Wednesday, June 8, 2011

Daytime Sleepiness



Minsan di ko maiwasan na antukin habang nagtratrabaho sa umaga.. lalo na pagkatapos ng tanghalian.

Anu ano ang maaaring mga dahilan bakit ito nangyayari sa akin?

1. Kulang sa tulog kagabi.

Nanood ka ng paborito mong palabas sa TV kagabi.. o kaya naman nakipagchat sa Facebook.. o kaya nag-update ng profile o pictures sa Facebook.. o kaya nanood ka ng bagong palabas sa sine na pirated pa... at inabot ka ng 12MN bago ka matulog. Eh kailangan mong gumising ng 5:30AM para di ka mattraffic. Halos 5.5 hrs lang ang tulog mo.. kaya malamya ka at aantok antok pagdating sa trabaho.

2. May sipon o sakit.

Mahirap matulog ng may nararamdaman kang di normal sa katawan mo. Hindi malalim ang tulog kahit 8 oras ang tulog mo. May mga pagkakataon na magigising ka at putol putol ang tulog mo.

3. Ikaw ay di gaanong gumagalaw.

May mga trabaho na halos nakaupo maghapon at di gaanong gumagalaw ang katawan. Gumagawa ng reports o taga sulat ng reports sa computer. Di man lang dumadaloy ang dugo sa katawan mo. Hindi kagaya ng construction worker na halos gamit lahat na parte ng katawan.

4. Busog pagkatapos ng tanghalian.

Pagkatapos mong kumain ng tanghalian ay siguradong aantukin ka. Ang dahilan nito ay tumataas ang sugar levels sa iyong dugo na nagiging dahilan para magkaroon ng iba't ibang reaksiyon sa katawan mo.... at isa dito ay aantukin ka.

5. Ayaw mo sa trabaho mo.

Kaya ka inaantok kasi ayaw mo sa trabahong ginagawa mo.. in short boring ito para sa iyo.

Gumawa ka ng paraan para di ka antukin sa iyong trabaho. Isipin mo na ang bawat sandali.. o bawat minuto.. o bawat oras ay mahalaga.. wag mo itong sayangin kasi di mo ito maibabalik pa.. ☺►

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...