Thursday, December 2, 2010

Paskong Pinoy


23 days na lang Pasko na!

Kinakanata namin ito habang nangangaroling sa aming kapitbahay nung ako ay bata pa. Gumagawa kami ng marakas na gawa sa mga pinitpit o flat na tansan na ilalagay sa alambreng pabilog... ito ang improvised naming tamburine. Pero kung wala naman ay pwede ng gamitin ang 2 kutsara kasama ng lata ng Bear Brand na gatas bilang maliit na drum. .

Mga 4-6 kaming magkakasamang umiikot sa mga bahay malapit sa amin.. yung iba ay patawad ang sasabihin... minsan naman ay hinabol kami ng aso... yung iba ay pinagsasarahan kami ng pinto.. pero kami ay masayang masaya kung may inaabot sa aming pera o kaya kendi.. kapag nabigyan kami ng P1 ay masayang masaya na kami nun... yung malaking piso pa yun nung araw.. at lalong masaya kung P2 yung ibinibigay sa amin, may kanto pa yung P2 noon.. yung bentesingko at singkwenta sentimos may mabibili ka pa (ngayon wala na) at pagkatapos naming mangaroling ay wala sa P10 ang naipon namin. Hahatiin na namin yun kung ilan kami... ansaya na namin nun! ☺►



Sa Paskong Darating

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Hershey's)
Peras, kastanyas na marami

Coda:
Sa araw ng Pasko
Huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate (Choc-nut..hehehe)
Peras, kastanyas na marami

(Ulitin ang Coda)

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay mahal sa akin

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...