Tuesday, February 8, 2011
Champorado at Tuyo
Ngayon lang ulit ako nakakain ng champorado at tuyo,
Pagkalipas ng ilang taon mula ng sa probinsiya ay napalayo,
Masarap talagang balikan ang mga pagkain na iyong nakasanayan,
Simula ng ikaw nung ikaw ay bata at ngayon muli mo itong natikman.
Paggawa ng champorado ay madali lang,
Konting oras lang sa pagluluto ang kailangan,
Ihanda mo ang mga sangkap at kalan,
Tayo na ay magsimula at sindihan ang kalan.
Champorado Ingredients (Bicolano Style)
1 cup Malagkit na bigas
4 kutasara Cocoa powder (pwede ang nabibili sa palengke na tingi o kaya Ricoa para mas masarap.
1/2 cup Asukal (mas maganda kung muskubado o brown sugar)
3 cup Tubig
1 cup Gata (ito ang magpapasarap sa Champorado mo)
1 kutasara Condensed milk (pampatamis at dagdag linamnam)
Paraan ng Pagluluto
1. Hugasan ang malakit, ilagay sa kaldero kasama ng 3 cup na tubig at hintaying kumulo.
2. Kapag para na itong lugaw ay haluin at ilagay ang 1 cup na gata. Hintayin hanggang sa maluto ang gata.
3. Ilagay ang cocoa powder sa tasa at lagyan ng mainit na tubig. Ibuhos sa parang lugaw na malagkit. (Kung kulang ang cocoa ay pwedeng dagdagan para hindi kulay maputla =)..)
4. Ilagay ang asukal ng pula at timplahin ayon sa iyong panlasa.
5. Ihain sa malapad na plato para madaling lumamig at lagyan ng gatas... ☺►
Labels:
Pagkain
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment