Thursday, January 13, 2011

Naruto 523: The Legendary Seven Swordsmen!

Sa wakas ay lumabas na rin yung episode na ito.. matagal tagal din bago nasundan...

Ang kilala ko lang dito ay si Zabuza na nakalaban nina Kakashi, Naruto, Sasuke, at Sakura noong sila ay bata pa. Sadyang napakamalikhain at henyo sa sining ng Manga si Masashi Kishimoto..☺►



Pitong swordsmen
1. Zabuza Momochi - gamit ang Sever sword
2. Ringo Ameyuri - gamit ang Bolt sword
3. Kuriarare Kushimaru - gamit ang Long sword
4. Hohzuki Mangetsu - kapatid ni Suigetsu na kasama ni Sasuke sa Team Falcon..
5. Munasi Jinpachi - gamit ang Blast sword
6. Suikazan Fuguki - siya ang gumagamit ng Samehada o Great sword
7. Akibino Jinin - gamit ang Blunt sword


Seven swords
Sever-Great-Long-Blunt-Blast-Bolt-Twin
Ang tanong sino ang gumagamit ng Twin sword?

















Mauulit kaya yung nangyari dati?

Wednesday, January 12, 2011

1/11/11 - January 11, 2011



Kahapon ay pumalo ang petsa ng 1/11/11 o 1.11.11.... di ko alam kung may significance yun sa mga numerologist. Pero ang alam ko, pasalamat ako at inabot ko pa ang petsang yun kahapon. Sana maabutan ko pa yung mga susunod pang petsa kagaya ng:

2.22.22 - February 22, 2022
3.3.33 - March 3, 2033
4.4.44 - April 4, 2044
5.5.55 - May 5, 2055, Senior Citizen na ako kung aabutin ko pa ang petsa na ito.. siyempre maeenjoy ko na ang 20% discount.

Mga nangyari kahapon.. 1.11.11
1. Matraffic pa rin sa Edsa lalo na pag uwian na (mula 5PM - 7PM).

2. May nagutom na humigit kumulang 3.4 milyong Pilipino.

3. Madami pa rin ang Pilipinong walang makuhang trabaho.

4. 500,000 ang sumakay sa MRT.

5. Mahigit 100 ang sanggol na ipinanganak sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

7. Marami pa rin ang tumataya sa jueteng at lotto sa pag-aakalang mananalo.

8. Milyong milyong buwis ang pumapasok sa gobyerno.. ilan kaya ang napupunta sa serbisyo para sa mga tao?

9. Marami pa rin ang tumambay imbes na magtrabaho (maglinis ng paligid o kaya magtanim ng gulay sa paligid).

10. Nadagdagan naman ang miyembro ng samahang magkakariton ng Pilipinas.

Isang araw na kagaya pa rin ng ibang araw na dumaan.. ☺►

Kim Komenich returns to Philippines



Pagkalipas ng ilang dekada ay bumalik muli si Kim Komenich sa Pilipinas.

Ngayon ko lang nabasa ang kanyang profile bilang isang photo journalist. Hindi ko siya kilala noon pero nakikita ko na ang kanyang mga litrato o kuha ng kanyang lente na karamihan ay black & white pa... film pa ang gamit nya noon.. hindi kagaya ngayon na digital SLR na ang gamit. Siya ay isang batikang photo journalist na kumukuha ng larawan ng makulay na pulitika sa panahon na ang Pilipinas ay pinamumunuan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matapang.. walang takot.. at ipinapakita nya ang tunay na larawan ng kaganapan.

At pagkalipas ng 25 na taon ay bumalik sya sa Pilipinas para hanapin ang mga mukha na nasa kanyang larawan at magkaroon ng documentary kung ano na ang nangyari sa kanila pagkalipas ng 25 taon.

Matatagpuan ang larawan na kuha ng kanyang lente sa website na ito http://www.kimkom.com

At sa kanyang kahusayan ay ginawaran siya ng parangal ng Pulitzer Price ng taong 1987 para sa Spot News Photography.

Isang magandang inspirasyon para sa mga kabataan ngayon.. ☺►

Monday, January 10, 2011

Horse Ranch sa Festival Mall


Yan si Zebra.. isa sa mga kabayo sa rancho festival..

Papunta talaga akong bangko para magpapalit ng natirang allowance ko...allowance yun ng pumunta kami ng ibang bansa.. siyempre dollar yun.. maganda ang palitan ngayon tumaas ng konti.

Habang naglalakad ako pauwi nakita ko ang rancho ng mga kabayo sa bakanteng espasyo... Masayang naghahabulan ang mga bata at tsikiting habang nakasakay sa kanya kanyang kabayo.. Sige... hiyaah tigi dig tigi dig tigi dig.. siyempre wala ng ganung tunog kasi may mga gulong ang apat na paa ng kabayo. Kailangang yukyukan ng mga bata ang kabayo na parang tunay na kabayo para gumalawang mga ito.

Ayos din yung nakaisip nito para maging laruan ng mga bata... pero laging paalala sa mga magulang nila.. 5 years old below ay kailangan pa rin ng assistance ng kanilang papa o mama..

Maligayang paglalaro! ☺►



Naunahan ko na kayo.. habol..


Bilis nandyan na ako!..


Sa sobrang bilis ng kabayo nagblur na ang kuha ko..



O ano pagod na yata ang kabayo nyo ah..

Sunday, January 9, 2011

PCSO Grand Lotto 6/55 Results



Haay may nanalo na kaagad.. di man lang lumaki ang jackpot price ay nakukuha na agad... ☺►


Grand Lotto 6/55
Draw Date: Saturday - January 8, 2011
Jackpot: 30,000,000.00
Winning numbers: 34-04-48-01-16-52
Winner(s): 0


Jan 5,2011, Wed, 48-15-07-46-18-05

Jan 3,2011, Mon, 03-18-41-33-09-47

Jan 1,2011, Sat, Walang bola sa araw na ito.

Dec 29,2010, Wed, 42-24-55-38-47-13

Dec 27,2010, Mon, 52-09-20-01-14-28

Dec 25,2010, Sat, Wala yatang bola ng araw na ito?

Dec 22,2010, Wed, 11-19-40-34-26-18

Dec 20,2010, Mon, 46-02-03-21-50-51

Dec 18,2010, Sat, 45-13-44-25-41-42

Dec 15,2010, Wed, 28-20-18-17-31-16

Dec 13,2010, Mon, 30-37-28-24-23-19

Dec 11,2010, Sat, 50-38-17-11-03-04

Dec 8,2010, Wed, 07-10-26-43-04-31

Dec 6,2010, Mon, 30-28-40-49-07-01

Dec 4,2010, Sat, 38-45-36-13-24-28

Dec 1,2010, Wed, 33-05-03-40-21-55

Nov 29,2010, Mon, 11-16-42-47-31-37

Nov 26,2010, Sat, 22-55-51-14-54-45

Nov 24,2010, Wed, 04-41-40-55-42-45

Nov 22,2010, Mon, 22-25-17-50-19-37

Nov 20,2010, Sat, 18-17-36-04-40-13

Nov 17,2010, Wed, 53-09-45-24-50-29

Nov 15,2010, Mon, 43-13-29-44-04-20

Nov 13,2010, Sat, 03-31-34-13-48-11

Nov 10,2010, Wed, 04-34-29-35-30-10

Nov 08,2010, Mon, 43-12-14-30-51-46

Nov 06,2010, Sat, 15-38-17-39-11-03

Nov 03,2010, Wed, 43-20-05-37-13-06

Nov 01,2010, Mon, 08-49-29-35-28-45

Oct 30,2010, Sat, 54-02-34-31-42-08

Friday, January 7, 2011

Mamihan sa Festival Mall

Mami noodles.. yan ang masarap kainin ngayong malamig ang panahon. Mainit na sabaw na galing sa pinakuluang buto buto.. na umuusok pa habang inihahain sa iyo. Talagang malasang sabaw na may tinadtad na dahon ng sibuyas, pritong bawang, paminta para maanghang at iba pang sahog.. tapos may patis o asin kang panimpla ayon sa iyong panlasa...sarap!





Beef mami ang aming inorder sa isang Mongolian restaurant.. ito ay sa kabutihang loob ng aking nanay..

Maganda ang lugar.. maayos at magalang ang mga empleyado.. medyo matagal nga lang ng konti kumpara kina Jolibee at McDo.. siyempre fast food yung mga yun eh. Ang kagandahan lang ay totoong pagkain ang kakainin mo.. healthy, di kagaya ng fast food na puro mantika at junk food. Yun ang dahilan bakit madaming matataba o obese dito sa Pinas.

Enjoy your meal!


Sunod kong hahanapin ay ang Maming Gala.. yung nasa padyak na nagtitinda ng mami.. ☺►


Maganda yung lugar..


Tsaka di ganun kadami ang tao..


Pwede kang pumili dito tapos iluluto nila..


Beef Teriyaki..

Thursday, January 6, 2011

Biscuit ng Pinoy

Noong bata pa ako ay palagiang may dalang lata ng biskwit ang mga taga amin na umuuwi galing sa Maynila. Bakit nga ba yun kalimitan ang pasalubong pag galing ka ng Maynila?



Eto ang mga naiisip kong dahilan bakit:

1. Mura. Sa halagang P100 noon ay may 1 lata ka na ng biskwit.

2. Madami ang laman. Kanina ay may nagbigay ng isang latang biskwit (nasa plastic na nga pala ngayon)... Andami pala ng laman niya.. kung madami kang bibigyang pasalubong sa pag uwi mo ay pwedeng pwede ang lata ng biskwit. Madami kang mabibigyan at madaming bata ang matutuwa at makakatikim ng biskwit galing Maynila..



3. Masarap at nakakabusog. Sinubukan kong kumain ng 10 piraso.. ay ala busog din eh.. tapos inuman mo pa ng tubig... ayos na!

4. Madaming mapagpipilian. Ang unang nauubos sa lata ay yung wafer kasi matamis.. pero yung parang sky flakes, yun ang natitira.

5. Pwede mong upuan ang lata sa biyahe. Minsan kasi punuan ang bus kaya di ka makakakuha ng upuan. Tsaraan.. instant na upuan ang lata ng biskwit.

6. At pag naubos na ang biskwit sa lata... pwede mo pa itong gawing lalagyan ng bigas.. may rice dispenser ka pa.. ayos!

Madaming gamit at madaming pakinabang,
Yan ang lata ng biskwit na dala ni tatang,
Matutuwa na ang mga kapamilya at mga bata,
Sulit talaga ang biskwit sa lata. ☺►

Naruto 522 I'm Already Dead

Ako ay patay na...
Ang galing talaga ni Masashi Kishimoto na gumawa ng Naruto.. Ang binuhay ng impure world resurrection ay parang half dead o undead. Parang zombie na patay na pero gumagalaw pa.. pero ang kaibahan sila ay may natitirang memorya at naaalala pa nila halos ang mga pangalan ng tao at lugar pero hindi buo.
Wala na silang kamatayan maliban na mai unbind sila sa seal ni Kabuto. ☺►



Ito ang batang may bloodline limit na gumagamit ng salamin..




Hindi niya maalala ang mga huling nangyari bago siya mamatay..













Mas matindi ang makakalaban nila ngayon.. di ko rin kilala ang mga ito.. ngayon pa lang..

Naruto 521 The Army Battle Begins

Unti unti ng lumalabas ang motibo ng bawat character.. Si Kabuto ay may maitim na plano at hindi pa natin alam yun..
Mas matindi ang kakaharaping kalaban ng grupo nina Kakashi at mahihirapan silang manalo.. si Zabuza.. Hidden Mist swordsman..☺►

















Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...