Kalimitan ang salitang "Lutong Macau" ay sinasabi kapag sa isang paligsahan o tagisan ba bago pa man matapos ang laban ay alam na kung sino ang mananalo.. ibig sabihin dinaya o alam na yung resulta. Pero ibang Lutong Macau ito.. ito ay sari saring pagkaing Pilipino na siyempre may impluensiya ng mga Intsik.
Sa halagang P6,500 ay mapapakain mo na ang halos 12 katao hanggang sa sumabog ang kanilang tyan sa kakakain.. kasi naman, sobra sobra sa 12 na katao ang isserve sa inyo. May appetizer.. hmmm... soup... hmmmm sinangag at ang kasama nitong iba't ibang ulam.. tapos may panghimagas din. Yung pagkaka alam ko ay buttomless din ang iced tea dito (wag ka nga lang iinom ng madami para di kaagad mabusog).
Nagustuhan ko dito ang kanilang lechon manok na malasa kahit walang sarsa. At halos karamihang piniling ulam ay seafoods kaya panalo! Healthy kahit kinain mo ay sobrang dami.
Ang mga pagkaing ito ay handa ng isa naming kasama sa trabaho sa kanyang kaarawan. "Sana araw araw ay birthday nya!" :))
No comments:
Post a Comment