Wednesday, February 9, 2011

Hammerhead Aquarium Fish

Namatay yung isang isda kong hammerhead sa aquarium isang linggo na ang nakalipas. Hindi ko alam ang dahilan bakit ayaw nya ng lumangoy at nasa flooring na ng aquarium. Ang alam kong maaaring dahilan lang nito ay bago siya namatay ay may inilagay akong 3 bagong isda na mas malalaki sa kanya. Siguro pinagkaisahan siya ng 3 malalaking koi at binugbog muna ng todo hanggang sa humina at hindi na nakayanang lumangoy. O kaya naman na out of place siya kaya mas ginusto na lang na mamatay kaysa makasama ang ibang uri ng isda sa aquarium.... depression nga siguro yung ikinamatay niya... =)

Pero bago ko siya bigyan ng marangal na libing ay kinunan ko muna siya ng litrato para maalala ko pa rin siya. Matagal din kasi ang aming pinagsamahan.. siguro lagpas 6 na buwan. Heto ang kanyang mga huling litrato bago pa man siya mailibing.





Nagbasa basa tuloy ako sa Internet tungkol sa isda kong namatay.
Hindi pala hammerhead ang tunay na pangalan ng isdang ito na binabanggit ng bantay sa tindahan ng petshop malapit sa amin. Ang tunay na pangalan nito ay Pangasius na kabilang sa mga lahi ng hito o catfish. Para sa karagdagang pagbababasa ay buksan ang link mula sa wikipedia.

Pangasius

Pero ang nakatawag sa akin ng pansin.. ang isdang ito pala ay isang export product ng bansang Vietnam sa Japan, China, America, at Europa. Ito ay pumasok na sa top 10 na isdang binibili sa buong mundo. Magandang gawing business dito sa Pilipinas kasi ang klima ng Vietnam ay halos pareho dito sa Pilipinas. Para sa karagdagang kaalaman ang link sa baba. ☺►

Agribusiness ng Pangasius



Yung isda ko kasinliit ng daliri samantalang ito kasinlaki ng katawan ko.


-----
2 pictures from planetcatfish.com & tradenote.net

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...