Thursday, November 25, 2010
Selsun Blue
Selsun Blue 2-in-1
Product description
Ang Selsun blue ay brand name ng isang anti-dandruff shampoo na unang ginawa ng Abbott Laboratories... nabili ang brand ng Chattem Inc noong 2002 at ang kumpanya naman ay nabili ng Sanofi-Aventis ngayong 2010. Matindi pala ang pinagdaan ng produktong ito.. pinagpasapasahan. Siyempre ito ay gawa sa America.. ibig sabihin esteyts sayds. Ayon sa mga nabasa kong forums.. ito ay mabibili mo dati sa drugstores dito sa Pilipinas noon... pero hindi na ngayon.
Ang sangkap ng shampoo na ito na nakakaalis ng dandruff o balakubak ay ang selenium disulfide (1%). Ang sangkap na ito ay ginagamit din sa ibang gamot para sa sakit sa balat kagaya ng an-an, buni, at iba pang fungal infection. Tinitira nito ang fungus na maaaring sanhi o nagpapalala ng iyong dandruff.
Paraan ng paggamit ng Selsun blue na shampoo.
1. Shake well before using. Dahil gamot sya kailangan alugin mo muna para mahalo ng maayos.
2. Maglagay ng tamang dami para gagamitin bilang shampoo. Di kakatiting o kaya naman hindi isang sandok... yung tama lang.
3. Sabunin ang ulo gamit ito sa loob ng 2-3 minuto at konting masahe sa ulo bago mo ito banlawan. Banlawan ng maayos ang ulo ng tubig.
4. Iwasang mailagay ang shampoo sa mata... kasi mahapdi at maaring mairita ang mata.
5. Para sa mas epektibong resulta.. gamitin ito ng at least 2 sa isang linggo. Wag naman araw araw, baka kasi maubos naman ang buhok mo.
Sa personal kong karanasan... epektibo sa akin ang Selsun Blue. Sa unang gamit ko ay nabawasan agad yung dandruff ko. Kung dati ay nahuhulog sila na parang snow flakes mula sa ulo ko.. ngayon meron pa rin kaya lang napaka liit na at hindi mo na halos makita. Yan ay sa unang linggo pa lang ng paggamit at sa tingin ko ay mas gaganda ang resulta.
Saan ako makakabili ng Selsun Blue?
Sagot:
Sa Essences at Bescost.. sila ay mga tindahan ng PX o imported goods na nakapwesto sa Cash & Carry Buendia branch. Nasa 2nd floor sila.. pwede mo ring itanong sa guwardiya.
Essences
Bescost
Magkano naman ang Selsun Blue?
Sagot:
Kung bibili ka sa US ito ay $8 o kaya P348 ang 325ml pero sa mga tindahan sa Cash & Carry... P550 ang 325ml - hindi na masama di ba.
Paano pumunta sa Cash & Carry Buendia?
Sagot:
Kung galing ka ng South - sumakay ka ng LRT Buendia, bumaba ka sa kanto ng Filmore at Buendia.
Kung galing ka ng North - sumakay sa bus sa Edsa na papuntang Ayala LRT Leveriza, bumaba ka sa kanto ng Filmore at Buendia.
Tingnan ang mapa sa baba.
View Cash & Carry Mall in a larger map
PS... May 2 variants ang Selsun blue na ipinagbibili sa Cash & Carry. Yung 2 in 1 ang binili ko dahil sya ang may selenium disulfide (1%). ☺►
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Availale pa po kaya ito doon?
ReplyDeleteyes sa Bescost nakakuha kahapon wife ko. Php550 yung 325ml
DeleteWala ng Cash & Carry ngayon. Di rin daw nila carry and Selsun Blue nang nagtanong ako last year noong bukas pa sila. Saka delicado bumili sa "bescost" http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=480096 delikado bumili doon.
ReplyDeleteaw! Saan ngaun pwede bumili ng selsun dito sa pinas??
ReplyDelete