuha ka ng numero at enrollment form. Lagyan mo ito ng mga impormasyon tungkol sa iyo at maghintay ka na tawagin ang numero mo. Pwede kang manood dun sa TV nilang malaki habang naghihintay... maganda ang palabas nun, compilation ng laban ni Pacquiao. Tsaka para di mo maramdaman.. lumipas na pala ang oras.

3. Kapag tinawag na ang numero ay ibigay ang form na kumpleto sa impormasyon... pasensya na masyadong hitech dito kaya mano mano - tapos magbayad ka ng P5,700 sa cashier.

4. Bibigyan ka ng Registration Form na kulay blue.

5. Magpakuha ka ng litrato para sa certificate at P100 ang bayad nun. Susuot ka ng puting polo na ilang linggo ng hindi nalalabahan.

6. May long sleeves na may logo ng FEMFI na bibilhin kasama ang gloves para sa practicum - damage P135.

O ayan enrolled ka na para sa Basic Safety Training course.

Magpapamedical ka nga rin pala para sa practicum sa Cavite. Pwede kang kumuha sa harap kay Dr. Tiongloc - damage P200.


Summary of Damages ng Basic Safety Training.

Tuition fee = P5,700 *
Digital Picture = P 100
Long sleeves + gloves = P 135
Medical Certificate = P 200
-------
Total P6,135

*Pwede itong 2 gives.

susunod.. Basic Safety Training course outline.. ☺►

Thursday, November 18, 2010

Basic Safety Training



"Basic Safety Training mahirap yatang tagalugin ito.. Pagsasanay para sa Pangunahing Pangkaligtasan... pwede"

Yun ang kinuha kong training o pagsasanay noong nakaraang buwan..

Pinatawag ako ng boss ko at sinabing "Kukuha ka ng Basic Safety Training.. kailangan kasi yun sa pagkuha mo ng Seaman's book." "OK Sir." Kaya binigyan ako ng schedule at kung paano pupunta sa Far East Maritime Foundation, Inc. kung saan gagawin ang training. Madali lang pumunta doon pero siyempre di ako nagresearch bago pumunta doon kaya medyo naligaw ako ng konti.. lagpas ng ilang metro lang naman. Heto ang kanilang website:

http://www.fareastmaritime.com/

Kung galing ka ng South Luzon - sumakay ka ng bus papuntang Lawton at bumaba ka sa UN avenue. Maglalakad ka ng mga 10 minutes para makarating sa Victoria Building.. hindi Victoria motel.

Kung galing ka sa North Luzon - sumakay ka ng bus papuntang Cubao. Pagdating mo ng Cubao ay mag MRT ka papuntang MRT Taft station. Lumipat ka sa EDSA LRT papuntang LRT UN Avenue station. At maglalakad ka ng mga 10 minutes para makarating sa Victoria Building.. hindi Victoria motel.

Pero kung taga Metro Manila ka at hindi mo ito kayang mapuntahan.. kailangan mo munang bumalik sa Elementary para matutunan ang Basic directions.. biro lang.

Heto ang mapa para di kayo mahirapang maghanap.


View Far East Maritime Foundation, Inc in a larger map


susunod.. Basic Safety Training - Enrollment ☺►


--------------------
http://www.northeastmaritime.com/maritime/stcw-basic-safety-training/

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Wednesday - November 17,2010
Jackpot: 495,597,376.80
Winning numbers: 53-09-45-24-50-29
Winner(s): 0


Naglalakad ako papuntang terminal ng pedicab sa amin.. Sabi ko "Sakay po Manong".. aba'y hindi yata ako narinig.. "Manong sakay po!.." Kaya pala, abalang tinitingnan ang kanyang lotto ticket.

"Haaay wala pa ring nanalo ng Jackpot price.." "Sayang number 24 lang ang nakuha ko.. Lintek na yan!" sabay padyak sa kanyang pedicab.

Yan ang ng ilan sa mga Pilipino... umaasa sa suwerte dala ng sugal.

"O taya ulit para sa bola sa Sabado!" ☺►

Tuesday, November 16, 2010

Nanalo ako sa Lotto!



"Panalo ako! Panalo ako!" yan ang sigaw ko sa loob loob ko pagkatapos hugutin at basahin ang huling number sa tambiyolo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan at kagalakan na parang naiiyak at tuwang tuwa sa napanalunan ko kahapon. Matagal na hindi ito napapanalunan at ito ay umabot na sa P456,404,688.00 simula pa noong May 15, 2010.

Inisip ko kaagad na "Andaming pera nun! Paano ko kaya gagastusin yun? Wala pa naman akong kasama sa bahay kaya bigla kinabahan kung may iba na makaka alam. Tapos biglang may narinig akong ingay sa labas ng aming gate.. parang ingay ng maraming tao.. kumakahol na yung aso namin..

"Aaaw aaaw awww" palakas ng palakas at kinakabahan na ako.. hanggang sa sobrang takot ko ay nagising ako sa ingay ng aso namin sa labas... "Pambihira!" ..sa sobrang kakaisip ko na manalo ako sa lotto ay parang totoo na ito sa panaginip ko.

Madali lang namang tumaya sa PCSO Grand Lotto. Nagkalat sa bawat kanto ang kanilang outlet.

Lotto outlet sa MRT station.

1. Kukuha ka ng form na tayaan nila.



2. Tapos guguhitan mo ng patayo ang anim na numerong pinili mo. Dahil ito ay Grand Lotto 6/55 pipili ka ng anim na numero simula 1 hanggang 55 pero di na pwedeng ulitin ang numero sa isang taya o set. Halimbawa... 3, 29, 35, 30, 34, 10. Hindi pwedeng may madoble na numero kagaya ng 3, 29, 24, 3, 1, 35 kasi mag eerror ang computer. Hindi ring pwedeng sumobra sa 6 na numero ang pipiliin mo. Pwede mo ring piliin yung LP(Lucky pick) na ang ibig sabihin ang computer na ang magbibigay ng numero para sa iyo. Pwede kang magkaroon ng 4 taya sa bawat ticket.




3. Ibigay ang form at ang bayad mo sa nagbabantay. Dahil ito ay Grand lotto P20 kada taya.

4. Magkakaroon ka ng lotto ticket at yung petsa ng bola nito.

5. Ito ay itago mo at huwag tupiin. Ito rin ang magsisilbing claim stub mo kung sakaling manalo ka.



Tapos ang gawin mo ay magdasal ng mataimtim ka sa Quiapo sa Biyernes.. dalhin mo ang ticket at patakan mo ito ng holy water baka sakaling madagdagan ang iyong suwerte. O kaya naman ipahid mo ang gilid nito sa bawat santo na nandoon.. para mas maraming suwerte ang makuha mo.

Pero sa totoong buhay... ano kaya ang tsansa kong manalo sa PCSO Grand Lotto kung ako ay may isang taya? itutuloy.... ☺ ►

Paano ako Mananalo sa Lotto?

Monday, November 15, 2010

Pacquiao: Bayani ng mga Pilipino


Antonio "Maga" Margarito

Napakagaling ng ipinakita ni Manny "Pacman" Pacquiao kahapon sa laban ng boxing nila ni Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Texas. Si Manny ay boksingero na may talino, diskarte, lakas ng resistensya, lakas ng loob at walang hangin sa ulo kagaya ni Floyd Mayweather Jr.

Di mo na makilala si Antonio Margarito pagkatapos ng laban dahil namaga na ang mukha nito sa lakas ng mga suntok na pinakawalan ni Manny. Walang nagawa ang yabang ni Margarito at ang trainer nitong si Garcia laban sa sobrang bilis at malakas na suntok ni Manny.

Nagkaisa muli ang mga Pilipino sa pagsuporta at pananalangin para manalo si Pacquiao. Nandoon ang sabay sabay na sigawan nakikipagbakbakan si Manny at ang malakas na sigawan, palakpakan at talunan ng matapos ang laban.

Isa na namang malaking tagumpay para sa Team Pacquiao! at para sa mga Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!!




http://en.wikipedia.org/wiki/Manny_Pacquiao

Thursday, November 11, 2010

Paano manalo sa Grand Lotto?



Grand Lotto
04 - 34 - 29 - 35 - 30 - 10
PHP 383,405,234.40 (0 WINNER/S)
Draw Date: Wednesday, November 10, 2010


The Grand Lotto Draws can be seen every Monday, Wednesday and Saturday at 9:00 p.m. over NBN 4 together with your other favorite Lotto games.


Simple lang naman... kailangan ang 6 na numerong tinayaan mo ay kagaya ng numerong lumabas sa bola ng PCSO para sa Grand Lotto. Jackpot ka sa daang milyong premyo. Kapag limang numero ang tumama sa iyo.. P150,000, apat na numero P2,000, tatlong numero.. P150.

Ano ba ang tsansa mong manalo ng jackpot prize kung ikaw ay may isang taya?
Ilang kumbinasyon ba ang meron sa 6 na numerong pipiliin mo mula 1 - 55 sa kahit anong pagkakaayos?

Ang formula nito ay nakabase na Combination. n_C_k = n!/k!(n-k)! Ipapaliwanag ko ito:

Ang n ay kung ilang numero o bola... halimbawa ay 55.

Ang k naman ay bilang o dami kung ilang numero ang bubunutin... halimbawa ay 6.

Ang C naman ay nangangahulugan ng Combination o kumbinasyon.

Ang ! ay hindi ibig sabihin ay nagagalit o naiiinis.. sa mathematics ito ay tinatawag na factorial.. halimbawa 3! = 3x2x1 = 6

Kaya kung gagawin natin ang formula 55_C_6 = 55!/(6!)(55-6)! = Naku hindi yata kakasya kung isusulat ko lahat ng numero.

Padadaliin natin... 55_C_6 = 20,872,566,000/720

Ito ay may 28,989,675 o halos 29 milyong kumbinasyon.
At kung gusto mong magkaroon ng 50% na tsansang manalo ay babayaran mo ang 14.5 milyong ticket o magbabayad ka ng P290M.

At kung pagpapatong patungin ang bawat ticket ay magkakaroon ito ng taas na 29 na metro o kasing taas ng 10 palapag na building. O kaya naman kung ililinya mo ang bawat ticket (8cm ang haba) na magkakasunod ay aabot ito ng 1,160,000 meters o 1,160km.... ang layo nun!

Ano tataya ka pa ba sa Grand Lotto?

"Siyempre naman!.. sayang din yung P350 million malay mo baka makatsamba. Eh di instant na milyonaryo ka!" ☺■

Nanalo ako sa Lotto!

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho





-------
http://mathforum.org/dr.math/faq/faq.prob.world.html
http://www.philippinecountry.com/PCSO_lotto.html

Wednesday, November 10, 2010

National Library

"Wala ng available na slot sa pang umaga, kaya sa hapon na lang pwedeng mag enroll" yan ang sinabi sa akin ng Registrar sa isang training center na malapit sa Kalaw Avenue. Tiningnan ko yung orasan.. "Aba.. halos alas 10 pa lang ng umaga.. eh yung pasok ko ay alas 2 pa ng hapon.." "Ah alam ko na.. tatambay na lang ako sa National Library.." At ganun nga ang nagyari.

Naglakad at tumawid sa busy na kalsada ng Kalaw.. Nasa tabi lang pala ng National Library ang National Historical Institute... sila ang laging laman ng balita pagkatapos ng laban ni Pacquiao.. he he he alam mo na.. sinasabi nila na mali ang pagkaka awit ng Lupang Hinirang.. pero wala namang napaparusahan o nagmumulta.

Pagpasok ko sa pinto ng library ay may mga sekyu na tumitingin ng gamit. At nagtanong siya.. "Researcher po?.." "Opo.. " sabay pasok agad sa loob.

Ganun pa rin ang ayos ng reference section.. may konti lang na nabago. Ang napansin ko ay may mga computer na ngayon na pwede kang maghanap ng libro gamit ang title card, author card, at paksa ng hinahanap mo.

Madami ngayon ang mga estudyante.. Lunes kasi at halos patapos na rin ang semester.. maraming projects na kailangang tapusin. Umupo na lang ako sa isang tabi kasi di ako pwede sa reference section dahil wala akong library card.

Kumuha ako ng larawan o picture ng National Library pero konti lang ang mga ito kasi ang alam ko ay bawal kumuha ng picture ng walang pahintulot..

Maraming alaala ang bumalik sa akin sa pagpasok kong muli sa National Library. Yun ay sa panahon na ako ay nasa kolehiyo pa na malapit sa Intramuros..

May mga pagbabago na ring nangyari simula nung huli kong punta dito... siguro halos 8 taon na yung nakalipas.. pero ito ay parang kahapon lang.

Sa canteen na rin ako kumain ng tanghalian pero bago ako kumain ay nag ikot ikot muna.. Ang National Library luma na pati ang mga gamit dito.. at ang nakakuha ng pansin sa akin ay ang 2 piano na pinaglumaan na ng panahon.. antique na ang mga ito. Di ko nga alam kung pwede pa itong tugtugin.. sa tingin ko di na siguro.

Ano sa tingin mo?


EDSA - Efifanio Delos Santos Auditorium



Lumang Piano No. 1 - Ilang taon na kaya ito dito?



Stair case na kakaiba kasi mataas ang 1st at 2nd floor.



Lumang Piano No. 2 - Bawal manigarilyo habang nagpipiano?
Malapit sa Exit na walang labasan..

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho