Tuesday, April 14, 2009

Panatang Makabayan ng mga Pulitiko




Iniibig ko ang Piso
Ito ang aking lupang tinutungtungan
Dito nabubuhay ang aking mga kalahi
Ako'y kanyang kinukopkop at tinutulungan
Upang maging makapangyarihan, maligaya, at
kapakipakinabang sa aking sarili

Bilang ganti ay diringgin ko lang ang aking sarili
Susundin ko ang mga tuntuning aking ginawa
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamayang
gahaman at walang paki alam sa batas
Paglilingkuran ko ang aking sarili ng walang hadlang
at buong katapatan

Sisikapin kong maging isang tunay na tapat sa Piso,
sa isip, sa salita, at sa gawa.

-----
*Ang larawan ay hango sa National Geographic

Wednesday, April 8, 2009

Panatang Makabayan


Ito yung lumang bersiyon ng Panatang Makabayan.... ito ang naabutan ko nung ako ay nag aaral pa sa elementarya sa aming probinsiya... at matagal ko na rin ito di nababasa o nabibigkas man lang...

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukopkop at tinutulungan upang
maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot
at buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Lumipas ang maraming taon... ako ay natapos na sa elementarya at sa high school... pero yun pa rin ang bersiyon ng Panatang Makabayan na naabutan ko. Hindi ko na alam kung anong taon o kung kailan pinalitan ito ng Kawanihan ng Edukasyon dito sa Pilipinas.
At heto ang bagong bersiyon:

Iniibig ko ng Pilipinas, aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukopkop ako tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo ng aking magulang
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.


-----
* bagong bersiyon hango sa:
tambayan.1.forumer.com
kibaka.org

Thursday, April 2, 2009

Lupang Hinirang - Pangalawang Bahagi


Ang una kong natutunan sa paaralan noong ako ay nasa kidergarten ay ang ating Pambansang Awit o ang Lupang Hinirang.

Ito ang inaawit ko pag uwi ko ng bahay... "baayang magiiliw... perlaas silanganan..." Kinakanta ko yun habang patago akong tinatawanan ng mga kasama ko sa bahay. Medyo nabubulol bulol pa kasi... siguro mga 5 taong gulang pa ako noon..

Pati na sa pagtulog ay kinakanta ko pa rin yun... para bukas ay kabisado ko na at maipagyayabang ko sa mga kaklase ko na alam ko na yun... "lupa na araw naluwal hati pagsinta.... buhay ay langit sa piling mo...."

Hindi ko pa alam yung ibig sabihin ng kinakanta ko... pero ipinagmamalaki ko at taas noo kong ginagawa na kumanta habang itinataas ang bandila ng Pilipinas....

Ang kamay ay nasa aking dibdib tanda ng pag-ibig ko sa aking bayan habang kinakanta ko yun.... at nakatindig ng tuwid at tingin sa bandila... "aang mamatay ng dahil saiiiyooo"... tapos na ang pag-awit.

Mayroon pang guro na kumukumpas sa harap para hindi mawala sa ritmo ang mga batang estudyante... ang naalala ko pa noon ay aming principal ang gumagawa ng pagkumpas.... siyempre bigay todo.... na parang pag tinmaan ka sa mukha ay.... papasa ang mukha mo....

Masayang kantahin ang Bayang Magiliw... sabi nga nila....

Pero sa paglaon ng panahon at sa pagdating ng mga bagong henerasyon ay parang wala ng bisa ang mensahe ng awiting ito.... siguro ang huling beses na kinanta ko ito ay sa noong Pasko para sa pagdiriwang ng aming kumpanya.... madalang pa sa pagputi ng uwak na kinakanta ko ito...

Kaya ganun na rin siguro sa ibang tao.... hindi na gaanong pinapahalagahan ang titik at mensahe nito.... masyado ng umikot ang mundo ng tao sa kanyang sarili at nakakalimutan niya na ang tungkulin niya sa kanyang Inang bayan...... ang pagsilbihan ito ng totoo at mahalin ng higit sa kanyang sarili....

Masyado ng abala kung paano mabuhay sa araw araw..... at di na iniisip kung paano makakatulong sa ating bayan.... ang bayan na ipinaglaban ng ating magiting na mga katipunero at bayani.....

Ang bayan ay hindi ang lupang pisikal tinatapakan mo.... kundi ang kapwa mo Pilipino.... na sa bawat araw ay nakakasalamuha mo.... mga kapwa mo Pilipino na nanganagilangan ng makaka usap.... kailangan ng kadamay...
mga batang walang magulang nangangailangan ng pagkalinga at haplos ng pagmamahal mo.... mga kabataan na naghahanap ng taong mag iimpluensiya sa kanila sa tamang pananaw at pamumuhay....

Nasaan na kaya ang diwa ng Lupang Hinirang..... siguro unti unti ng kumukupas sa paglipas ng panahon....

Sana huwag naman itong tuluyang maglaho......

.... kailangan mo itong buhayin muli.... tumulong ka sa bayan sa munti mong paraan....

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

_____
* Ang larawan ay hango sa metromanila.wordpress.com

"Hindi ko personal na kilala ang mga batang ito pero natutuwa ako na makita sila..."

Wednesday, April 1, 2009

Lupang Hinirang

ni Julian Felipe


Bayang magiliw



Perlas ng Silanganan







Alab ng puso,
Sa Dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,



Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.





Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw







May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal




Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,








Ang bituin at araw niya,
Kailang pa ma'y 'di magdidilim.






Lapa ng araw ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,



Aming ligaya ng pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa 'yo.



-----
*Ang mga larawan ay galing sa mga sumusunod:
history.army.mil
plfcf.org
farm2.static.flickr.com
lawrenceofcyberia.blogs.com
topnews.in
kevblog.co.uk
my_sarisari_store.typepad.com

"Salamat na marami"



Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...