Tuesday, June 7, 2011
NAIA Terminal 2 - Umbrellas Not Allowed in Check-in Luggage
Nakapila ako sa mahabang linya ng mga taong dumadaan sa security inspection para sa domestic flight papuntang Legazpi, Albay. Medyo mahaba ang pila... sabi ko sa sarili ko.. "OK lang, pauwi na din naman ako.. di naman siguro magsasara ang boarding gate ng 5:45AM." kasi 6AM ang flight ko.... eh halos 5:30AM na at nakapila pa rin ako.
Hinubad ko ang aking sapatos.. siyempre di na ang medyas, baka kasi makita nila ang malupit kong kuko o kaya ang patay na kuko sa paa.. o kaya ang aking alipunga na super kati.. imahinasyon ko lang yun.
Una, napansin ay walang lalagyan ng gamit sa conveyor.. halo halo ang gamit ng mga nakapila. Buti na lang may lalagyan ako ng aking mga gamit.. ang recyclable bag. Doon ko inilagay ang cellphone ko, mga susi, belt, at mga barya.
Pangalawa, nagtataka lang ako bakit nakalusot yung isang bote ng tubig sa recyclable bag ko.. di na rin pinalabas sa akin ang laptop ko na nakalagay sa backpack ko.. Samantalang sa HongKong airport ay bawal na bawal ang tubig o liquids na higit sa 100ml.
Pangatlo, lahat ng electronic items ay dapat ilabas at ilagay sa hiwalay na lalagyan.
Bigla akong tinawag ng lalaking security officer, "Sir hindi po pwede ang payong sa check-in na bagahe.." Dahil sa gulat ko, sabi "Ano! Bakit hindi pwede?"... "Bawal talaga ang payong sa check-in na bagahe."
"Sir, regalo pa kasi ito ng nanay ko sa akin eh.. baka pwede ng isama sa check-in to?" "Kung gusto nyo sir pwede nyong icheck-in ang backpack nyo." "Di pwede kasi nandito ang laptop ko e."
No choice ako kundi ilagay siya sa lalagyan ng mga nakumpiskang mga payong.. "Sir baka pwede ko itong balikan, sayang kasi eh.. regalo pa po ito ng nanay ko e.." "Sir kapag nakumpiska na po namin di na pwedeng kunin ng may-ari kasi sa amin na yun eh."
Sa isipan ko, parang sumisigaw at nagrereklamo.. "Grabe naman itong standards ng NAIA terminal 2... bawal ang payong eh samatalang yung payong na dala ko ay dumaan na sa NAIA Terminal 1, Hongkong International Airport, at SCHIPOL airport sa Amsterdam na napakahigpit pagdating sa security inspection.. di naman sa kanila bawal dalhin sa checkin ang payong... Arrrrghhh!!
Pero sinabi ko sa aking sarili, "Hep hep hep! Policy nila yan kaya kailangang sundin.. kahit pa sumama ang loob mo sa kanila."
Kawawang payong.. natigok sa kamay ng security officer sa NAIA terminal 2.
Alternatibo na pwede sanang gawin ko.. kaya nagmamadali na kasi ako eh.
-Icheck-in ang payong mag-isa, lalagyan naman kasi ng sticker yun eh kaya di mawawala. ☺►
Labels:
Lugar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment