Tuesday, March 22, 2011
Digmaan sa Libya
Kailanman walang nananalo sa isang digmaan,
Sa paghaba at pagtagal nito ay dapat iwasan,
Pagmamataas ng ilang lider ay iyon ang dahilan,
Alitan ng mga matatanda mga paslit ang naapektuhan.
Mapayapang Daigdig
Hindi mga baril at armas pandigma
Ang kailangan ng mundo, ayon sa mga bata
Ang aming hinihingi ay makakaing tinapay
Na maaaring hatiin nang pantay-pantay.
Maglaro ng bola, hindi bala,
Masaya ang mundo na walang gulo,
Kung sakaling may pagtatalo,
Huwag daanin sa init ng ulo,
Ugaling iyan ay asal-hayop
Iya’y di gawang makatao.
.
Dinggin ang panawagan ng mga musmos,
Ang tinig ng paslit ay tinig ng langit!
Ang awit nila’y kailan kaya maririnig?
Hatid nito ay balita ng mapayapang daigdig!
Maglaro ng bola, hindi bala,
Masaya ang mundo na walang gulo,
Kung sakaling may pagtatalo,
Huwag daanin sa init ng ulo,
Ugaling iyan ay asal-hayop
Iya’y di gawang makatao..
Dinggin ang panawagan ng mga musmos,
Ang tinig ng paslit ay tinig ng langit!
Ang awit nila’y kailan kaya maririnig?
Hatid nito ay balita ng mapayapang daigdig!
.
Hindi mga baril at armas pandigma
Ang kailangan ng mundo, ayon sa mga bata
Ang aming hinihingi ay makakaing tinapay
Na maaaring hatiin nang pantay-pantay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment