Sunday, December 5, 2010

Manila Airport to Hongkong Airport

Nabigyan ako ng pagakakataong makapunta ng Oslo, Norway ngayong linggo... at sa Terminal 1 sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport)ang eroplano ko... Cathay Pacific papuntang Hongkong Airport.

Ang airport sa Manila ay matatagpuan sa boundary ng Pasay at Paranaque City.. tingnan ang mapa sa baba.



View NAIA (Ninoy Aquino Internationa Airport) in a larger map






Ang mahirap lang sa kahit anong airport ay ang paghihintay sa oras ng alis mo. Pwede kang maghintay sa lounge..kaya lang walang libreng wifi access at halo halo na yung tao doon. O kaya naman pwede kang pumunta sa Sampaguita Lounge... may bayad nga lang P400 o $9 US... pero may libreng hot meal.. meryenda na eat all you can... magandang upuan na pwede kang magpahinga.. may TV.. at hindi siksikan ang tao.



Makakarelax ka sa upuan..


May meryenda na kwanto sawa sa kain..


At malinis at maayos ang CR...

Halos 1.5 na oras din ang Manila airport hanggang Hongkong Airport.. ayon sa kalkulasyon ni Google maps ay 1,148.84 km... kung dirediretdo ang lipad ng eroplano.
.. ☺►


View Manila to Hongkong in a larger map

PLDT DSL Speed

Nagpakabit ako ng DSL sa bahay noong nakaraang 6 na buwan... at siyempre PLDT lang ang merong available na DSL line doon. Ayaw ko naman sa DSL wireless ng globe o kaya naman sa Smart Bro.. o kaya PLDT Weroam... pag wireless wala kang maasahang tibay doon.

Eto yung baseline testing ko para sa PLDT Plan 999 at yung resuta ay nasa baba.. 1MB ang download speed... ang upload speed ay kalahati lang..



Tandaan nyo.. hindi 999 pesos ang babayaran nyo.. ang totoo ay 1700 pesos. Nagulat nga ako sa unang billing kasi bakit ganun... Magugulang talaga yung marketing strategies nila.. di sinasabi yung whole picture... para sa akin yan ay pandaraya sa mga customers. Ang half truth ay hindi pa rin truth... eto pa rin ay hindi totoo. Yun pala may additional line charges pa sila kung wala kang telepono... yun ang 700 pesos... na hindi nila sinasabi sa mga nag iinquire o nag aapply sa kanila..kaya suma total P1000 + P700 = P1,700 ang babayaran mo.

Sa akin OK lang basta't maganda ang service... basta't pag may sira ay aayusin agad nila... o kaya naman ay mataas ang up time nila.

Ikukumpara ko lang ang speed ng Internet speed dito sa Oslo... wireless ang gamit ko pero grabe anlupit ng speed.. 5MB download at upload speed...wireless pa yan ha...

Naiisip ko tuloy ang tingnan mo lang yung kalagayan ng speed ng ISP malalaman mo na kung maunlad o mahirap ang isang bansa.
☺►



susunod... Manila Airport to Hongkong Airport

Friday, December 3, 2010

Naruto 519: The Tailed Beast Bomb

Paganda ng paganda ang mga nagyayari sa Naruto..
Grabe ang galing ni Bee... talagang kayang kaya nya ng kontrollin ang jinchuuriki sa loob nya.
Ang kulit ng page 8 at 13... kaya nga gustong gusto ko ang Naruto, mapapahagalpak ka sa katatawa..
☺►

----------
http://naruto-spoilers.blogspot.com
Special thanks to MASASHI KISHIMOTO, Sleepy Fans, Onemanga, Naruto Central (ShiverX, The Special One, Freakout, TheSixthHokage and Numinous), Naruto Fan, Mangahelpers, Keroyon-jima, Cinnamonstars, Ironside, Zetsu-san and all contributors.

















Paskong Pinoy



22 days na lang Pasko na!

Isang pinoy classic na awiting pamasko na naglalarawan ng pagiging maka Diyos ng mga Pilipino. Ang pagsisimba at pananalangin na dapat ay wag nating limutin.. para sa ating sarili.. para sa ating pamilya.. para sa ibang tao... at para sa ating bansa. Dahil kung sa Diyos mo babanggitin kahilingan mo at panalangin... sigurado ito ay Kanyang diringgin. ☺►



Ding dong ding dong ding(background)

Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Maggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Chorus
Ang kampana’y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Ding dong ding dong(background)

**
Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka’t tayo’y may tungkulin sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba

Repeat Chorus
Xylophone playing...

Repeat Chorus and **
Repeat Chorus

Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa... fade

----------
http://www.wheninmanila.com

Thursday, December 2, 2010

PNP Manila VS Kuliglig Drivers

Ganito ang nangyari kahapon sa protest rally sa pagitan ng mga pulis at rallyista sa harap ng city hall ng Maynila. Ito ay nagdulot ng perwisyo sa mga pulis, empleyado, estudyante, driver ng kuliglig, driver ng PUJ, PUB, pribadong sasakyan... sa karamihan.




Ganito dapat ang nangyari kahapon.



Isa na namang kapalpakan ng PNP Manila... nakakastrike 2 na sila.. Ipinapakita lamang dito na kulang na kulang talaga sa tamang training at pagsasanay sa mga ganitong sitwasyon.

Kailan kaya magiging de kalidad ang ating mga kapulisan? Haaaaay...
☺►

Paskong Pinoy


23 days na lang Pasko na!

Kinakanata namin ito habang nangangaroling sa aming kapitbahay nung ako ay bata pa. Gumagawa kami ng marakas na gawa sa mga pinitpit o flat na tansan na ilalagay sa alambreng pabilog... ito ang improvised naming tamburine. Pero kung wala naman ay pwede ng gamitin ang 2 kutsara kasama ng lata ng Bear Brand na gatas bilang maliit na drum. .

Mga 4-6 kaming magkakasamang umiikot sa mga bahay malapit sa amin.. yung iba ay patawad ang sasabihin... minsan naman ay hinabol kami ng aso... yung iba ay pinagsasarahan kami ng pinto.. pero kami ay masayang masaya kung may inaabot sa aming pera o kaya kendi.. kapag nabigyan kami ng P1 ay masayang masaya na kami nun... yung malaking piso pa yun nung araw.. at lalong masaya kung P2 yung ibinibigay sa amin, may kanto pa yung P2 noon.. yung bentesingko at singkwenta sentimos may mabibili ka pa (ngayon wala na) at pagkatapos naming mangaroling ay wala sa P10 ang naipon namin. Hahatiin na namin yun kung ilan kami... ansaya na namin nun! ☺►



Sa Paskong Darating

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Hershey's)
Peras, kastanyas na marami

Coda:
Sa araw ng Pasko
Huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Choc-nut..hehehe)
Peras, kastanyas na marami

(Ulitin ang Coda)

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin

PCSO Grand Lotto 6/55 Results



Grand Lotto 6/55
Draw Date: Wednesday - December 1, 2010
Jackpot: 30,000,000.00
Winning numbers: 33-05-03-40-21-55
Winner(s): 0



Nov 29,2010, Mon, 11-16-42-47-31-37

Nov 26,2010, Sat, 22-55-51-14-54-45

Nov 24,2010, Wed, 04-41-40-55-42-45

Nov 22,2010, Mon, 22-25-17-50-19-37

Nov 20,2010, Sat, 18-17-36-04-40-13

Nov 17,2010, Wed, 53-09-45-24-50-29

Nov 15,2010, Mon, 43-13-29-44-04-20

Nov 13,2010, Sat, 03-31-34-13-48-11

Nov 10,2010, Wed, 04-34-29-35-30-10

Nov 08,2010, Mon, 43-12-14-30-51-46

Nov 06,2010, Sat, 15-38-17-39-11-03

Nov 03,2010, Wed, 43-20-05-37-13-06

Nov 01,2010, Mon, 08-49-29-35-28-45

Oct 30,2010, Sat, 54-02-34-31-42-08 ☺►

Wednesday, December 1, 2010

Walang Nag Claim ng Jackpot sa PCSO Grand Lotto



Paano nga ba kung walang nagclaim sa 741 million na premyo? Anong mangyayari dito?

Sagot:

Mapupunta ito sa charity fund ng PCSO. Ito ay ayon sa provision ng BATAS PAMBANSA BLG. 42 na nakasaad sa baba. Pero nakasaad din dito na dapat ito ay kunin o iclaim mo ang premyo sa loob ng isang taon.
☺►



SEC. 6 Allocation of Net Receipts.

"Prizes not claimed by the public within one year from date of draw shall be considered forfeited, and shall form part of the charity fund for disposition as stated below."

----------
http://www.pcso.gov.ph/

Paskong Pinoy

24 days na lang Pasko na!
Masaya talagang pakinggan ang mga Tagalog na awiting pamasko... masaya ang tempo at ang ganda ng melody. Maaalala mo tuloy ang mga batang nangangaroling tuwing gabi.
☺►



Ang Pasko ay Sumapit
by Levi Celerio

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Kapag Nanalo ako sa PCSO Grand Lotto..



Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa PSCO Grand Lotto ng 741 million?

"Madali lang yan.. eh di bibili ako ng bahay at sasakyan... o kaya naman mag-iinvest ako sa isang negosyo.. o kaya naman baka ihulog ko na lang muna sa bangko.. time deposit ba... o kaya naman magdodonate ako para makatulong sa mahihirap.. o kaya magpapatayo ako ng school para sa mga walang pampaaral..."

Maganda ang mga naiisip mong gagawin... pero tandaan mo bago mo gawin yan, lahat ng media, kapitbahay mo, pedicab driver, o magbabalut ay inaabangan ang taong magcclaim o kukuha ng jackpot price. Kung icclaim mo ito ngayon ay magiging delikado ang buhay mo... Mas maganda na walang makakaalam nito maliban sa sarili mo... para na rin sa seguridad at proteksyon ng pamilya mo.... Grabe talaga! parang di na magiging normal ang buhay mo at ng pamilya mo kapag nanalo ka sa PSCO Grand Lotto.

Sa Antipolo ay may nanalo sa PCSO Super Lotto... kapitbahay ito ng security guard namin sa trabaho...masayang masaya siya at nagpablow out pa sa mga kapitbahay nya. Nakuha nya ang premyo at siyempre sa kagandahang loob ay binigyan nya ang mga kamag-anakan at kaibigan. Pagkalipas ng ilang buwan at pinatay sya mismo ng kamag-anak nya na nainggit sa nangyari sa kanya.

Mas mahalaga ang buhay mo.. pwede mo namang iclaim o kunin ang premyo pagkalipas ng 3 o 6 na buwan... bastat buo pa ang ticket na nasa saiyo..
☺►
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...