Friday, December 17, 2010
Meryenda
Mahilig kumain ang mga Pinoy.. almusal sa umaga.. tanghalian.. at hapunan.. tapos may coffee break o meryanda pa tuwing 10AM at 3PM... mahilig talagang kumain.
Kalimitan ang meryenda ko sa Pinas ay bibili ako ng pandesal o monay.. tapos magpprito ako ng 2 itlog (palaman) o kaya naman Cheezwhiz... at tubig o pineapple juice... yung iba nating kababayan ay mainit na kape sa hapon.
Pero dahil malayo yung tindahan o grocery... at napakalamig sa labas para maglakad... pagtitiyagaan na lang kung anong meron ngayong araw.
At ito ang aking nahagilap sa apartment.. wasa na biskwit na may sesame seeds.. strawberry jam... at orange juice.. Ayos na rin yung meryenda.. pagkalipas ng 20 minutes ay hapunan na... ☺►
Maasim yung kanilang orange juice kasi natural eh... di kagaya ng eight o clock o kaya Tang..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment