Simbang gabi.. pero ito talaga ay simbang madaling araw.. Kasama na ito sa buhay ng mga Katolikong Pinoy.. nagsisimula ito ng Dec 16 at nagtatapos sa araw ng Pasko. Ginagawang panata ito ng ibang Pinoy dahil sa paniniwalang matutupad ang iyong kahilingan kung makumpleto mo ang 9 na gabi. Maganda ang layunin kung ganun.. pero sa ngayon naiiba na yung pakay ng iba bakit dumdalo ng simbang gabi.
Ang isa kong kaibigan ay dumadalo ng simbang gabi dahil naghahanap ng makikilalang magandang dalaga..
Ang iba naman ay ginagawang simbang ligawan para sa mga teenager o kabataan.
Ang iba naman ay pinaparada ang kanilang magandang katawan na akala mo ay di pupunta sa simbahan... Susmaryosep!
Ang ibang bata naman ay isinasama lang ng kanilang magulang.. o kaya ng lolo at lola..
Pero anu't ano pa man ang magiging dahilan.. sana para ito sa tunay na may kaarawan.. para sa ating Panginoon at di kanino man.. ☺►
No comments:
Post a Comment