Wednesday, January 12, 2011
1/11/11 - January 11, 2011
Kahapon ay pumalo ang petsa ng 1/11/11 o 1.11.11.... di ko alam kung may significance yun sa mga numerologist. Pero ang alam ko, pasalamat ako at inabot ko pa ang petsang yun kahapon. Sana maabutan ko pa yung mga susunod pang petsa kagaya ng:
2.22.22 - February 22, 2022
3.3.33 - March 3, 2033
4.4.44 - April 4, 2044
5.5.55 - May 5, 2055, Senior Citizen na ako kung aabutin ko pa ang petsa na ito.. siyempre maeenjoy ko na ang 20% discount.
Mga nangyari kahapon.. 1.11.11
1. Matraffic pa rin sa Edsa lalo na pag uwian na (mula 5PM - 7PM).
2. May nagutom na humigit kumulang 3.4 milyong Pilipino.
3. Madami pa rin ang Pilipinong walang makuhang trabaho.
4. 500,000 ang sumakay sa MRT.
5. Mahigit 100 ang sanggol na ipinanganak sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
7. Marami pa rin ang tumataya sa jueteng at lotto sa pag-aakalang mananalo.
8. Milyong milyong buwis ang pumapasok sa gobyerno.. ilan kaya ang napupunta sa serbisyo para sa mga tao?
9. Marami pa rin ang tumambay imbes na magtrabaho (maglinis ng paligid o kaya magtanim ng gulay sa paligid).
10. Nadagdagan naman ang miyembro ng samahang magkakariton ng Pilipinas.
Isang araw na kagaya pa rin ng ibang araw na dumaan.. ☺►
Labels:
Kultura
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment