Thursday, February 3, 2011
Kung Hei Fat Choi 2011
Happy New Year sa mga kababayan nating mga Tsinoy,
Aapaw ngayon sa Binondo ang hopia at tikoy,
Masaya ang kapistahan, makulay at tuloy tuloy,
Sa pagdiriwang ng bagong taon ng Tsinoy.
Nandyan ang paputok, lion dance at dragon dance,
Sa pagpalo ng tambol at cymbals ikaw ay mapapaindak,
Sa kanilang saliw paa mo'y mapapapadyak,
Tunay na ikaw ay hahanga at mapapa palakpak.
Punong puno rin ang mga tindahan ng feng shui,
Sa sobrang dami ng tao'y trapik ayaw ng dumaloy,
Binibili mga pansabit, bracelet, kwintas, pigurin,
Iba't ibang damit, alahas, pagkain at kakanin.
Pero lagi nating tatandaan,
Hawak ng tao ang kanyang suwerte at kamalasan,
Hindi sa mga bagay na suot mo o nakalagay sa bahay mo,
Kundi sa iyong pagtitiyaga, kasipagan, at talino. ☺►
Labels:
Pagdiriwang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment