Saturday, November 20, 2010

Pera


Naghanap ako ng bag na may peso sign... mahirap palang hanapin..

"Ang perang madaling makuha ay madali ring mawawala."

Friday, November 19, 2010

Basic Safety Training - Enrollment


Your training edge for Global Competitiveness.

FEMFI in short para sa Far East Maritime Foundation, Inc. Isang training center para sa mga marino o sa mga gustong magtrabaho sa barko (housekeeping, waiter, musikero, cook, atbp). Dito ako kumuha ng BST o Basic Safety Training Course. Paano nga ba makapag enroll?

1. Punta ka sa 9th floor ng Victoria Building along UN Avenue.

2. Tapos sa lobby ng FEMFI ay kumuha ka ng numero at enrollment form. Lagyan mo ito ng mga impormasyon tungkol sa iyo at maghintay ka na tawagin ang numero mo. Pwede kang manood dun sa TV nilang malaki habang naghihintay... maganda ang palabas nun, compilation ng laban ni Pacquiao. Tsaka para di mo maramdaman.. lumipas na pala ang oras.

3. Kapag tinawag na ang numero ay ibigay ang form na kumpleto sa impormasyon... pasensya na masyadong hitech dito kaya mano mano - tapos magbayad ka ng P5,700 sa cashier.

4. Bibigyan ka ng Registration Form na kulay blue.

5. Magpakuha ka ng litrato para sa certificate at P100 ang bayad nun. Susuot ka ng puting polo na ilang linggo ng hindi nalalabahan.

6. May long sleeves na may logo ng FEMFI na bibilhin kasama ang gloves para sa practicum - damage P135.

O ayan enrolled ka na para sa Basic Safety Training course.

Magpapamedical ka nga rin pala para sa practicum sa Cavite. Pwede kang kumuha sa harap kay Dr. Tiongloc - damage P200.


Summary of Damages ng Basic Safety Training.

Tuition fee = P5,700 *
Digital Picture = P 100
Long sleeves + gloves = P 135
Medical Certificate = P 200
-------
Total P6,135

*Pwede itong 2 gives.

susunod.. Basic Safety Training course outline.. ☺►

Thursday, November 18, 2010

Basic Safety Training



"Basic Safety Training mahirap yatang tagalugin ito.. Pagsasanay para sa Pangunahing Pangkaligtasan... pwede"

Yun ang kinuha kong training o pagsasanay noong nakaraang buwan..

Pinatawag ako ng boss ko at sinabing "Kukuha ka ng Basic Safety Training.. kailangan kasi yun sa pagkuha mo ng Seaman's book." "OK Sir." Kaya binigyan ako ng schedule at kung paano pupunta sa Far East Maritime Foundation, Inc. kung saan gagawin ang training. Madali lang pumunta doon pero siyempre di ako nagresearch bago pumunta doon kaya medyo naligaw ako ng konti.. lagpas ng ilang metro lang naman. Heto ang kanilang website:

http://www.fareastmaritime.com/

Kung galing ka ng South Luzon - sumakay ka ng bus papuntang Lawton at bumaba ka sa UN avenue. Maglalakad ka ng mga 10 minutes para makarating sa Victoria Building.. hindi Victoria motel.

Kung galing ka sa North Luzon - sumakay ka ng bus papuntang Cubao. Pagdating mo ng Cubao ay mag MRT ka papuntang MRT Taft station. Lumipat ka sa EDSA LRT papuntang LRT UN Avenue station. At maglalakad ka ng mga 10 minutes para makarating sa Victoria Building.. hindi Victoria motel.

Pero kung taga Metro Manila ka at hindi mo ito kayang mapuntahan.. kailangan mo munang bumalik sa Elementary para matutunan ang Basic directions.. biro lang.

Heto ang mapa para di kayo mahirapang maghanap.


View Far East Maritime Foundation, Inc in a larger map


susunod.. Basic Safety Training - Enrollment ☺►


--------------------
http://www.northeastmaritime.com/maritime/stcw-basic-safety-training/

PCSO Grand Lotto 6/55 Results




Grand Lotto 6/55
Draw Date: Wednesday - November 17,2010
Jackpot: 495,597,376.80
Winning numbers: 53-09-45-24-50-29
Winner(s): 0


Naglalakad ako papuntang terminal ng pedicab sa amin.. Sabi ko "Sakay po Manong".. aba'y hindi yata ako narinig.. "Manong sakay po!.." Kaya pala, abalang tinitingnan ang kanyang lotto ticket.

"Haaay wala pa ring nanalo ng Jackpot price.." "Sayang number 24 lang ang nakuha ko.. Lintek na yan!" sabay padyak sa kanyang pedicab.

Yan ang ng ilan sa mga Pilipino... umaasa sa suwerte dala ng sugal.

"O taya ulit para sa bola sa Sabado!" ☺►

Tuesday, November 16, 2010

Nanalo ako sa Lotto!



"Panalo ako! Panalo ako!" yan ang sigaw ko sa loob loob ko pagkatapos hugutin at basahin ang huling number sa tambiyolo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan at kagalakan na parang naiiyak at tuwang tuwa sa napanalunan ko kahapon. Matagal na hindi ito napapanalunan at ito ay umabot na sa P456,404,688.00 simula pa noong May 15, 2010.

Inisip ko kaagad na "Andaming pera nun! Paano ko kaya gagastusin yun? Wala pa naman akong kasama sa bahay kaya bigla kinabahan kung may iba na makaka alam. Tapos biglang may narinig akong ingay sa labas ng aming gate.. parang ingay ng maraming tao.. kumakahol na yung aso namin..

"Aaaw aaaw awww" palakas ng palakas at kinakabahan na ako.. hanggang sa sobrang takot ko ay nagising ako sa ingay ng aso namin sa labas... "Pambihira!" ..sa sobrang kakaisip ko na manalo ako sa lotto ay parang totoo na ito sa panaginip ko.

Madali lang namang tumaya sa PCSO Grand Lotto. Nagkalat sa bawat kanto ang kanilang outlet.

Lotto outlet sa MRT station.

1. Kukuha ka ng form na tayaan nila.



2. Tapos guguhitan mo ng patayo ang anim na numerong pinili mo. Dahil ito ay Grand Lotto 6/55 pipili ka ng anim na numero simula 1 hanggang 55 pero di na pwedeng ulitin ang numero sa isang taya o set. Halimbawa... 3, 29, 35, 30, 34, 10. Hindi pwedeng may madoble na numero kagaya ng 3, 29, 24, 3, 1, 35 kasi mag eerror ang computer. Hindi ring pwedeng sumobra sa 6 na numero ang pipiliin mo. Pwede mo ring piliin yung LP(Lucky pick) na ang ibig sabihin ang computer na ang magbibigay ng numero para sa iyo. Pwede kang magkaroon ng 4 taya sa bawat ticket.




3. Ibigay ang form at ang bayad mo sa nagbabantay. Dahil ito ay Grand lotto P20 kada taya.

4. Magkakaroon ka ng lotto ticket at yung petsa ng bola nito.

5. Ito ay itago mo at huwag tupiin. Ito rin ang magsisilbing claim stub mo kung sakaling manalo ka.



Tapos ang gawin mo ay magdasal ng mataimtim ka sa Quiapo sa Biyernes.. dalhin mo ang ticket at patakan mo ito ng holy water baka sakaling madagdagan ang iyong suwerte. O kaya naman ipahid mo ang gilid nito sa bawat santo na nandoon.. para mas maraming suwerte ang makuha mo.

Pero sa totoong buhay... ano kaya ang tsansa kong manalo sa PCSO Grand Lotto kung ako ay may isang taya? itutuloy.... ☺ ►

Paano ako Mananalo sa Lotto?

Monday, November 15, 2010

Pacquiao: Bayani ng mga Pilipino


Antonio "Maga" Margarito

Napakagaling ng ipinakita ni Manny "Pacman" Pacquiao kahapon sa laban ng boxing nila ni Antonio Margarito sa Cowboys Stadium sa Texas. Si Manny ay boksingero na may talino, diskarte, lakas ng resistensya, lakas ng loob at walang hangin sa ulo kagaya ni Floyd Mayweather Jr.

Di mo na makilala si Antonio Margarito pagkatapos ng laban dahil namaga na ang mukha nito sa lakas ng mga suntok na pinakawalan ni Manny. Walang nagawa ang yabang ni Margarito at ang trainer nitong si Garcia laban sa sobrang bilis at malakas na suntok ni Manny.

Nagkaisa muli ang mga Pilipino sa pagsuporta at pananalangin para manalo si Pacquiao. Nandoon ang sabay sabay na sigawan nakikipagbakbakan si Manny at ang malakas na sigawan, palakpakan at talunan ng matapos ang laban.

Isa na namang malaking tagumpay para sa Team Pacquiao! at para sa mga Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!!




http://en.wikipedia.org/wiki/Manny_Pacquiao

Thursday, November 11, 2010

Paano manalo sa Grand Lotto?



Grand Lotto
04 - 34 - 29 - 35 - 30 - 10
PHP 383,405,234.40 (0 WINNER/S)
Draw Date: Wednesday, November 10, 2010


The Grand Lotto Draws can be seen every Monday, Wednesday and Saturday at 9:00 p.m. over NBN 4 together with your other favorite Lotto games.


Simple lang naman... kailangan ang 6 na numerong tinayaan mo ay kagaya ng numerong lumabas sa bola ng PCSO para sa Grand Lotto. Jackpot ka sa daang milyong premyo. Kapag limang numero ang tumama sa iyo.. P150,000, apat na numero P2,000, tatlong numero.. P150.

Ano ba ang tsansa mong manalo ng jackpot prize kung ikaw ay may isang taya?
Ilang kumbinasyon ba ang meron sa 6 na numerong pipiliin mo mula 1 - 55 sa kahit anong pagkakaayos?

Ang formula nito ay nakabase na Combination. n_C_k = n!/k!(n-k)! Ipapaliwanag ko ito:

Ang n ay kung ilang numero o bola... halimbawa ay 55.

Ang k naman ay bilang o dami kung ilang numero ang bubunutin... halimbawa ay 6.

Ang C naman ay nangangahulugan ng Combination o kumbinasyon.

Ang ! ay hindi ibig sabihin ay nagagalit o naiiinis.. sa mathematics ito ay tinatawag na factorial.. halimbawa 3! = 3x2x1 = 6

Kaya kung gagawin natin ang formula 55_C_6 = 55!/(6!)(55-6)! = Naku hindi yata kakasya kung isusulat ko lahat ng numero.

Padadaliin natin... 55_C_6 = 20,872,566,000/720

Ito ay may 28,989,675 o halos 29 milyong kumbinasyon.
At kung gusto mong magkaroon ng 50% na tsansang manalo ay babayaran mo ang 14.5 milyong ticket o magbabayad ka ng P290M.

At kung pagpapatong patungin ang bawat ticket ay magkakaroon ito ng taas na 29 na metro o kasing taas ng 10 palapag na building. O kaya naman kung ililinya mo ang bawat ticket (8cm ang haba) na magkakasunod ay aabot ito ng 1,160,000 meters o 1,160km.... ang layo nun!

Ano tataya ka pa ba sa Grand Lotto?

"Siyempre naman!.. sayang din yung P350 million malay mo baka makatsamba. Eh di instant na milyonaryo ka!" ☺■

Nanalo ako sa Lotto!

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho





-------
http://mathforum.org/dr.math/faq/faq.prob.world.html
http://www.philippinecountry.com/PCSO_lotto.html

Wednesday, November 10, 2010

National Library

"Wala ng available na slot sa pang umaga, kaya sa hapon na lang pwedeng mag enroll" yan ang sinabi sa akin ng Registrar sa isang training center na malapit sa Kalaw Avenue. Tiningnan ko yung orasan.. "Aba.. halos alas 10 pa lang ng umaga.. eh yung pasok ko ay alas 2 pa ng hapon.." "Ah alam ko na.. tatambay na lang ako sa National Library.." At ganun nga ang nagyari.

Naglakad at tumawid sa busy na kalsada ng Kalaw.. Nasa tabi lang pala ng National Library ang National Historical Institute... sila ang laging laman ng balita pagkatapos ng laban ni Pacquiao.. he he he alam mo na.. sinasabi nila na mali ang pagkaka awit ng Lupang Hinirang.. pero wala namang napaparusahan o nagmumulta.

Pagpasok ko sa pinto ng library ay may mga sekyu na tumitingin ng gamit. At nagtanong siya.. "Researcher po?.." "Opo.. " sabay pasok agad sa loob.

Ganun pa rin ang ayos ng reference section.. may konti lang na nabago. Ang napansin ko ay may mga computer na ngayon na pwede kang maghanap ng libro gamit ang title card, author card, at paksa ng hinahanap mo.

Madami ngayon ang mga estudyante.. Lunes kasi at halos patapos na rin ang semester.. maraming projects na kailangang tapusin. Umupo na lang ako sa isang tabi kasi di ako pwede sa reference section dahil wala akong library card.

Kumuha ako ng larawan o picture ng National Library pero konti lang ang mga ito kasi ang alam ko ay bawal kumuha ng picture ng walang pahintulot..

Maraming alaala ang bumalik sa akin sa pagpasok kong muli sa National Library. Yun ay sa panahon na ako ay nasa kolehiyo pa na malapit sa Intramuros..

May mga pagbabago na ring nangyari simula nung huli kong punta dito... siguro halos 8 taon na yung nakalipas.. pero ito ay parang kahapon lang.

Sa canteen na rin ako kumain ng tanghalian pero bago ako kumain ay nag ikot ikot muna.. Ang National Library luma na pati ang mga gamit dito.. at ang nakakuha ng pansin sa akin ay ang 2 piano na pinaglumaan na ng panahon.. antique na ang mga ito. Di ko nga alam kung pwede pa itong tugtugin.. sa tingin ko di na siguro.

Ano sa tingin mo?


EDSA - Efifanio Delos Santos Auditorium



Lumang Piano No. 1 - Ilang taon na kaya ito dito?



Stair case na kakaiba kasi mataas ang 1st at 2nd floor.



Lumang Piano No. 2 - Bawal manigarilyo habang nagpipiano?
Malapit sa Exit na walang labasan..

Kultura
Awit
Laro
Laruan
Lugar
Pagkain
Prutas
Trabaho

Thursday, October 28, 2010

Pagmumurang Pinoy Style $#@!%



"Putang ina kang bata ka! Halika dito!" sigaw ng nanay sa anak nyang 4 na
taong gulang. Yan ang narinig ko habang naglalakad sa isang eskinita sa isang squatters area.

May mga naglalarong bata ng text (yung maliliit na baraha), edad 5-8.. "putang ina.. talo na naman ako!" Sa palengke.. sa pilahan ng tricycle.. sa basketball court.. sa jeep.. sa kalsada.. sa mall.. halos ito na yung bukambibig ng iba nating mga kababayan. Naging normal na ito o kasama sa kutura, kasama sa pang araw araw na buhay ng mga Pilipino.

May iba ngang mga pamilya na halos murahan ang almusal.. ganun din ang tanghalian at hapunan. Kapag medyo sosyal ka, siyempre sosyal din ang pagmumura mo.. sa banyagang pananalita mo ito binibigkas.. "Shit!" "Fuck you!" Ang iba any ang bunganga ay namumulaklak na sa mura. Na kahit anong klase ng kanyang mood ay nagmumura.. Masaya siya - "Putang ina!... ha ha ha ha"... Nagugulat - "Putang ina!..." Nalulungkot - "Putang ina.. bakit nangyari ito sa akin?"... Kapag lasing na - "Phuthaang inha.. sighee inom pa tayo.."

Nilikom ko ang iba't ibang mura na aking naririnig sa iba't ibang tao, lugar, panahon, at pangyayari.

1. Putang ina
2. Puta
3. Tanga
4. Gago
5. Punyeta
6. Hayop
7. Demonyo
8. Lintek
9. Tarantado
10. Walanghiya
11. Animal
12. Iho de puta
13. Fuck you
14. Shit
15. Bull shit
16. Damn it
17. at marami pang iba... baka may alam ka pa..

Anuman ang klase ng pagmumura ang binabanggit mo, ito ay nagpapakita lamang ng nilalaman ng puso ng isang tao. Mas pipiliin ko na lang na sabihin ang mga salitang magbibigay ng kasiyahan o makakabuo ng samahan kaysa sa magmura ng walang pakundangan.

--Kultura ng Pinoy

Thursday, October 21, 2010

Time is Gold


Clowns in the dining area

Almost 1 month since my last blog and time flies so fast that I was left out.
We all have 24 hours a day yet some people would say "I have no time.." ironic!

Time is precious and important that you cannot buy it back... you cannot even buy
time to extend your day..

Time is life.. if you have time that means you are still living.. and if you have
life you have the liberty to do things that will make you happy or sad.

"The time to be happy is now
The place to be happy is here
And the way to be happy is to make someone happy
And to have a little heaven right here.."

Time is money... and money is what everyone wants..
If you have time you will have the ability to invest and earn money.

Your character will determine how you manage your time.

"Time is like a penny.. you can only spend it once,
So spend it wisely.."
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...