Tuesday, February 22, 2011

Exodus of Workers to Makati


Nahuli ako sa pagpasok ko kanina.. at nakita ko ang libo libong empleyado na naglalakad parang nakapila,
Papunta sa Business District ng Makati.. tila lahat sila ay nagmamadali... Sige bilisan mo pa para di ka mahuli.

Karamihan ay naglalakad na, sa tindi ng traffic usad pagong na mga jeep sa kalsada,
Sabayan pa ng mga dami ng mga truck at pribadong sasakyan,
Ulo mo'y mag iinit sa pasensiya'y mauubusan. ☺►

Monday, February 21, 2011

Bulusan Volcano Nag-aalburuto


www.gmanews.tv

Muling nag-alburuto ang Bulusan Volcano kaninang hapon bandang alas 2.
Nagmistulang snow ang puting alikabok na ikinalat ng bulkang Bulusan.
Para sa mga larawan bisitahin ang link sa baba. ☺►


2 Oras Makalipas ang Ash Fall

Peppered Tenderloin Angus Beef Steak



Kapag ikaw ay naimbitahan,
Na kumain sa isang magarang restaurant,
Aba'y siyempre wag ka ng tumanggi,
Baka hindi na ito maulit muli.

Ang kagandahan kapag ika'y inimbitahan,
Hindi ka na mamromroblema sa malaking babayaran,
Ikaw ang imbitado at ikaw ang dadalo,
Sa magpapakain saiyo ito ay pribilehiyo.

Kami ay kumain sa Chef Jessie na restaurant,
Kapangalan pa ito ng aking tatay na nasa Bulan,
Ito ay sa Amorsolo sa malapit sa Rockwell matatagpuan,
Lugar ng mga prominente at taong mayayaman.

Sige na buksan ang menu ang order ay simulan,
Ay sa sobrang tindi at mahal ang soup ay 3 daan,
Dagdagan mo pa ng juice o panulak na dosientos otsienta,
Sigurado kung ikaw ang magbabayad ay butas ang iyong bulsa.

Dadako na tayo sa appetizer na inihanda,
Maliliit na tinapay na may keso at isda,
Sarisaring dahon ng gulay na iyong makikita,
Sa liit nito at sa mahal sa presyo, ito ay mahal nga.

Pumili ka na ng iyong main course na iyong kakainin,
Isda, manok, o bakang lutuin,
Mga putaheng sosyal na di mo natitikman,
Sa karinderya o kaya sa jolli jeep na nasa tabihan.

Appetizer (Tinapay na may sariwang salmon at cheese) = PHP 320
Soup (Creamy Ratatouille) = PHP 290
Drink (Green Mango shake) = PHP 280
Main Course (Angus Peppered Tendeloin Steak) = PHP 1,600

Total Damage = PHP 2,490.... Aaaaaw! ☺►



Chef Jessie = elegante


Monggo soup with moringa - sa Tagalog Monggo na may Malunggay.. iba talaga ang tawag pag sosyal


Green Mango shake - talaga namang maasim ito pero masarap!




Painting sa banyo ng lalaki..


Makalumang gripo ng lababo..


Appetizer na iba't ibang dahon.. at pipino..


Tenderloin steak, mashed potato, at fresh na gulay.. Hmmm sarap!

Sa uulitin... Burrrp!

Paano pumunta... sundan ang mapa..


View Chef Jessie in a larger map

Wednesday, February 16, 2011

Walang Natira by Gloc 9

Pakinggan ng maigi at unawain ang kanta,
At mayroong katotohanan na makukuha.. ☺►




Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nars dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

lupa kong sinilangan ang pangalan ay Pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauungusan ang batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mabahiran ng chokolate ang matamis na ngiti
ng anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pag nayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugtumin, sasaktan, malalagay sa peligro
uwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ito sa kanila
lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo mututubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna to
basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira ahh

Tuesday, February 15, 2011

Love is like Measles


Love Measles as seen in electron microscope

Ang pag-ibig ayon kay Senadora Miriam ay parang tigdas,
Na kapag tinamaan ka sigurado ay lalagnatin ka ng mataas,
Pero may magandang maidudulot ito saiyo,
Dahil sa susunod ikaw di na tatablan ng tukso.

Marahil true love nga ang kay Senadora Miriam na nahanap,
Pag-ibig na wagas, totoo, at tunay ng paglingap,
Pagmamahal na nagpapatibay sa kanilang pagsasama,
Na kahit ang bibig nya ay walang tigil sa pagratsada. ☺►



www.gmanews.tv

------
wikepedia.org

Monday, February 14, 2011

PCSO Grand Lotto 6/55 Results


Padami na ulit ng padami... ang tumataya sa PCSO Grand Lotto.. jackpot ngayon ay lalo pang lumaki... ☺►

Grand Lotto 6/55
Draw Date: Saturday - February 12, 2011
Jackpot: 77,688,298.00
Winning numbers: 32-26-34-35-43-49
Winner(s): 0


Feb 9,2011, Wed, 24-30-54-16-22-40

Feb 7,2011, Mon, 42-11-47-03-45-22

Feb 5,2011, Sat, 28-53-30-41-09-39

Feb 2,2011, Wed, 18-05-55-38-19-07

Jan 31,2011, Mon, 33-20-30-39-17-50

Jan 29,2011, Sat, 53-24-01-51-44-10

Jan 26,2011, Wed, 21-09-55-12-28-36

Jan 24,2011, Mon, 06-17-41-31-47-29

Jan 22,2011, Sat, 51-38-22-26-07-52

Jan 19,2011, Wed, 06-54-26-04-43-38

Jan 17,2011, Mon, 22-31-10-49-07-39

Jan 15,2011, Sat, 05-51-12-25-54-33

Jan 12,2011, Wed, 14-29-02-49-47-23

Jan 10,2011, Mon, 48-06-46-51-20-08

Jan 8,2011, Sat, 34-04-48-01-16-52

Jan 5,2011, Wed, 48-15-07-46-18-05

Jan 3,2011, Mon, 03-18-41-33-09-47

Jan 1,2011, Sat, Walang bola sa araw na ito.

Dec 29,2010, Wed, 42-24-55-38-47-13

Dec 27,2010, Mon, 52-09-20-01-14-28

Dec 25,2010, Sat, Wala yatang bola ng araw na ito?

Dec 22,2010, Wed, 11-19-40-34-26-18

Dec 20,2010, Mon, 46-02-03-21-50-51

Dec 18,2010, Sat, 45-13-44-25-41-42

Dec 15,2010, Wed, 28-20-18-17-31-16

Dec 13,2010, Mon, 30-37-28-24-23-19

Dec 11,2010, Sat, 50-38-17-11-03-04

Dec 8,2010, Wed, 07-10-26-43-04-31

Dec 6,2010, Mon, 30-28-40-49-07-01

Dec 4,2010, Sat, 38-45-36-13-24-28

Dec 1,2010, Wed, 33-05-03-40-21-55

Nov 29,2010, Mon, 11-16-42-47-31-37

Nov 26,2010, Sat, 22-55-51-14-54-45

Nov 24,2010, Wed, 04-41-40-55-42-45

Nov 22,2010, Mon, 22-25-17-50-19-37

Nov 20,2010, Sat, 18-17-36-04-40-13

Nov 17,2010, Wed, 53-09-45-24-50-29

Nov 15,2010, Mon, 43-13-29-44-04-20

Nov 13,2010, Sat, 03-31-34-13-48-11

Nov 10,2010, Wed, 04-34-29-35-30-10

Nov 08,2010, Mon, 43-12-14-30-51-46

Nov 06,2010, Sat, 15-38-17-39-11-03

Nov 03,2010, Wed, 43-20-05-37-13-06

Nov 01,2010, Mon, 08-49-29-35-28-45

Oct 30,2010, Sat, 54-02-34-31-42-08

Traffic in EDSA

Sa Araw ng mga Puso ay aatakihin ka sa puso,
Kung bakit naman kasi sa Edsa traffic ay usong uso,
Ay kaaga aga sa umaga, halos alas siyete y media,
Tambak na agad ang sasakyan sa kalsada. ☺►



Galing sa Makati..


Papuntang Cubao..

Saturday, February 12, 2011

Naruto 527: Secret Word

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to speak to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you. Do you understand these rights as they have been read to you?"

Ikaw ay may karapatang manahimik..
Anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo..
Yan ang laban ngayon sa bagong character sa Naruto!
Kung di mo kayang kontrollin ang bibig mo,
Sigurado ang punta mo ay sa Crimson gourd ni Ginkaku! ☺►




















Ang laban ni Madara at First Hokage.. galing ng rendition ng kulay..

-----
Miranda warning - http://en.wikipedia.org/wiki/Miranda_warning

Thursday, February 10, 2011

Porque by Maldita

Unang narinig ko ang awiting ito sa bus habang papasok sa trabaho,
Sa sobrang aga kong pumasok ay kalimitan sa bus natutulog ako,
Pero habang tumatakbo ay bus at biglang tinugtog ang awiting ito,
Simula noon ay hinanap ko na kung sino ang artist nito.

Catchy at masaya ang kanilang musika,
Sa lamig ng kanilang boses ay maiinlove ka,
Lalo na sa harmony ng 2 tono at gitara,
Sigurado ito ay patok sa pandinig ng masa.

Para sa updates ng kanilang banda..
Maldita


Keep on making good music.. ☺►


Note: Ito ang original na Porque yung Tagalog version ay hindi pa available.

Porque
by Maldita

Solo solo na mi cuarto
Hinde ta pwede durmi
Vira vira na cabesa
El dolor yo ya cinti

Porque pa contigo yo ya kere?
Como bula lang tu ya perde

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo

Todo todo yo ya dale
Aura ta aripinti
Sobra sobra el duelencia
Tormento para vivi

Porque pa contigo yo ya kere?
Como bula lang tu ya perde

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo.

No tu ditorba y no atraka,
Kay baka palmadja I'o
Kuntigo, nunka asepta,
Itu ay vira, todolor
Ya sinti...

Porque contigo yo ya iskuji?
Aura mi corazon ta sufri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvida yo contigo.

----
lyrics from lyricsmode.com

WHY?

All alone in my room,
I cannot sleep
The pain that I felt
Keeps coming back to my mind

Ref: Why is it you were the one I chose to love?
I lost you like a burst of a bubble.

Cho: Why is it that I chose you?
Now in my heart, I am suffering
I simply ask
You feel and experience what I felt
Asking for a miracle to bring back the past

And make all things right
In my prayers I ask
That I forget you.
I gave you everything

Now I regret it
The pain is so immense that
It is hard to live

(Repeat refrain and chorus)
Bridge:
Do not bother me

Not even to come near me
I might slap you
For the pain that I experienced,
If ever you wish to come back

I can never accept you
Why is it that I chose you?

Now, in my heart I am suffering
I simply ask
You feel and experience what I felt

(Repeat Chorus)
Ooohh..

Why is it that I chose you?
Now in my heart, I am suffering

Wednesday, February 9, 2011

Hammerhead Aquarium Fish

Namatay yung isang isda kong hammerhead sa aquarium isang linggo na ang nakalipas. Hindi ko alam ang dahilan bakit ayaw nya ng lumangoy at nasa flooring na ng aquarium. Ang alam kong maaaring dahilan lang nito ay bago siya namatay ay may inilagay akong 3 bagong isda na mas malalaki sa kanya. Siguro pinagkaisahan siya ng 3 malalaking koi at binugbog muna ng todo hanggang sa humina at hindi na nakayanang lumangoy. O kaya naman na out of place siya kaya mas ginusto na lang na mamatay kaysa makasama ang ibang uri ng isda sa aquarium.... depression nga siguro yung ikinamatay niya... =)

Pero bago ko siya bigyan ng marangal na libing ay kinunan ko muna siya ng litrato para maalala ko pa rin siya. Matagal din kasi ang aming pinagsamahan.. siguro lagpas 6 na buwan. Heto ang kanyang mga huling litrato bago pa man siya mailibing.





Nagbasa basa tuloy ako sa Internet tungkol sa isda kong namatay.
Hindi pala hammerhead ang tunay na pangalan ng isdang ito na binabanggit ng bantay sa tindahan ng petshop malapit sa amin. Ang tunay na pangalan nito ay Pangasius na kabilang sa mga lahi ng hito o catfish. Para sa karagdagang pagbababasa ay buksan ang link mula sa wikipedia.

Pangasius

Pero ang nakatawag sa akin ng pansin.. ang isdang ito pala ay isang export product ng bansang Vietnam sa Japan, China, America, at Europa. Ito ay pumasok na sa top 10 na isdang binibili sa buong mundo. Magandang gawing business dito sa Pilipinas kasi ang klima ng Vietnam ay halos pareho dito sa Pilipinas. Para sa karagdagang kaalaman ang link sa baba. ☺►

Agribusiness ng Pangasius



Yung isda ko kasinliit ng daliri samantalang ito kasinlaki ng katawan ko.


-----
2 pictures from planetcatfish.com & tradenote.net
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...